CHAPTER ELEVEN

42.7K 1K 27
                                    


NANG sumunod na mga araw ay naging abala si Gino. Nagbagsak ng mga prutas sa farm at hinahango ng mga negosyante. Pagkatapos ay nagkaroon ng panibagong kontrata sa opisina sa Cebu na ang nangangasiwa pag wala siya ay ang bise presidente at general manager. Ang mga gawaing ito ang naging sanhi upang hindi na halos magkita sina Gino at Alora.

Naroong tatlo o apat na araw sa Cebu si Gino subalit hindi ito nagpapaliban sa pagtawag sa kanya sa cell phone gabi-gabi. At sa tuwing uuwi ang binata ay lagi itong may dalang pasalubong sa kanya. Scarf, music box, perfume o kahit na anong bagay na mabili ng binata para sa kanya.

Nasa library siya minsang dumating si Gino pagkaraan ng isang linggong wala ito. Ang pinakamatagal nitong pagkawala dahil inuumpisahan nang i-develop ang isang subdivision sa isang karatig-lugar sa Cebu.

Nagulat pa siya nang sa pag-angat niya ng mukha mula sa binabasa niyang aklat ay nasa pinto ang binata.

"Gino!" At kulang na lang ay salubungin niya ito ng yakap. Kung hindi niya inawat ang sarili ay baka ganoon nga ang ginawa niya.

Lumapit ang binata at inabot sa kanya ang isang naka-wrap na kahon. "Ano na naman ito?" Sa loob­ loob niya ay galak dahil sa thoughtfulness nito.

"Buksan moat isuot mo mamaya sa hapunan," wika nito na hindi inaalis ang pagkakatitig sa mukha niya.

Maingat na inalis ng dalaga ang wrapper. Binuksan ang kahon at iniladlad ang laman. "Wow! Sarong na batik. And I like the color, hindi ordinaryo..." bulalas ng dalaga. "Paano ko isusuot ito? Patapis lang o itatali ko sa balikat ko ang isang end?"

"Kahit paanong gusto mo. Babagay din sa iyo, anyway..."

"Thank you, Gino. Teka at sasabihin ko kay Manang Lucia na ipaghanda ka ng paborito mong ulam." At mabilis na tinungo ang pinto subalit bago pa siya uakalabas ay tinawag siya ng binata.

"Halika, Alora..." pormal ang tinig nito na nakasandal sa mesa.

"May kailangan ka pa?" nagtatanong ang mga mata niya.

"Halika, lumapit ka sa akin..." Hindi mababali ang utos na iyon at dahan-dahang bumalik si Alora. Hinawakan ng binata ang baba niya at itinaas.

"Don't I deserve a kiss?"

"W-why, of course, i-iyon lang pala..." ang nauutal na sambit ng dalaga. Naka-tip-toe siyang dinampian ng halik ang pisngi ni Gino. Pagkatapos ay muling akmang tatalikod nang hapitin siya nito sa beywang at muling iniharap.

"Am I a lousy teacher at ganoong halik lang ang natutuhan mo mula sa akin?" pormal at mahina ang tinig ng binata pero nanunukso ang mga mata nito.

"G-Gino..." walang tinig na lumabas mula sa pagbigkas na iyon. Hindi niya kayang ganito kalapit sa binata nang hindi siya ipagkakanulo ng damdamin niya.

"Try again, Alora..." utos iyon. Isang sensual na utos. Nang hindi kurnikilos ang namamalikmatang dalaga ay muling nagsalita si Gino. "I said, try again..."

Dahan-dahang inilalapit ng dalaga ang mga labi niya sa naghihintay na binata. When their lips touched ay hindi pa rin kurnikilos ang binata.

"Kiss me, love, better than that," bulong iyon sa mga labi ni Alora.

Itinaas ng dalaga ang mga kamay niya sa batok ng binata at muling inilapat ang mga labi sa mga labi ni Gino. Muli, ay hindi nag-respond ang binata. Napapikit ang dalaga at isinaisip ang mga paraan ng paghalik ng binata sa kanya nitong nakaraan. At hindi niya kailangang memoryahin iyon dahil sa sariling pag-iinit na nadama niya sa ginagawa ay kusang dumaloy mula sa kanya ang halik na hinihintay ng binata.

Mga nag-aalab na halik ang iginanti ni Gino. Nalulunod siya at nang sa inaakala niyang hindi na siya humihinga ay marahang tinapos ng binata ang halik. Sinapo ng mga palad nito ang mukha niya.

"I missed you, love..." At ginawaran ng halik ang noo niya. Nakadalawang endearment nasi Gino sa kanya at hagaman nagtataka ay umaapaw ang kaligayahan sa puso niya.

Mahigpit siyang niyakap nito. "Sa tuwing uuwi ako, gusto kitang ikulong sa mga bisig ko...hagkan tulad ngayon..." bulong ng binata. "Kung alam mo lang na ilang gabing hindi ako natutulog pag nasa biyahe ako. Natatakot akong pagbalik ko ay hindi na kita datnan..."

"Gino, ano ang sinasabi mo?''

"Hindi pa ba malinaw sa iyo? I missed you and I love you... mahal kita, iniibig kita. At gusto kong magpakasal tayo sa lalong madaling panahon!"

"That... was... quite a speech!" bulalas ng hindi makapaniwalang dalaga.

"Alora? I was proposing pagkatapos ay iyon lang ang sinabi mo?'' ang natatawang wika ni Gino.

"I'm... I'm... speechless... anong sasabihin ko?" "Sabihin mo sa akin ang gusto kong marinig."

"A-ano na nga uli... iyong sinabi mo?'' namamalikmata pa ring tanong ng dalaga.

"Great! Do my kisses have that effect on you? This is some kind of a proposal!" At tumingala sa kisame ang binata at sinuklay ng kamay ang bubok. "All right, Miss Alora Whatever... lniibig kita at handa kitang pakasalan sa lalong madaling panahon. Dahil kung matatagalan pa, I won't be responsible kung hindi ako makapagpigil sa sarili ko. I might ravish you!"

Napahagikgik ang dalaga.

"Now, will you marry me?" ang binata uli.

"I do... I do... to love and to hold... till death do us part!" nakangiting sagot ng dalaga sabay yakap sa leeg ng binata. "Oh, Gino, I love you, too. So very much!"

"Whew! Akala ko hindi mo sasabihin..." biro nito.

Nag-uumapaw sa galak ang puso ng dalaga nang may maalala. Bumahid ang lungkot sa mukha.

"Bakit? May problema ba?'' si Gino na himig­-biro pa rin.

"Paano tayo makakasal? Wala akong necessary credentials. Birth certificate...apelyido ko...etc."

"We'll take care of that, love. Pansamantala ay tara sa labas at sabihin natin kay Lani ang plano," inakbayan ang dalaga palabas ng library.

Tuwang-tuwa si Lani at si Manang Lucia sa ibinalita ng dalawa. "Pero bakit parang malungkot ka, Alora?" si Lani na napuna ang pamamanglaw niya.

"Wala kayong alam sa pagkatao ko..."

"Love, hindi ako interesado roon. At kung gusto mong marinig ang totoo, I wish you'll never remember!" madiing wika ng binata. "I can take care of everything. Affidavits, etc..." dugtong nito.

Ngumiting pilit siAlora. Papaano niya sasabihin kay Gino ang lahat? Gusto niyang makasal dito sa lalong madaling panahon. Pero hindi niya mahaharap ang masakit na katotohanan tungkol sa papamya.

At paano niya maipaaalam sa mama niya ang planong pagpapakasal? Kahit paano, ay katungkulan niyang ipaalam iyon sa mama niya. Ang masaksihan nito ang kaligayahang taglay niya minus the problem.

"Bukas, love, pupunta tayo sa Davao. Pipili tayo ng magandang engagement ring habang hindi pa natin naitatakda ang petsa ng ating kasal," sinulyapan nito ang singsing sa daliri ni Alora.

Napatingin din si Alora dito. Hindi niya naisip ang singsing. Ang lalaking nagbigay nito sa kanya. Natitiyak niyang ang papa rin niya ang bumili nito. Isang ordinaryong empleyado lang si Kiel at sa halaga ng singsing ay hindi nito kayang bilhin. Hindi niya naisip ito noong panahong ibinibigay sa kanya ang singsing. Ang isinisimbolo noon ang nasa isip niya. Na pinaniwalaan niyang pag-ibig ni Kiel. At ang pag-aakala niyang iniibig niya rin ito.

Parang napasong hinugot ng dalaga mula sa palasingsingan niya ang singsing ni Kiel at inilagay sa mesa." ltaponmo, kung gusto mo!"matigas niyang salita na ikinagulat pa ni Gino.

Dinampot ito ng binata."Manang Lucia, sa inyo na ito. Ipagbili n'yo kung gusto ninyo. Malaki rin ang magagawa ninyo sa mapagbibilhan niyan!" may sinabing estimate na halaga na ikinabulalas ngmatanda.

"Eh, akina. Ku, itong mga batang ito kung magtapon ng malaking halaga."

Sabay na nagtawanan ang magkapatid. Sarkastikong ngiti ang ipinukol ni A!ora sa singsing.

With This Ring (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon