KABANATA VI

1.8K 32 3
                                    

Justine's POV: 

Hindi ko alam kung mabilis lang ba talagang mag maneho si Kuya Marcus o sinasadya niyang bilisan ang pag da-drive para maaga kaming makarating sa mansyon nila. 

"We're home.." Ika ni Kuya Marcus. 

"Oo nga eh.. Sa pagkakatanda ko parang halos dalawang oras ang byahe mula airport papuntang bahay niyo.. Pero akalain mo 'yon? Nakuha mo lang nang halos isang oras.." Sagot ko. 

Natawa si Kuya Marcus. 

"Nasa kondisyon lang siguro talaga akong mag drive.. At na tyempuhan lang natin na hindi masyadong traffic.. Ayaw mo nun? Maaga tayong nakauwi?" Tanong niya. 

Huminga ako nang malalim. 

"Guys.. I think mas mabuti kung mag ho-hotel nalang ako.." Ika ko sa mag asawang nasa harap ko. 

Parehas silang tumingin sa akin. 

"Bakit? Mas maganda pa nga sa hotel 'tong bahay namin eh.. Tsaka ang daming kwarto dito Tine.. At nandito ang pamilya mo.. Mas okay kung dito ka mag stay.." Sagot ni Ate Jaja.

Tinignan ko siya.

"Pero Ate.. Kasi hindi pa ako handa eh.. Natatakot ako.." Sagot ko. 

Nakita ko ang concern sa mga mata nang ate ko habang nakatingin sa akin. 

"I understand.. Kung gusto mo talagang mag hotel.. Then.. sige.. Pero pwede bang bumaba muna tayo nang sasakyan.. Just say hi to everyone.. They're all waiting for you.. Tara?" Aya ni Ate Jaja. 

Tumango ako. 

"Sige.. Tara.." Sagot ko. 

Binuksan ko ang pinto nang sasakyan at bumaba. Tinignan ko ang paligid nang mansyon at napansin kong may mga bagay nang nag bago. Lumapit si Ate Jaja sa akin at hinawakan ang kamay ko. 

"Tara na bunso.." Aya ulit niya. 

Tumango ako at matapang na hinakbang ang mga paa ko papunta sa pinto nang bahay nila Kuya Marcus. 

This is it! 

---------------------------------

Kenzo's POV: 

Hindi ako mapakali habang nakaupo sa couch na nasa loob nang kwarto ko. 

"Beb.. Okay ka lang? Bakit parang hindi ka mapakali?" Tanong nang girlfriend kong si Kyra. 

Tinignan ko siya. 

"O.. okay lang.." Sagot ko.

Nilapitan niya ako sabay hawak sa magulo kong buhok. 

"I think.. something's bothering you.. Siya ba?" Tanong niya. 

Umiling ako. 

"Hi.. hindi.." Sagot ko. 

She smiled. 

"Beb.. Alam ko ilang bwan palang tayo.. Pero kahit hindi pa kita ganun ka kilala.. Alam kong ngayon nag sisinungaling ka.. I can see right through you.. Alam kong bothered ka kasi alam mong padating na siya.." Sagot ni Kyra. 

I faked a smile. 

"Beb.. Tatlong taon na kaming wala.. Nakalimutan ko na siya.. Ikaw nang mahal ko.. Ikaw nang mahalaga sa akin.." Sagot ko. 

Tumango siya.

 "Sa ngayon ako pa.. Pero tignan natin mamaya kapag nakita mo na siya.. Baka naman biglang magbago ang ihip nang hangin mamaya kapag dumating na siya.." Sagot niya. 

SECOND CHANCE | #WATTYS2019 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon