Justine's POV:
Hindi ako nag dalawang isip na bantayan ang mga pamangkin ko nang pakiusapan ako nila Ate Jaja at Kuya Marcus.
Pero ngayon parang nagsisisi na ako..
"Hindi ba pwedeng ikaw nalang ang lumayo kay Kenzo? Hindi ba pwedeng umalis ka nalang ulit?" Tanong sa akin nang umiiyak na si Kyra.
"I'm sorry Kyra.." Sagot ko.
Pinunasan niya ang luha sa mga mata niya sabay tingin sa akin.
"Simula nung gabi nang dinner celebration para sa kambal mas lalong naging cold si Kenzo sa akin.. Hindi na niya sinasagot ang mga matawag at text ko.. Hindi na din siya natutulog sa apartment ko 'twing weekends.. Kung hindi ko pa siya sasadyain sa opisina or dito sa mansyon hindi pa kami magkikita.." Sagot niya.
Yumuko ako.
"Then.. wha.. what do you want me to do?" Tanong ko.
"Go away? Or mag boyfriend ka nang iba.. Kahit anong paraan para tuluyan nang mawala ang nararamdaman ni Kenzo para sayo.." Sagot niya.
"I can't leave.. I am currently planning on buying a property para gawing clinic.." Sagot ko.
"Then be with someone.. Kapag taken ka na titigilan ka na ni Kenzo.." Sagot niya.
I looked at her dahil nagulat ako sa sinabi niya.
"Kahit nga manliligaw wala ako eh.." Sagot ko.
"Si.. Gray.. Hindi ba 'yon nanliligaw sayo?" Tanong niya.
Umiling ako.
"Hindi.." Sagot ko.
Nilapitan ako ni Kyra sabay hawak sa mga kamay ko.
"Pero gusto ka niya Tine.. Nakikita ko 'yon.. Nakikita naming lahat na may gusto siya sayo.. Parang ikaw nalang yata ang hindi pa nakakahalata.." Sagot niya.
Kumunot ang noo ko.
"He likes me?" Tanong ko.
Tumango si Kyra.
"Yes! At sigurado ako na may balak siyang ligawan ka.. If you'll only show him a little interest.." Sagot niya.
Bigla akong napaisip sa sinabi niya.
Si Gray?
Talaga ba?
Tinignan ko si Kyra.
"I'll give it a try.." Sagot ko.
Tumango siya.
"Salamat.. Buong puso kaming nagpapasalamat ni baby sayo.." Sagot niya.
Oo nga pala..
Buntis pala siya..
I have so many reasons para layuan ka Kenzo..
****
Agad akong umalis sa coffee shop kung saan kami nag-usap ni Kyra. Nag drive ako kung saan-saan dahil ayoko munang umuwi sa mansyon.
Ngayong gabi doon na ako matutulog..
Ngayong gabi simula na nang pagtira namin ni Kenzo sa iisang bahay..
Nasa isang subdivision ako nang biglang namatay ang makina nang sasakyan ko.
NO!
BINABASA MO ANG
SECOND CHANCE | #WATTYS2019 (COMPLETED)
RomanceAng taong mahal niya? O ang isang opostunidad na minsan lang kung dumating? PANGARAP o PAG-IBIG?