ANONG oras ang alis natin dito sa Cebu, Ron?" tanong ng lalaki sa kapitan ng worldwide cargo vessel na sinasakyan nila.
"Isang oras pa at tapos na ang pagkakarga."
"So, around seven." Sinulyapan niya ang suot na wristwatch. "Mabuti na lang at nakausap ko ang asawa mo sa telepono at nalaman kong dumaong kayo dito three days ago. I prefer travelling by sea kaysa eroplano."
"Alam mo bang kabilin-bilinan ni Lani na alamin ko kung sino na naman ang kinalolokohan mo dito?" natatawang wika ng kapitan.
Napangiti ang lalaki. Kapatid niyang bunso ang asawa ni Ronald, ang kapitan nitong cargo ship. "Ang mga babae! Kaya nga ba hindi ko gustong mag-asawa. Gusto nilang naka-monitor sa ginagawa mo."
Tumawa ang kapitan ng barko. "Nag-aalala lang si Lani na baka kung sino-sino na naman ang idine-date mo." At nagsalin ng brandy sa kopita. "One shot before dinner," inabot ang isang kopita sa bayaw.
''Nag-aalala? I can't believe it. One week pa lang ako dito sa Cebu at nagtatrabaho ako, ha? Sa iyo siya dapat mag-alala," inabot ang alak mula sa bayaw.
"Alam ng kapatid mong nag-iisa siya sa buhay ko, Gino," nakangiting sagot ng kapitan.
Hindi kumibo ang binata. May bahid ng katotohanan ang sinasabi ng bayaw. Bago at matapos makasal ito sa kapatid niya ay wala siyang nababalitaang kalokohang ginawa ng bayaw gayong sa mga katulad nito ang trabaho ay palasak iyon.
"I'll take my shower before dinner. Maaga pa naman. Kumain tayo pag naglalayag na," nagsalin pa ng isang shot at ininom bago bumalik sa cabin niya.
Bilang bayaw ng kapitan ay may pribelihiyo siyang magkaroon ng sariling cabin kung may bakante rin lang sa tuwing sasakay siya sa cargo ship. Pagkapasok sa cabin ay agad siyang naghubad ng kasuotan. Pasipol-sipol pang tinanggal niyang lahat ang suot pati brief.
Dadamputin na lamang niya ang tuwalya sa higaan nang parang may narinig siyang paghinga na tila nagulat. Alam niyang nag-iisa lang siya pero nilinga pa rin ang paligid. Guniguni lang ba niya ang narinig?
Bahagyang nagkibit ng balikat at akmang dadamputin ang tuwalya uli nang sa saglit na pagdaan ng mga mata niya sa closet at nakita niyang gumalaw ang pinto niyon.
Dinampot niya ang sigarilyo sa katabing mesa at nagsindi pero ang mga mata ay hindi inaalis sa pagkakatitig sa closet. Nagbuga ng usok paitaas at dahan-dahang humakbang papalapit. Bigla ang ginawa niyang pagbukas sa bahagyang nakaawang na pinto at ganoon na lamang ang gulat niya sa nakita.
Babae! Babae ang nasa loob ng closet! Bata at maganda. Nagsabog sa mukha ang kulot-kulot at mahabang buhok nito.
Bumaba ang tingin niya sa dibdib nito. Ilang butones ang napuna niyang hindi nakasara at nasisilip niya ang kabuuan halos ng dibdib nito. Wala sa loob na biglang itinaas ng babae ang mga kamay sa dibdib nito na hindi nagbaba ng tingin.
"Sino ka? Anong ginagawa mo rito sa loob ng cabin ko? At bakit ka nagtatago sa loob ng closet?" sunod-sunod na tanong niya na bahagyang nagsalubong ang mga kilay
Hindi sumasagot ang babae at nanatiling nakatitig sa mukha niya at sa wari ay hindi gustong ibaba ang mga mata. Bahagyang ngumiti si Gino.
"Well... well... kung gusto akong sorpresahin ni Ronald bago lumarga, then he really succeeded this time!" aniya na muling hinagod ng tingin ang babae. "All right, puwede ka nang lumabas diyan." Umatras nang kaunti upang bigyang-daan ito.
Lumunok ang babae. "P-puwedeng... mag... magtapis ka muna?"
Noon lang naalala ng binata ang kahubaran. Tumalikod at kinuba ang tuwalya at bale-walang itinapi sa may ibaba ng baywang.
BINABASA MO ANG
With This Ring (COMPLETED)
Romance"One day, I'll teach you how to make love... at minsan, parang hirap na hirap akong hintayin ang araw na iyon... when you're this close..." Hindi niya alam kung sino siya at kung saan siya nagmula. Ang tanging alam niya ay kailangang makatakas siya...