KABANATA X

1.9K 34 3
                                    

 Justine's POV: 

Kanina pa sana ako uuwi sa hotel ko kaso nang pauwi na ako biglang dumating sila Ate Rachel at Ate Karla. Naisipan nilang mag night swimming at hindi daw ako pwedeng tumangi. 

"Ate.. Next time nalang kasi." Ika ko kay Ate Jaja na kasalukuyang naghahanap nang bikini sa drawer. 

"Ay bunso! Maaga nga naming pinatulog ang mga bata para mai-push natin 'tong night swimming eh.. Nandoon na din sila Karla sa cellar para kumuha nang wine.. Si Jamie naman kumukuha na nang chicha sa pantry.. Ready na ang lahat kaya 'wag ka nang umarte diyan!" Sagot niya. 

"Pero wala akong dalang bikini Ate.." Sagot ko. 

"Alam ko.. At ang dami kong bikini dito.. 'Yong iba dito may tag pa nga eh.. 'Wag kang mag alala at bibigyan kita nang hindi ko pa nagagamit.." Sagot niya. 

Hay! 

Mukhang wala akong lusot ah.. 

"Hindi na ba talaga ako pwedeng umatras?" Tanong ko. 

Tinignan ako nang masama ni Ate Jaja. 

"Anong tinatago mo sa katawan mo?" Tanong niya. 

Umiling ako. 

"Wa.. wala!" Sagot ko. 

Sumingkit ang mga mata niya. 

"Mag sabi ka sakin nang totoo! Justine Maureen Andres I am warning you!" Pananakot ni Ate. 

"Ate naman.. Wala nga.." Sagot ko. 

"You know that I can see right through you! Alam kong may tinatago ka!" Sagot niya 

Huminga ako nang malalim. 

"Ay nako.. Sige na.. Mag swimming na tayo.." Ika ko sabay punta sa drawer niya kung saan naroon ang mga swimwear niya. 

"Ito nalang sa akin.. Ito nalang gagamiting kong pang swimming.." Ika ko sabay labas na isang pares nang rash guard. 

Tinignan ako ni Ate. 

"Anong gagawin mo? Mag ii-scuba diving?! Sa swimming pool lang tayo maliligo.. At isa pa wala naman sila Kenzo ngayon kasi may meeting si Marcus.. Gagabihin na 'yong mga 'yon.. Kaya hindi ka dapat mag tago.." Sagot ni Ate Jaja. 

"Tsss.. Eh alin diyan ang susuotin ko?" Tanong ko. 

Nagulat ako nang bigla niyang nilabas niya ang isang pares nang red ang black bikini na may mga patters. 

"Ate naman! Sobra naman yata yan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ate naman! Sobra naman yata yan.." Ika ko. 

"Anong sobra? Nandito lang naman tayo sa bahay.. So okay lang 'yan.." Sagot ni Ate. 

"Ayoko nito! Iba nalang.." Sagot ko. 

"Ay hindi! Sige na.. 'Yan nalang ang gamitin mo.. Hindi ko pa nagagamit 'yan simula nung binili ko.. Bagay sayo 'yan.. Kaya go ka na sa CR.. Bihis ka na.." Sagot ni Ate. 

SECOND CHANCE | #WATTYS2019 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon