CHAPTER TWENTY

49.7K 1K 17
                                    


"ANONG oras ang alis ng barko, Ron?"

"In half an hour..." sagot ni Ronald. "Ito ang huling biyahe mo?"

"Yap. Tuwang-tuwa nga si Lani. Para daw kasi siyang walang bahay pag nasa farm siya. Maninibago siguro ako dahil ilang taon ding sa dagat ako naglalagi. But my family needed me most..."

"Lalo na ngayong naglilihi ang asawa mo. Kailangan ka niya sa lahat ng pagkakataon. Ito ang una ninyo," matigas na salita ni Gino dahil kahit kailan ay hindi siya pabor na laging naiiwan si Lani at malayo ang asawa.

"Well, pagdating natin sa Davao ay naroon na ang hahalili sa akin."

Tumingin sa dagat si Gino. "Kumusta na si Alora? Nagkita na ba kayo?" si Ronald.

Isang tango ang isinagot ni Gino. "Anong nangyari?" si Ronald uli.

Nagkibit ng balikat ang binata. "Hindi ko gustong pag-usapan."

Hindi na kumibo ang bayaw. Nalulungkot siya para kay Gino. Ano ba ang malay nila na ang babaeng nagtatago sa cabin nito ay mauwi sa isang tunay na pag-ibig? Love comes from the most unexpected places, ayon sa pamagat ng isang awitin. Napangiti si Ronald. Sa cabin ng isang cargo vessel! Isang hindi kilalang babae at isang lalaking na love at first sight!

"Bakit ka tumatawang mag-isa?" naiiritang tanong ni Gino.

"Private joke..."

Muling itinaas ni Gino ang mga balikat. "Itutulog ko na lang siguro ang hapunan ko. Busog ako," wika nito na sinabayan ng talikod pabalik sa cabin niya.

Tuloy-tuloy ang binata sa loob at muling isinara ang pinto. Pagpasok pa lang niya ay nasamyo na niya sa ere ang halimuyak mula sa isang mamahaling pabango.

Inikot niya ang paningin nang marinig ang lagaslas ng tubig sa banyo. "Oh no! Not again! Not this time!" malakas niyang kinatok ang pinto ng banyo. Mayamaya ay narinig niya ang paghinto ng daloy ng tubig.

Umatras siya at naghintay sa may pinto ng closet. Mayamaya rin ay lumabas ang babae mula sa banyo. Naka-bathrobe at nagpupunas ng basang buhok.

"Sa banyo naman ngayon, ha?'' nakangiting bati ni Gino. "I like your originality!"

Naupo ang dalaga sa gilid ng kama. Kumuha ng brush sa drawer ng mesa at nag-brush ng buhok. "I hate duplicates! Gusto kong original para walang point of comparison."

Tumaas ang kilay ng binata. "May laman ba ang mga sinabi mong iyon?"

"Hmn...medyo..."

Sumandal sa closet si Gino at ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. "Speak up..."

Huminga nang malalim ang dalaga. "L-lahat ng tao ay ikinukumpara ako kay Jessica... ikaw rin ba?'' deretsong tingin ang ibinigay nito kay Gino.

Kailangang makita nito ang ekspresyon sa mukha ng binata pagsagot.

"To be honest with you, yes. Noong unang araw na pagmasdan kitang natutulog sa cabin. Hindi na naulit iyon o naisip ko pa man."

"Sa palagay mo, what do we have in common?"

"Marami. One thing, pareho kayong maganda..." ngumiti siya.

Nag-isip ang dalaga. Ikokondena ba niya ang binata sa pagsasabi nito ng totoo? Kasalanan ba nito o ni Jessica o niya na may mga pareho silang pisikal na katangian?

"Ang... ang mga katangiang magkapareho kami... dahilan ba iyon upang maging anino ako ni Jessica o makita mo siya sa katauhan ko?" kinakabahan niyang tanong.

With This Ring (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon