CHAPTER THIRTEEN

40.2K 954 8
                                    


NANG sumunod na mga araw ay walang ginawa ang magkasintahan kundi ang mamasyal, mangabayo at mag-swimming. Sa pagkakataong ito ay nasa laot sila sakay ng lantsa ni Gino.

"Hindi kita pababayaang isuot ang bikining iyan sa shore," ani Gino na pinanonood ang kasintahang nasa folding chair at nagsa-sunbathing.

"Then why did you buy this?" nakangiting tanong ng dalaga na tiningnan ang sarili sa suot na black and pink bikini.

"For my eyes only!"

"Prude! At isipin na lamang na kayraming beses mo akong s-in-educe. Umpisa pa lang sa barko!" lumabi ang dalaga.

Tumawa nang malakas si Gino na tila Adonis sa suot na swimming trunk. "At ako ang nagsi-seduce, ha? You were a tease, alam mo ba iyon?" Nilapitan ang kasintahan at pinagapang ang daliri sa braso nito mula itaas pababa.

"Kinikiliti mo ako, ha? Ayoko ng ganyan," ani Alora na iniwas ang braso subalit sa mga binti naman niya dumako ang mga kamay ng kasintahan. "At alam mo ba na ikaw ang may pinakamagandang binting nakilala ko?" ani Gino na pilit iniipon sa daliri ang pinong-pinong balahibo ni Alora sa binti. "At alam mo ba kung ano ang ginagawa mo sa akin just by touching you like this?"

Tumayo si Alora upang umiwas. Nakukuryente siya sa ginagawa ng binata. Although, mas behave si Gino mula noong naging magkasintahan sila kaysa noong hindi pa. At nami-miss niya ang mga ginagawa ng binata. Alam niya kung paano ito nagpipigil sa sarili.

Tukso at bruto si Gino. Pero alam niyang sa kaibuturan ng puso nito, ang totoong Gino ay konserbatibo pagdating sa pagpili ng kasintahan. Pinagbabasehan niya ang mga sinasabi ni Manang Lucia at ni Lani at ang uri ng pagkatao ni Jessica, Ang kauna-unahang babaeng pinag-ukulan ng pagtingin ni Gino.

Kung meron mang turn-off sa binata ay ang mga babaeng sila na mismo ang humahabol at halos nanliligaw. Naniniwala si Gino na ang chasing and wooing ay lalaki ang siyang dapat gnmawa.

"Saan ka pupunta? Maliit lang itong lantsa, darling. Hindi ka makakaiwas sa akin," sabay hapit sa beywang niya payakap. Hinaplos nito ang mahabang buhok niya. "Gusto ko ang buhok mo..."

"I thought you like my legs best," aniya na tumaas ang kilay.

"Ang mga binti mo rin... ang mga mata mo... ang mga labi mo. Lahat-lahat sa iyo..." At dumapo ang mga labi nito sa leeg niya. Pilyang itinulak ito ng dalaga sa tubig. Parang batong bumagsak ang binata.

Tumawa nang malakas si Alora. Subalit ilang sandali na ang matuling lumipas ay hindi pa rin lurnilitaw si Gino. Kinakabahang dumukwang ang dalaga at inaninaw pilit sa tubig ang kasintahan.

Nasa gitna silang dagat at wala siyang natatanaw kundi ang malawak na laot at ang dalampasigang malayo nasa tanaw niya. Naiiyak nasi Alora.

"Gino... huwag kang magbiro nang ganyan."

Nang biglang lumitaw ito at hinila siya pabagsak sa tubig. Nagtititiling suminghap-singhap ang dalaga.

Nagtatakang hinila siya ng binata at agad na yumakap dito si Alora.

"You brute! Hindi ako marunong lumangoy!" magkahalong tili at iyak niyang sinabi. "Ano?"natatawang bulalas ni Gino. "Nagbibiro ka ba?"

Umiling ang dalaga na tuluyan nang napaiyak. Tuluyang tumawa nang malakas si Gino. Naiiritang inabot ng dalaga ang gilid ng lantsa at tangkang umahon pero hinila siya ni Gino pabalik sa tubig.

Nakahawak ito sa katawan niya at seryosong tinitigan siya. "Sorry, love. Ang dami ko palang ituturo sa iyo." Hinagkan ng tubig-alat ang mga mata niya. "One day, I'll teach you how to make love, at minsan, parang hirap na hirap akong hintayin ang araw na iyon. Lalo na when you're this close."

"I love you, Gino..."Isinaisip na siya na mismo ang gagawa ng paraan upang mapadali ang kasal nila.

With This Ring (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon