Nang ginustong sundin ni Justine ang pangarap niya akala niya makukuha niya ang suporta ni Kenzo. Pero laking gulat niya nang hindi suportado ng nobyo ang desisyon niya.
"Ako o ang pangarap mo?" Iyan ang tanong ni Kenzo sa kanya.
Simula nang araw na iyon naguluhan na ang puso at isip ni Justine sa kung ano ba talaga ang pipiliin niya.
Ang taong mahal niya..
O ang isang opostunidad na minsan lang kung dumating..
PANGARAP o PAG-IBIG?
Dumaan ang mga araw na tinatago-tago at iniinda lang ni Justine ang nararamdaman niya. Hindi siya nag pahalata kay Kenzo and she just acted as if nothing's wrong.
Hanggang isang araw Kenzo decided to propose..
"Bi.. Will you marry me?" Tanong nang lalaking nakaluhod sa harap niya hawak-hawak ang isang black velvet box na may lamang singsing.
Hindi siya nakasagot sa tanong nang nobyo.
"Bi.. will you.. marry me?" Ulit na tanong ni Kenzo sa kanya.
Sa pagkakataong ito yumuko si Justine at niyakap si Kenzo nang napakahigpit.
"I'm sorry.." Iyan ang huling sinabi niya kay Kenzo bago niya ito iniwan.
Umalis siya..
Sinunod niya ang pangarap niya..
Iniwan niya ang taong mahal niya..
Umalis si Justine papuntang Amerika at nanatili siya doon nang tatlong taon at sa loob nang panahong iyon naging masaya siya pero ramdam niyang may kulang sa buhay niya. Ayaw man niyang aminin pero alam niyang nangungulila siya kay Kenzo.
Nang natapos ang kontrata niya sa Amerika nag desisyon siyang umuwi nang Pilipinas. Sa pag-uwi niya bitbit niya ang pag-asang maayos pa nila ni Kenzo ang relasyon nila. Umaasa siyang magkakabalikan pa sila nang dating nobyo.
Pag dating niya ng Pilipinas sinundo siya nang Ate Jaja niya kasama ang asawa nitong si Marcus at ang mga anak nila.
"Ate.. Kamusta siya?" Tanong ni Justine sa kapatid niya.
Tinignan siya nito.
"Bunso kasi.. may.. girl.. friend na siya.." Sagot nang Ate niya.
Nagulat si Justine sa ibinalita nang Ate niya. Ang buong akala niya may babalikan pa siya sa Pilipinas. Hindi niya lubos akalain na kaya pa palang mag mahal ni Kenzo nang iba. Kasi siya hindi niya nagawang kalimutan ang lalaking unang nag patibok nang puso niya.
****
Nang narating nila Justine ang mansyon kung saan siya dating nakatira, nanumbalik sa kanya ang maraming alaala. Karamihan sa alaalang iyon ay tungkol kay Kenzo.
"Bunso.. Welcome back.." Bati sa kanya nang Ate Jamie niya.
"Thank Ate.." Sagot niya sa kapatid niya.
Habang masaya silang nagbabatian biglang pumasok sa kung saan si Kenzo kasama ang bago nitong nobya.
"Justine.. Welcome back.. I'm glad you're home.." Bati ni Kenzo sa kanya.
Kenzo greeted her with a fake smile. Alam niyang hindi totoong natutuwa ang binatang makita siya. Bakas pa rin sa mga mata ni Kenzo ang galit nang araw na umalis siya. Alam niyang hanggang ngayon hindi pa rin siya napapatawad nito.
"Uhmm.. Thanks.. I'm glad to be home too." Sagot ni Justine sa dating nobyo.
"Ah.. Nga pala.. This is Kyra.. My girlfriend.." Pagpapakilala ni Kenzo sa babaeng katabi niya.
"I am glad to meet you.." Ika ni Justine sa bagong girlfriend ni Kenzo.
Binigyan naman nang isang totoong ngiti ni Kyra si Justine. Inabot nito ang kamay niya kay Justine at binati ito.
"Hi.. I'm so glad na nakilala na rin kita.. Dati sa mga pictures lang kita nakikita eh.. Ang daming kwento nila Ate Jaja tungkol sayo.." Ika niya.
Kahit masakit sa loob ni Justine pinilit niyang ibalik sa dalaga ang ngiting binigay nito sa kanya.
"Me too.. I'm glad na nakilala kita.." Sagot ni Justine..
Biglang tumahimik ang paligid nang nag batian ang dalawang dalaga. Kaya naman agad na sinalba ni Mike ang sitwasyon at nag patawa siya.
"Nako Justine.. Ang daming hinandang pagkain ni Ate Tess.. May puto, kutchinta, bananaque, turon, bilo-bilo at kung anu-ano pa.. Hindi niya yata alam na ikaw lang ang uuwi.. Akala niya siguro bitbit mo ang buong States.." Ika ni Mike.
****
Dumaan ang mga araw na pinipilit iwasan ni Justine si Kenzo. Simula nang nalaman niyang may bagong nobya na ang binata pinili niya na ding kalimutan na ang nakaraan at mag simula na ulit nang pinibagong buhay.
Doon na pumasok sa eksena si Gray..
Kaibigan nang Ate Jaja niya si Gray. Isa kasi ito sa mga resident doctor nang ospital kung saan dating nag ta-trabaho ang Ate niya.
"Hatid na kita sa inyo.." Alok ni Gray sa kanya nang minsan siyang nakita nito sa daan dahil nasira ang kotse niya.
Dahil late na at mukhang paulan pa, pumayag na si Justine sa alok ni Gray. Nag pahatid siya sa binata at maayos naman siyang dinala nito pauwi sa bahay nila.
"Bakit ngayon ka lang?!" Tanong ni Kenzo nang nakita nila ito sa sala.
"Uhmmm... Nasiraan kasi ako.. Buti napadaan si Gray.. He offered me a ride.." Sagot ni Justine.
Biglang tumayo si Kenzo mula sa pagkakaupo niya at lumapit kay Justine.
"Sa susunod na maalangan ka tawagan mo AKO!" Ika ni Kenzo sabay hablot sa kamay niya at kinaladkad siya nito papunta sa kusina.
Ay doon na nagsimulang gumulo ang lahat..
------------------------------
AN:
Hello Friends!
Excited na ba kayo? Hihihi.
I hope you guys will enjoy this book as much as you enjoyed the previous books na sinulat ko. Sa mahigit isang taon kong nagsusulat nang libro sa wattpad hindi ko talaga inakala na may tatangkilik sa mga libro ko (HINDI NAMAN KASI AKO EXPERT) hahahaha.
Pero salamat.. Salamat at sinubaybayan niyo ang kwento nila Marcus, Dan, Liam at Mike. And now, we're about to read Kenzo's story.
I hope you'll like it!
LOVE,
Krish
BINABASA MO ANG
SECOND CHANCE | #WATTYS2019 (COMPLETED)
RomanceAng taong mahal niya? O ang isang opostunidad na minsan lang kung dumating? PANGARAP o PAG-IBIG?