SAHAPUNAN ay napuna ni Gino ang pamumugto ng mga mata niya. "Have you been crying, Lian... I mean, Alora?" nag-aalalang tanong ng binata.
"A little... sumakit ang ulo ko kanina. Pagkatapos ay nakatulog ako kaya marahil parang mugto ang mga mata ko," kaila ng dalaga.
Naghihinalang tinitigan siya ng binata pero hindi na kumibo at nagpatuloy sa pagkain.
"Natutuwa kami, Li... Alora at unti-unting nanunumbalik sa iyo ang dati mong isipan," si Lani. "Huwag mong pakapilitin at natitiyak kong sa loob lamang ng ilang araw ay manunumbalik sa iyo ang Iabat."
"Alora... hmn... magandang pangalan. Masarap bigkasin. Bagay na bagay sa iyo, hija," si Manang Lucia na nilagyan pa siya ng pagkain sa pinggan dahil kapiraso lang ang nilagay niya.
Tanging si Gino lamang ang hindi natuwa sa pagbabalik ng memorya ni Lian. Nanatiling nakayuko si Lian o si Alora. May guilt na nararamdaman dahilsa patuloy na pagsisinungaling. Gusto niyang manatili sa piling ni Gino at gusto niyang bilhin ang oras sa piling nito.
Kung hanggang kailan ay hindi niya alam...
BINABASA MO ANG
With This Ring (COMPLETED)
Romance"One day, I'll teach you how to make love... at minsan, parang hirap na hirap akong hintayin ang araw na iyon... when you're this close..." Hindi niya alam kung sino siya at kung saan siya nagmula. Ang tanging alam niya ay kailangang makatakas siya...