KABANATA XIX

2.2K 45 28
                                    

Justine's POV: 

Dumaan ang isang gabing nanatili ako sa ospital pero hindi ko man lang nakita ang kahit anino ni Kenzo. 

"Okay na lahat.. Pwede na tayong umuwi.." Pagbibigay alam nang kakapasok lang sa kwarto kong si Gray. 

Tinignan ko siya. 

"Huh? Pero sabi mo titignan mo lang ang bill tapos babalikan mo ako?" Tanong ko. 

He smiled. 

"Binayaran ko na rin.. Ayoko na kasing bumalik doon.. Ang haba nang pila eh.." Sagot niya. 

Tinaasan ko siya nang kilay. 

"Mahaba ang pila? Pero diba resident doctor ka dito? For sure hindi ka naman pumipila.. Baka nga bigla-bigla ka nalang pumapasok sa opisina nang billing eh.." Sagot ko. 

Bigla siyang umiwas nang tingin sa akin. 

"Eh.. Hindi naman ako naka duty ngayon eh.. Wala nga sa akin ang coat at ID ko eh.. Wala akong access at hindi ako pwedeng pumasok nalang sa department nila basta-basta.." Sagot niya. 

Natawa ako.

"Ang galing mong gumawa nang kwento pero halatang-halata pa rin na hindi ka nagsasabi nang totoo.. Hindi mo nga magawang tumingin sa akin eh.." Sagot ko. 

 Nang dahil sa sinabi ko, bigla akong tinignan ni Gray nang mata sa mata. 

"Oh.. Ayan na.. Nakatingin na po.." Sagot niya. 

I smiled. 

"Okay.. So.. magkano ang binayaran mo?" Tanong ko. 

"Maliit lang.." Sagot niya. 

"Magkano nga?" Tanong ko. 

"Maliit nga lang.. Bakit mo ba tinatanong?" Tanong niya. 

"Anong bakit ko tinatanong? Malamang para mabayaran ko.." Sagot ko. 

"Nope.. 'Wag na.. Okay na.." Sagot niya. 

"Hindi.. This time I will pay you back.. Nung nakaraan nilibre mo na nga ang pagawa nang kotse ko eh.. Hindi ko na pwedeng tanggapin 'tong tulong mo ngayon.." Sagot niya. 

He walked towards me at hinawakan ang pisngi ko nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin. 

"Maliit na bagay lang naman 'yong mga 'yon para sa girlfriend ko.." Sagot niya. 

Biglang uminit ang pisngi ko nang narinig ko ang sinabi niya. 

Talagang palang sineryoso niya ang sanabi kong kami na.. 

Tinotoo niya ang dapat ay kunyari lang.. 

------------------------------

Kenzo's POV: 

Sobrang aga naming dumating ni Mike dito sa ospital kung saan na-admit si Justine. 

"Pare naman.. Mag a-alas syete na.. Baka naman pwede na tayong lumabas nang kotse?" Tanong nang aburidong si Mike. 

"Dito nalang tayo pare.. Ayokong mag pakita kay Justine.." Sagot ko.

"Oh.. Kung ayaw mo palang magpakita sa kanya bakit pa tayo pumunta dito?" Tanong ni Mike. 

"Ang sabi ko.. ayaw kong magpakita sa kanya.. Pero hindi ko naman sinabing ayoko siyang makita.." Sagot ko. 

Natawa si Mike.

"Ah.. So titignan mo nalang pala sa malayo? Ganon?" Tanong ni Mike. 

Tumango ako bilang sagot. 

SECOND CHANCE | #WATTYS2019 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon