KABANATA IX

1.9K 30 2
                                    

Justine's POV: 

Katulad nang pinangako ko kay Ate pumunta ako sa bahay nila kinabukasan para bisitahin sila. Bumaba ako sa taxi kung saan ako sumakay. Agad akong pinagbuksan nang gate nang guard nila Kuya Marcus nang nakita niya ako.

"Good morning po Ma'am.." Bati nang guard nila. 

I smiled at him. 

"Good morning din kuya.." Sagot ko.

Then I walk towards the door of their mansion. Hindi na ako nag atubiling kumatok at basta nalang ako pumasok sa loob. 

"Hi everyone.." Bati ko sa mga kapatid ko at sa mga anak nila.

They're currently in the kitchen having breakfast. 

Well.. ang mga bata lang ang kumakain.. 

Nagkakape lang sila Ate..  

"Oh bunso.. Paano ka nakapunta dito? Nag taxi ka?" Tanong ni Ate Jaja. 

"Yup.. At i-refund mo ang pamasahe ko.. Ang mahal nang binayaran ko sa taxi.." Biro ko.

"Kasalanan mo 'yan.. Kung dito ka nalang sana nag stay edi sana hindi ka na namamasahe nang mahal.." Sagot ni Ate Jaja sabay inom nang kape niya. 

Oh.. I want some coffee too.. 

Dahil natakam ako sa kape, nag decided akong kumuha nang mug sa drawer nila. Then I poured myself some coffee from the coffee maker. 

Habang ninanamnam ko ang kape ko biglang pumasok sa kitchen sila Kuya Marcus kasama sila Liam, Dan, Mike at Kenzo. 

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan tinitignan ako nang limang lalaking nasa harap ko. On the other hand, namumula naman sila Ate Jaja at Ate Jamie dahil pinipigilan nila ang tawa nila. 

"Why?" Tanong ko sa mga kasama ko. 

Walang sumagot ni isa sa kanila. 

"What are you guys looking at?" Tanong ko sa mga lalaking nakatingin pa rin sa akin. 

"Kasi.. dito sa bahay.. May mga kanya-kanya kaming mug.. 'Yang mug na iniinuman mo.. Kay.. kay Kenzo kasi 'yan.." Sagot ni Kuya Marcus. 

Naubo ako nang narinig ko ang sinabi niya. Sakto kasing umiinom ako nang kape nang sinabi niyang kay Kenzo pala 'tong mug na ginagamit ko. 

Tinignan ko nang masama ang mga Ate ko. 

"Bakit hindi niyo sinabi?!" Naiinis kong tanong sa kanila. 

"Ako.. hindi ko napansin.." Sagot ni Ate Jamie. 

"Ako kasi.. late ko nang napansin eh.." Sagot ni Ate Jaja. 

I don't believe them.. 

"Pero Tine okay lang naman 'yan.. Minsan ginagamit din naman ni Jaja ang mug ko.. Or ginagamit ko ang mug niya.. Minsan si Jamie ginagamit ang mug ni Mike and the other way around.. So okay lang 'yan.." Sabat ni Kuya Marcus. 

"Hindi 'yun okay Kuya.. Magkaiba naman kasi ang sitwasyon natin.. Mga mag asawa kayo kaya okay lang na gamitin niyo ang gamit nang isa't-isa.. Kami kasi ni Kenzo.. uhmm.. wala namang kami.." Sagot ko. 

"Kung hindi mo sana ako tinakbuhan dati edi sana mag asawa na rin tayo ngayon.." Sabat ni Kenzo. 

Tinignan ko siya pero hindi ko na pinatulan ang sinabi niya. I decided to create a new topic para maiwasan ang usapan tungkol sa pag iwan ko sa kanya. 

"I'll just.. buy you a new mug.. Sorry for using yours.." Ika ko. 

Hindi niya ako sinagot pero bigla siyang lumapit sa akin at kinuha ang mug mula sa kamay ko. 

"You don't have to.. I don't mind kung nakigamit ka nang mug ko.. It's okay Justine.. It's not a big issue.." Ika niya. 

Nagulat ako nang bigla niyang ininom ang kape ko na nasa mug niya. 

"Here.. Tinirhan kita nang kape.. You can finish this one.. Okay na ako sa dalawang sip.. And if you feel like you want more coffee then you can use my mug.. I am giving you permission." Ika ni Kenzo bago tuluyang lumabas sa kitchen. 

---------------------------------

Kenzo's POV: 

Nasa loob na kami nang sasakyan at papunta na kami sa Garcia Corp nang bigla akong inasar nang barkada. 

"And if you feel like you want more coffee then you can use my mug.. I am giving you permission.." Panunukso ni Mike. 

Tinignan ko siya. 

"Tigilan mo nga ako.." Ika ko. 

Natawa sila. 

"Ganito ba? Ganito ba umasta ang mga taong wala nang feelings para sa ex nila?" Tanong ni Marcus. 

"I didn't do anything.." Sagot ko. 

"You didn't do anything? Pare.. your clearly flirting with Justine.. Do you know how you look at her? Kung alam mo lang siguro kung paano mo siya tignan kahit ikaw mismo sasabihin mo sa sarili mo na patay na patay ka parin sa kanya.." Sagot ni Dan. 

I decided to ignore them. 

"Bakit kasi ayaw mong aminin na mahal mo pa si Justine?" Tanong ni Liam na kasalukuyang nag da-drive. 

Tinignan ko sila. 

"May girlfriend ako diba? Bakit niyo ba ako inaasar sa ibang babae? Alam niyo namang nandiyan na si Kyra.." Sagot ko. 

"Hindi ka namin inaasar pare.. Nirerespeto namin ang relasyon niyo ni Kyra.. Kung pinapakita mo sana sa amin na wala ka nang feelings kay Justine at talagang mahal mo si Kyra edi sana hindi ka namin inaasar.. Kaso ikaw din mismo ang nag bibigay sa amin nang dahilan para asarin ka eh.." Sagot ni Marcus. 

"Tumpak! Kahit nga siguro si Kyra nakikita kung paano mo tignan si Justine.. Hindi ka pa ba niya sinusumbatan?" Tanong ni Dan. 

"Uhmmmm.. Nag.. talo kami kahapon.. tungkol kay Justine.." Sagot ko. 

"See? Ilang oras palang nakauwi si Justine pero nagawa na siyang pagselosan ni Kyra.. Ibig sabihin nakikita din ni Kyra and nakikita namin.." Sagot ni Liam. 

"Kaya kung ako sayo Kenzo.. makipagbreak ka na kay Kyra.. Sa huli sigurado akong mas masasaktan siya.. 'Wag mo nang hintayin na mas maging malalim pa ang nararamdam niya para sayo.. End this relationship right now.. At 'wag ka nang maging hard sa sarili mo.. Doon ka sa taong gusto mong mahalin.. 'wag ka dun sa taong dapat mong mahalin.." Sagot ni Marcus.

"Ayoko nang bumalik kay Justine.. She'll just hurt me again.. I've been through hell because of her.. Ayoko nang maranasan ulit 'yon naranasan ko dati.." Sagot ko. 

"Ikaw.. Pero kung ako sayo.. susugal ulit ako.. Malay mo this time.. hindi ka na masaktan ulit.." Sagot ni Marcus. 

Hindi na ako sumagot dahil alam kong hahaba nang hahaba lang ang usapan kapag sumagot pa ako. 

Apat sila at isa lang ako.. 

Pare-parehas ang gusto nila kaya kampihan sila.. 

Hindi talaga ako mananalo.. 

Kaya shut up ka nalang Kenzo..

---------------------------------

SECOND CHANCE | #WATTYS2019 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon