KABANATA VII

1.9K 32 8
                                    

Justine's POV: 

Masaya naming pinagsasaluhan ang mga pagkaing hinanda ni Ate Tess. 

"Nako.. Ang sarap.. Wala po talaga kayong kupas sa pagluluto Nay Tess.." Ika ko sa matandang babaeng nasa harap ko. 

Nang una kong nakilala si Ate Tess medyo bata at malakas pa siya. Ngayon bakas na ang katandaan sa mukha niya. Hindi na rin siya kasing liksi dati at madalas nalang siyang nakaupo dahil masakit na ang mga tuhod niya. 

Ngumiti siya. 

"Pinilit ko talagang lutuin lahat nang 'yan dahil alam kong namiss mo ang mga ganyang pagkain.. Wala kasi niyan sa Amerika.." Sagot niya. 

Tumango ako. 

"Opo.. Pero sana hindi na po kayo nag abala.. Ayoko pong napapagod kayo.." Sagot ko. 

"Ay.. Okay lang anak.. Minsan ka lang naman kung umuwi kaya okay lang.." Sagot niya. 

Niyakap ko siya. 

"Ang dami ko pong pasalubong para sa inyo.. 'Yong isang maleta ko para sa inyo po lahat 'yon Nay.." Ika ko. 

Niyakap niya rin ako pabalik. 

"Nako.. Kahit wala ka nang pasaubong sa akin basta ang mahalaga umuwi ka.. Masaya akong makita ka ulit anak.. At sana 'wag ka na ulit umalis.. Alam mo bang sobra ang lungkot ni Kenzo nung umalis ka? Halos gabi-gabi kung uminom 'yung batang 'yon! Uma-umaga ko ngang hinahatiran nang mainit na kape dahil laging masakit ang ulo niya pag gising.." Sagot ni Ate Tess. 

Tinignan ko si Kenzo at nakita kong nakatingin din siya sa akin. Sundo ko namang tinignan si Kyra and I mouther I'M SORRY to her. 

Tumango siya and she smiled. 

"Nay.. Kain ka na rin po. Sabayan mo kami.." Ika ko. 

Ngumiti si Ate at tumango. 

"Ah.. Sige.. Sige.. sandali at magpapakuha ako nang mga plato para sa inyo.." Sagot niya sabay utos sa iba pang mga katulong na kumuha nang mga plato. 

****

Panay ang kwentuhan namin habang kumakain nang biglang sumagi sa isip ko si Gray. 

"Ay Ate Ja.. Hindi ko pa yata na kwento sayo na nakasalubong ko si Gray kanina sa airport.." Kwento ko. 

"Talaga? Gray Montemayor?" Tanong ni Ate Jaja. 

Tumango ako. 

"Oo! Siya nga.." Sagot ko. 

"Ay nako.. Alam mo bang may sarili na silang ospital? Siya at ang mga kapatid niya.." Sagot ni Ate Jaja. 

Hindi ko na nagawang sumagot dahil biglang sumabat si Kuya Marcus sa usapan. 

"WOW! At talagang updated ka pa sa kanya?!" Tanong nang mister nang Ate ko. 

Natawa si Ate Jaja. 

"Sobra ka! Parang nakita ko lang naman sa newspaper 'yong balitang 'yon! Hindi ko naman sinasadyang malaman ang information tungkol dun.." Sagot ni Ate Jaja. 

At doon na nga nag simulang mag bangayan ang mag asawa. 

---------------------------------

Kenzo's POV: 

Natatawa nalang ako sa nakikita ko ngayon. 

Nagtatalo si Jaja at Marcus dahil sa isang lalaking Gray ang pangalan.. 

SECOND CHANCE | #WATTYS2019 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon