ALAS-KUWATRO pa lang ng madaling-araw ay gising na si Gino. Kung tutuusin ay halos wala naman siyang itinulog. Sa kama niya pinahiga si Lian at sa sofa siya pumuwesto. Sa laki at taas niya ay hindi siya kumakasya. Maghahatinggabi na nang maidlip siya at muling magigising dahil hindi komportable.
Sa namamanaag na liwanag ng ilaw sa labas ay natatanaw niya ang dalagang natutulog. Ipinagamit niya dito ang T-shirt niya. At dahil malaki siya ay halos umabot sa tuhod ni Lian ang T-shirt. At ngayon nga ay nakahantad sa kanya ang kagandahan nito na nakalatag sa higaan niya. Nababalisa siyang hindi mawari.
Maliban sa iisang babae ay walang ibang nakapagparamdam sa kanya nang ganito. Si Jessica. Sumagi sa isip niya ang mapait at matamis na kahapon.
Minahal at inibig niya si Jessica mula pagkabata. Lagi silang magkasama. Horse racing... car racing... at kung ano-ano pa. At sa lahat ng mga iyon ay pinahintulutan niyang ito ang manalo. Well, all right, mahusay talaga si Jessica sa mga ganoong bagay dahil sa asyenda ito lumaki. Pero siya man ay ganoon din. At kung ginusto niya ay kaya niyang talunin ito sa lahat ng mga paligsahan nila. Pero gusto niyang makita ang satisfaction sa mukha ni Jessica...ang mga halakhak nito na musika sa pandinig niya tuwing nananalo ito sa mga races nila.
Marahil ay nagkamali siya sa mga pagpaparaya niya. Sa paningin ni Jessica ay nagiging less of a man siya. O marahil talagang kapatid lang ang turing nito sa kanya. Umibig sa iba si Jessica. Ang bossy na si Nick del Mar! Labis siyang nasaktan subalit hindi alam ni Jessica iyon. Nang magpakasal si Nick at si Jessica ay siya pa ang bestman. Sinaksihan niya ang kamatayan ng sariling pag-ibig.
Napangiti siya sa alaala. Limang taon na ang lumipas mula noon at wala paring babaeng pumalit kay Jessica sa puso niya. Maraming on-and-off affairs pero walang seryoso.
Muli niyang tiningnan ang natutulog na si Lian. May mga buhok itong tulad ng kay Jessica. Mahaba at nag-riot ang natural na kulot. Maputi si Jessica at morena si Lian. Halos magkasingtaas at parehong maganda sa kanya-kanyang paraan.
Napapikit si Gino. Bakit nagbibigay siya ng comparison? Hindi niya kilala ang babaeng ito at kung saan ito nagmula. Tumayo siya at pumasok ng banyo at naligo. Paglabas niya ay tulog pa rin si Lian.
Nagbihis siya na ang mga mata ay nasa nakalatag na kagandahan. Nakatagilid ito na yakap yakap ang unan. Nakabakas ang katawan nito sa suot na T-shirt. Ang sarili niyang T-shirt! May kung anong init ang gumuhit sa katawan niya. Agad niyang inalis ang mga mata niya sa natutulog na babae. Nag-zipper ng pantalon at lumabas ng cabin.
Patungo na siya sa kinaroroonan ni Ronald nang masalubong niya ang 3rd mate. "Good morning, Milo. Si Ronald?"
"Patungo sa cabin mo, ah," sagot ng tinanong. Kinabahang bigla si Gino. "Hindi ko nakasalubong?"
"Baka umikot pa sa engine room. Sinabi niyang pupunta siya sa iyo."
Mabilis na tinunton ni Gino ang pasilyo pabalik sa cabin niya. Binuksan ang pinto at ini-lock pagkapasok. Wala pa si Ronald. Nakahinga siya nang maluwag.
Tulog pa rin si Lian na sa pagkakataong ito ay nakataob sa higaan. Nakabitin ang isang kamay sa kama. Higit sa lahat, nakalilis ang T-shirt hanggang sa may panty.
Napatingin sa kisame si Gino. Hindi alam ang gagawin. llang sandali pa ay baka pumasok na ang bayaw. Marahan niyang niyugyog ang balikat ng natutulog.
"Lian... Lian..."
Umungol lang ito. "Hmn... go away..." At tumihaya na lalong ikinataas ng T-shirt hanggang sa may puson.
"Oh, Lord!" ani Gino na biglang nainitan. Mabilis siyang nagdesisyon. Binuhat ang babae at ipinasok sa banyo. Inilapag sa ilalim ng shower at binuksan ang gripo.
Nagtitili ang biglang nagising na si Lian. Sa kabiglaanan ay napayakap sa kanya. "Halps...oh!"
Pati siya ay nabasa dabil hindi bumibitaw sa kanya si Lian. Mali ang desisyon niya! Sa basang T-shirt ay para na ring walang damit ito!
BINABASA MO ANG
With This Ring (COMPLETED)
Romance"One day, I'll teach you how to make love... at minsan, parang hirap na hirap akong hintayin ang araw na iyon... when you're this close..." Hindi niya alam kung sino siya at kung saan siya nagmula. Ang tanging alam niya ay kailangang makatakas siya...