CHAPTER SIXTEEN

40.1K 977 6
                                    


KUNG paano lumilipas ang mga araw ay hindi alam ni Alora. Patuloy na nag-uumaga at gumagabi. Para siyang robot na de susi. Pinamahalaan niya ang kompanya nila sa tulong ng Tito Pete niya. Ang Vice President at isa sa mga stockholders. K.aibigan ito ng mama niya.

Pinag-aralan niya ang loob at labas ng negosyong naiwan ng papa niya. At dahil doon niya ibinuhos ang isip at katawan ay madali niyang natutuhan ang pagpapalakad sa loob lamang ng ilang linggo.

Nakaraan at nakaraan ang ika-dalawampu't isa niyang kaarawan na hindi pinansin sa kabila ng pagpipilit ni Margarita na magpa-party sila.

Maraming mga kabinataan ang nagtangkang makalusot sa pader na inilagay niya sa sarili subalit magalang niyang naiwasan ang mga ito.

"Sa nakita kong anyo ni Larry anak ay natitiyak kong ultimatum ang ibinigay mo."

Nagkibit lamang ng balikat si Alora at patuloy na inayos ang mga bulaklak sa plorera.

"Akala ko pa naman ay magkakasundo kayo. Guwapo, galing sa isang mabuting pamilya at isang mahusay na abogado..." patuloy ni Margarita.

"Hindi ako interesado sa kanila, Mama."

Matagal na tinitigan ni Margarita ang anak. "Natitiyak kong walang kinalaman ang pagkatao ni Mauro at ni Kiel sa attitude mo ngayon, Alora. Hindi na ikaw ang dating si Alora. You have changed! Physically and emotionally!"

"Ma, you're imagining things. Walang nababago sa akin." Saglit na sinulyapan angina at bahagyang ngumiti.

"Tingnan mo ang sarili mo. Buong buhay mo ay laging mahaba ang buhok mo dahil ayaw mo ng maiksi. Pero ngayon, kulang na lang ay magpakalbo ka. You're still very pretty, hija, at bagay sa iyo. Lamang, bakit ba I have this feeling na sinasadya mong lahat ang pagbabago hindi dahil gusto mo kundi nagrerebelde ka?" mahabang wika ni Margarita. "You're not my sweet Alora, anymore. Something happened in Davao... natitiyak ko."

Bahaw na tawa ang sagot ng dalaga. "Mama, ibinabagay ko lang ang sarili ko sa posisyon ko sa kompanya bilang presidente. I cannot be your old demure little girl sa mga barakong kinakausap ko sa araw-araw at sa board room!"

"Isa pa iyan. Trabahong kalabaw ang ginagawa mo. Nariyan naman ang Tito Pete mo at ang ibang mga executives. Hindi kailangang patayin mo ang sarili mo. Halos hindi mona makuhang k:umain pag­ uwi mo. Ang laking inihuhulog ng katawan mo."

"Ang sabi nila ay pang-model ang katawan ko..." pilit siyang ngumiti at nagbiro.

"Hindi kita pinipilit na magsabi ng totoo, Alora.At twenty one, dapat ay nag-i-enjoy ka. I know you for being a shopping freak, pero ngayon ay ni hindi mo madalaw ang mga department store," gusto nang magalit ni Margarita.

Hinalikan ng dalaga sa pisngi ang ina. "Huwag kang mag-alala sa akin, Mama. Ikaw ang dapat na seryosohin ang theraphy mo. Ayon kay Dr. Martinez ay posible kang makalakad kung gugustuhin mo. Do it and we'll go abroad together..." At pumanhik na ang dalaga.

Sinundan siya ng tingin ni Margarita. Natitiyak nitong puso ang suliranin ng anak. Sino ang mapalad na lalaking ipinagkaganito ng anak?

With This Ring (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon