Justine's POV:
"Tine.. May offer ako sayo.." Ika ni Doc Rodriguez.
Isa siyang orthodontist sa clinic kung saan ako nag ta-trabaho.
"Ano po 'yun Doc?" Tanong ko.
"Nakwento kasi sa akin nang kapatid ko na 'yung clinic nila nag hahanap nang mga license dentist na gustong mag trabaho sa US. Naisip kong i-refer ka.. Willing ka ba?" Tanong niya.
Magkahalong saya at takot ang naramdaman ko.
"Uhmmmm.. Gusto ko po sana Doc.. pero.. baka hindi ako.. payagan.. Actually.. Sure akong hindi ako papayagan.." Sagot ko.
"Nino? Nang parents mo?" Tanong niya.
Umiling ako.
Matutuwa nga sila Mom at Dad kapag nalaman nila ang tungkol dito eh..
"Baka hindi ako.. payagang nang boyfriend ko.." Sagot ko.
"Ah.. Ni Kenzo? Nako Tine.. Once in a lifetime lang 'tong ganitong opportunity.. Kapag natanggap ka sagot na nila ang working visa mo.. Aalis ka na kaagad.. Isa pa mas advance ang mga skills na matututunan mo kapag nandoon ka.." Sagot niya.
Tama siya..
Mas marami nga akong matututunan kapag nakapagtrabaho ako doon..
"I'll try to talk to him Doc.." Sagot ko.
Tumango siya.
"Sige.. Kausapin mo siya ha? Kung sakaling matanggap ka naman dun tatlong taon lang ang kontrata mo eh.. Pwede ka nilang i-extend or kung ayaw mo na pwede ka nang umuwi.." Sagot niya.
Tatlong taon?
Nako.. Kapag sinabi ko kay Kenzo to siguradong pag-aawayan namin..
Tumango ako bilang sagot.
****
As usual, sinundo ako ni Kenzo pagkatapos nang trabaho ko.
"Hi Bi.." Bati ko kay Kenzo nang nakasakay na ako sa passenger seat nang kotse.
"Hi.." Bati niya rin sa akin sabay halik sa labi ko.
"How was your day?" Tanong ko.
"Daming trabaho.. Ang daming utos ni boss.." Sagot niya.
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Kawawa naman ang baby ko.." Ika ko.
He looked at me then he smiled.
"Okay lang bi.. At least ngayon kasama na kita.. Kasama ko na ang lakas ko.." Sagot niya.
Hinampas ko ang braso niya.
"Cheesy mo! Tara na nga.. Uwi na tayo.." Ika ko.
Natawa siya at tumango tapos ay nag simula na siyang mag maneho pauwi sa bahay.
------------------------------
Kenzo's POV:
Pagkatapos nang hapunan agad na kaming umakyat ni Justine sa kwarto para mag pahinga.
"Bi.. Gusto mo bang maunang maligo?" Tanong ni Justine.
I smiled.
"Pwedeng sabay tayo.." Sagot ko.
Inirapan niya ako.
"Bi.. I am tired.. I can't do it right now.." Sagot niya.
Natawa ako.
BINABASA MO ANG
SECOND CHANCE | #WATTYS2019 (COMPLETED)
RomanceAng taong mahal niya? O ang isang opostunidad na minsan lang kung dumating? PANGARAP o PAG-IBIG?