CHAPTER EIGHTEEN

41.6K 1K 40
                                    


DALAWANG beses ng sumunod na linggo ay nakita niya si Gino sa kanila. Minsan ay kausap ng mama niya sa garden. Minsan naman ay naglalaro ang mga ito ng chess. At sa dalawang pagkakataong iyon ay ni hindi siya tinapunan ng tingin ng binata.

Sa opisina ay nagiging irritable at unreasonable siya. Halos walang tumama sa sinasabi at ginagawa. "Anong nangyayari, Alora? May problema ka ba?'' ang Tito Pete niya.

"I'm sorry, Tito Pete..." Sumandal siya sa swivel chair.

"Alora, buto at balat kana lang. Minsan, gusto kong itanong sa iyo kung paano ka pa nakakatayo," naroon ang simpatiya sa boses nito.

Pumikit si Alora. Hindi kumikibo at nanatiling nakasandal.

"Take my advice, hija. Magbakasyon ka muna. Go abroad. Hindi ko gusto ang nakikita ko sa iyo. Hindi kita tatanungin kung bakit dahil nakausap ko si Margarita. Hindi ka nagsasalita."

Tumawa ang dalaga na hindi naman talaga natatawa. "Pareho kayo ng Mama. Walang nangyayari sa akin at wala akong problema. You're both nagging me!"

"Ang sabi ko, Alora, hindi ako magtatanong. Sarili mo ang niloloko mo. Fool yourself but take my advice. Magbakasyon ka, kahit saan, hija. Sa probinsiya, sa farm o sa tabing dagat. Rent a vacation house," suhestiyon nito.

Sarkastikong ngumiti ang dalaga. "Farm... tabing dagat..." very ironic. "Salamat, Tito Pete. I might do that. Hindi ko lang alam kung kailan at kung saan. Sasabihin ko sa iyo..." Itinuon ang mga mata sa papeles na nasa harap niya. Iiling-iling na tumayo si Pete at lumabas ng silid.

Naiwang nag-iisip ang dalaga. Tatakbo na naman ba siya? Saan siya pupunta? Hanggang kailan niya tatakasan ang sariling damdarnin? Pero paano niya rnatatagalan ang presensiya ni Gino sa bahay nila? Hindi nito alam at ng mama niya na they're slowly killing her...

SINADYA niyang magpagabi ng uwi nang hapong iyon dahil kung sakaling dumating doon ang binata ay tiyak na hindi niya ito aabutan. Pero nagkamali siya. Naroon pa rin ito pagdating niya.

"Magbihis kana, hija. I invited Mr. Benson for supper," bungad ni Margarita.

Walang maidadahilan si Alora upang hindi sumalo sa hapunan. Kahit sabihin pa niyaog kumain na siya sa labas. Out of politeness ay kailangan niyang bumaba.

Kaswal na nagkukuwentuhan ang mama niya at si Gino sa harap ng pagkain. Hindi siya nag-aangat ng ulo. Sinasagot niya ng monosyllabic ang tanong ni Margarita. Minsang nagtaas siya ng paningin ay hindi sinasadyaog nagsalubong aog mga mata nila ng binata. Galit ba, o concern ang nakikita niya roon? Agad siyang nagbaba ng paningin.

Makalipas ang ilang kabagot-bagot na sandali ay tumayo si Alora. "E-excuse me, Mama, masakit na masakit ang ulo ko... maiiwa n ko na ang pagkain ninyo..." halos mapahikbi siya at hindi niya hinintay ang sasabihin ni Margarita. Tumayo rin si Gino nang tumayo siya at sinundan siya ng tingin papanhik.

Nagkatinginan ang dalawang naiwan. Inabot ni Gino ang baso ng tubig at uminom.

"Hindi ko alam kong tamang hindi mo siya kausapin, hijo." Kinuha ni Margarita ang table napkin sa mesa at siyang ipinahid sa namumuong luha sa mga mata."Look at her... hindi ko alam kung may dugo pa sa katawan. Nag-aalala ako."

Hindi sumasagot si Gino. Hindi kayang ipaliwanag ni Margarita ang emosyong nakabadya sa mukha nito.

"She's killing herself... ni hindi kumakain. Kausapin mo siya, Gino. May dahilan marahil kung bakit umalis ang anak ko nang walang paalam sa iyo. Tinitiyak ko sa iyong mahal ka niya sa nakikita kong ikinikilos niya mula nang dumating siya dito."

Hindi masabi ng binata na siya man ay ganoon din. Na sa bawat pagkakataong nakikita niya ito at hindi nakakausap... nayayakap... ay isang kaparusahang walang kapantay. Huminga ito nang malalim at tumayo. Sumunod si Margarita.

Nakadapa sa unan niya ni Alora na patuloy sa pag-iyak. Hindi niya namalayan ang marahang pagbuk:as ng pinto ng silid niya.

"Ano ang dahilan ng mga luhang iyan, Alora?"

Napabalikwas ang dalaga. "A-anong ginagawa mo rito?" Inabot ang tissue paper sa side table at nagpunas ng mga luha.

"Ano'ng ginawa mo sa buhok mo?" mahinang tanong ng binata.

Patuyang ngumiti ang dalaga. "Does it matter kung anuman ang gawin ko sa buhok ko?"At least hindi na niya karnukha si Jessica dahl!maiksing­ maiksi na ang buhok niya.

''No. It doesn't matter. Maganda ka pa rin..." bulong ng binata na mas narinig pa ng dalaga ang buntong-hininga nito.

Hinahanapan niya ng paninisi ang mukha ni Gino pero blangko ito. Wala siyang maaninag kahit na ano. "H-hindi mo sinagot ang tanong ko. Anong ginagawa mo dito sa silid ko?" Kung magtatagal pa ang binata nang ilang minuto ay baka tumakbo siya sa mga bisig nito.

"May nakalimutan kang dalhin nang umalis ka. Iba ang dinala mo sa halip," sabi nito na ikinatingin dito ni Alora. Sa isang iglap ay nakita niya roon ang pait na agad ding naglaho na pinagdudahan niyang imahinasyon lang siguro niya.

Ano ang nakalimutan niyang dalhin? At ano ang dinala niya? Kung paano siya dumating ay ganoon din siyang umalis. Iniwan niyang lahat, pati puso mya...

May dinukot sa bulsa ng pantalon ang binata. lnilapag ito sa night table sa harapan niya. Kumislap ang bato niyon sa reflection ng ilaw. Ang engagement ring nila!

"H-hindi ko... ang ibig kong sabihin ay..."

"Hindi ko binabawi ang anumang bagay na ibinigay ko na," mahinang salita ni Gino. Nasa loob ng bulsa ng pantalon ang mga kamay. "Binili ko iyan para sa iyo. Kung ano ang dahilan kung bakit nabili iyan ay iyon pa rin ang dahilan ko sa pagbabalik niyan. It symbolizes my love," huminga uli nang malalim. Pigil ang sariling buhatin ang dalaga at ikulong sa mga bisig.

Sandaling namagitan ang katahimikan. Hindi makaapuhap ng sasabihin si Alora. Pagkuwa'y tumalikod ang binata at tinungo ang pinto. Palabas na ito nang magsalita ang dalaga.

"G-Gino..." Lumingon ang binata. Nakahawak sa doorkoob ang mga kamay. "Sabi mo...may dinala akong iba. A-ano iyon?"

Sandaling tumitig si Gino sa kanya bago nagsalita. "My heart..." Tuluyan na itong lumabas pagkasabi noon.

Ilang sandali nang wala ang binata ay nakatitig pa rin sa pinto si Alora. Sinulyapan ang singsing sa mesa. Marahang dinampot at dinala sa mga labi.

Nagbubukas nang sasakyan si Gino nang abutan ni Margarita. Bakas sa mukha ng babae ang matinding pag-aalala. "Gino..."

Tuloy-tuloy sa loob ng kotse ang binata. Binuksan ang window shield.

"Na kay Alora na ang pagpapasya. Kung totoo ang sinabi ninyong rnahal niya ako, then she knows where to find me. Goodbye, ma'am," pinatakbo na nito ang sasakyan.

With This Ring (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon