NANG araw na iyon ay malayang nakalabas ng cabin si Lian. Magkasama sila ni Gino sa deck. Naaaliw na pinanonood ng binata ang pagsisikap ng dalagang ipitin ang palda nitong nililipad ng hangin. Alam niyang walang suot ang dalaga sa ilalim ng palda nito.
"Mag-iingat kang hindi liparin ng hangin paitaas ang palda mo," aniya na nangingislap ang mga mata na tila isang pilyong teenager.
Isang matamis na ngiti ang iginanti ng dalaga. "Marumi ang isip mo, ano? Pero nagkakamali ka mister... sinuot ko ang underwear ko kahit basa at sa lakas ng hangin ay tuyo na ito!"
Tumawa nang malakas si Gino. Tumalikod sa dagat at sumandal sa railings. "Smart girl!" Nang balingan niya ang dalaga ay nakatingin din ito sa kanya. They just stood there staring at each other at kung anuman ang namagitan sa mga sandaling iyon ay sila lang ang nakakaalam.
Unang nagbaba ng tingin si Lian. Malungkot na tinanaw ang malawak na karagatan. Bakit siya nakikipagpalitan ng biruan sa estrangherong ito? Mga intimate na usapan. Sanay ba siya doon? Bakit panatag ang loob niya sa binata?
Nang gabing iyon ay muling naalimpungatan si Gino. Nananakit ang buong katawan niya sa pagkakahiga sa sofa. Nakabitin ang dalawang binti niya.
Biglang nawala ang antok niya nang sa pagdako ng mga mata niya sa hinihigaan ni Lian ay bakante iyon! Mabilis siyang tumayo.
"Lian..." mahinang tawag niya sabay silip sa banyong nakabukas. Wala doon! Kinakabahang lumabas ng silid si Gino. Nilakad ang kahabaan ng pasilyo patungong deck. Ang oras sa relo niya ay alas-tres y media ng madaling-araw.
Malayo pa siya ay natatanaw na niya ang dalaga. Naroon ito sa Iugar na pinanggalingan nila kahapon ng umaga. Marahan niyang nilapitan ito.
"Malamig ang simoy ng hangin, Lian, magkakasakit ka niyan," marahang wika niya.
''N-nanaginip ako, Gino..." sa tono ng boses nito ay alam ni Gino na umiiyak ito kahit na hindi lumilingon. "Isang lalaking walang mukha ang nagbigay sa akin ng singsing na ito..." Itinaas ang kamay na kung saan ay naroon ang singsing.
"Kasintahan mo marahil," kaybigat bigkasin ng salitang iyon. "You must be engaged. Engagement ring ang singsing na suot mo."
"Hindi ko maisip. Masakit sa ulo..."
"Huwag mong pilitin ang sarili mo. Maaalala mo rin marahil iyan nang unti-unti," alo ng binata. Hinawakan sa magkabilang balikat ang dalaga. "Halika na, malamig dito at hindi mabuting makita ka ng mga tripulante sa ganitong oras..."
"Gino, iiwanan mo ba ako pagdating natin sa Davao?" naroon ang pag-aalala sa boses ni Lian.
"Hindi!" mabilis at matatag niyang sagot na kahit mismo siya sa sarili niya ay nagulat. Hindi niya alam kung tama ang sagot niya. Ang alam niya ay hindi niya maaaring pabayaan si Lian o kahit sino man ito.
"Kahit muli tayong bumalik ng Cebu upang magbaka-sakali ay gagawin ko, Lian," paniniyak niya na nang makita niyang ngumiti ito ay para na rin siyang naginhawaan.
"Salamat, Gino."
Lumakad sila pabalik ng cabin. Bakit niya pinagmamalasakitan ang babaeng ito? Kung dadalhin niya ito sa isa sa mga government agencies ay hindi na masama para sa pagtulong sa kapwa. Bakit gusto niyang akuin ang responsibilidad?
BINABASA MO ANG
With This Ring (COMPLETED)
Romance"One day, I'll teach you how to make love... at minsan, parang hirap na hirap akong hintayin ang araw na iyon... when you're this close..." Hindi niya alam kung sino siya at kung saan siya nagmula. Ang tanging alam niya ay kailangang makatakas siya...