CHAPTER NINETEEN

42.4K 938 17
                                    


NASA daliri na ni Alora ang singsing at nakatitig pa rindito. Napasukan siya ni Margarita sa ganoong ayos.

"Bagay sa iyo."

Tipid na ngurniti si Alora. "Ma... bakit ninyo siya pinapanhik dito?"

"Dahil hindi ka bababa upang kausapin siya."

"Why should I talk to him?"

"Mahal ka niya," maiksing sagot ng ina.

"Naniniwala ka?''

"Hmn... at hindi lang basta mahal. Mahal na mahal."

"Paano mong natiyak?"

"Itinatanong ba iyan? I know a person in love when I see one. Tulad mo, halimbawa." Marahang tinapik ang pisngi ng anak.

"Hindi kayo tutol sa kanya?"

"Anong klaseng approval ang gusto ng anak ko? Notarized with seal?" tukso ni Margarita. ''Noong unang araw na nandito siya ay hiningi na niya ang kamay rno sa akin..."

"Ma! And you didn't tell me about it? Pinagkaisahan ninyo ako!" akusasyon ng dalaga.

"Gino is something, Alora. Hindi lang kamay mo ang ibinigay ko. Body and soul," nangingislap ang mga mata nito. "And what a hunk!"

Napahagikhik ng tawa siAlora sa sinabi ng ina. Ang kauna-unahan mula nang dumating siya.

"Now I know kung bakit natagalan ka ng pag-uwi. If I have Gino by my side, who would remember anything?"

"Nagbibiro ka, Ma! I'm still your old demure little girl! Hindi dahil bakla si Gino, ha?'' protesta niya na namula ang pisngi.

"Knowing Gino sa kaunting panahon ay naniniwala ako. The irony of fate, naging advantage sa iyo ang kalamidad..." marahang tumawa si Margarita.

Nakangiting tiningnan ni Alora ang ina. Hinalikan niya ito sa pisngi. "Salamat, Ma."

"Isang bagay lang ang gusto kong ipangako mo sa akin, Alora."

Tumaas ang kilay ng dalaga."And what is that?"

"Bigyan ninyo ako ng maraming mga apo!" Tumawa nang malakas ang dalaga. "We'll give you a dozen grandchildren sa isang kundisyon..." Itinaas ni Margarita ang kilay niya at ginagad ang sinabi ng anak. "And what is that?"

''Nasa kasal ko ay wala ka sa silyang de gulong na iyan!"

"That's blackmail!" natatawang bulalas ni Margarita.

"And Ma, bakit nga pala sampung taon ng biyudo ang Tito Pete ay hindi pa nag-aasawa uli gayong bata pa naman ito? And why is it that everytime he looks at you ay para bang ikaw lang ang tao sa mundo?" patay-malisyang tukso ng dalaga.

"Ah... ah... ayoko nang ganyan ha..." At naggalit-galitan ito. Sinalubong ni Alora ang titig ng ina at sabay silang nagtawanan.

Alam ng dalagang lalakad si Margarita. Ilang beses nang sinabi ni Dr. Martinez na walang diperensiya ang binti ng mama niya. Psychological ang sanhi ng hindi nito paglakad... isang retreat.

Naalala niya ang doktor na kaibigan ni Gino. Afterall, may pinagrnanahan narnan pala siya.

With This Ring (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon