NAROON na sa pantalan si Lani nang dumaong ang cargo ship. Agad itong tumakbo at yumakap sa asawa. Saka pa lamang binalingan ang kapatid.
"Mabuti at nandito kana. Ang daming problema sa niyugan," bati nito kay Gino nang mapuna ang kasama sa likod nito. Muling tumingin sa asawa. "Siya ba?" tumango ang kapitan na nairadyo na sa asawa ang presensiya ni Lian.
"Lani si Lian, Lian ang kapatid ko, si Lani..." si Gino.
Tipid na ngumiti si Lian. Hindi malaman kung iaabot ang kamay o hindi. Isang friendly smile ang ibinigay ni Lani sa kanya at inabot ang kamay.
"Hello. L-Lian? Akala ko ba ay..." muling bumaling sa asawa.
"A variation of your name, ayon sa kapatid mo," matabang na sagot ng kapitan.
Tumikhim si Gino. "You probably both do not need our presence so maiiwan muna namin kayo.
Mag-iikot lang kami then sabay-sabay na tayong uuwi, Lani."
Nakatingin lang sa kanila ang mag-asawa. Nasa mga mata ni Lani ang kyuryosidad.
Nasa loob na sila ng taksi nang magsalita si Lian. "She is very pretty at magkahawig kayo." Nagtaas ng kilay ang binata. "Do I look pretty?" biro niya.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ronald seemed older..."
"Yap. Dalawang taong bata sa akin si Lani, she's twenty four and Ronald is older by ten years. Mas advantage para kay Lani ang age gap."
Tumango nang marahan si Lian at tumingin sa labas ng taxi. "Saan tayo pupunta, Gino?"
Ibinulong ng binata ang sasabihin upang hindi marinig ng taxi driver. "Bibili tayo ng mga underwears mo..." pilyong ngumiti ito.
Pinamulahan ng mukha si Lian. "Gusto kong sabihing huwag pero kailangan ko iyon and I'm at your mercy," marahang wika niya. "Pero, oo nga pala! Puwede nating ipagbili ang singsing ko para sa pagbibili natin ng mga..."
Marahas na ibinaba ni Gino ang kamay niyang itinaas upang hugutin ang singsing sa daliri. "Itago mo iyan!" pormal nitong wika.
"Pero bakit? Hindi ba practical lang na ipagbili ko ito? Natitiyak kong akin ito dahil suot ko at kasya sa daliri ko," pilit ng dalaga.
"Keep it, Lian." At sa anyo ng binata ay natitiyak ni Lian na hindi na niya kailangang magpilit. Hindi na siya kumibo. Dinala siya ni Gino sa downtown at nagtungo sila sa isang shopping mall.
"Kumuha ka ng dalawang dosenang undies," bulong ni Gino sa kanya.
Iginala ni Gino ang mga mata, sa paligid pero ang isip ay nasa dalaga. Nag-uusap sila ng mga intimate talks na para lang sa magkasintahan o lovers. Marahil dahil sa paraan nila ng pagtatagpo. Kung nakita na siya nito sa kanyang buong kahubaran na tila siya oblation ng UP, anong intimacy ang hihigit pa roon?
Nang mapadako ang pansin niya sa tatlong pirasong panty at isang bra ang ibinigay ni Lian sa saleslady ay agad niyang hinawakan ang kamay nito.
"Miss, two dozens of these sizes at ganoon din sa bra," utos niya sa tindera na agad sumunod. Hindi makakibo si Lian dahil pinanonood sila ng mga naroong salesladies.
Maganda silang parehas. At naiinggit ang mga mata ng mga naroong babae. Namumukod-tangi si Gino sa mga kalalakihang naroon. Hapit ang suot na faded blue jeans at nakabakas ang mga maskuladong hita. Siya iyong kung tagurian ng ibang babae ay "hunk."
Ang mga lalaki naman ay kay Lian nakatuon ang pansin. Hindi siya aware sa titig ng mga naroong lalaki. Kulay kape na may gatas ang balat niya pero makinis at pantay-pantay. Taglay rin niya ang pinakamagandang pares ng binti.
BINABASA MO ANG
With This Ring (COMPLETED)
Romance"One day, I'll teach you how to make love... at minsan, parang hirap na hirap akong hintayin ang araw na iyon... when you're this close..." Hindi niya alam kung sino siya at kung saan siya nagmula. Ang tanging alam niya ay kailangang makatakas siya...