CHAPTER EIGHT

40.9K 946 3
                                    


"SA MGA nagkakaroon ng head injuries ay common ang mga panandaliang pagkawala ng memorya," ang doktor. "Maaaring unti-unti ay maalala mo ang lahat. Maaari ding biglang manumbalik at maaari din namang hindi na," patuloy ng doktor. Nagkatinginan sina Gino at Lian.

"Ano ang sanhi ng total memory lost, Tony?" si Gino.

"Maraming dahilan. Isa na rito ay iyong ayaw mismo ng may katawang alalahanin ang nakaraan. Ginagawa niya ito subconsciously."

"Bakit gagawin iyon ng may katawan?"

"Hindi siya aware na ginagawa niya iyon. Maaaring may bahagi ng nakaraan na hindi niya gustong maalala. Ginagamit niyang retreat ang pagkalimot," sumandal ang doktor sa upuan at pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa.

"May nabasa akong ganyan, friend. More on psychoneurosis," sagot ni Gino.

"Right. At sa lahat ng kaso, usually na ay pinakamadali itong gamutin. Anyway, possibilities lang ang mga iyon. Anong malay natin kung bukas o sa makalawa ay muling magbalik ang memorya ng pasyente..."

"Or maybe never..." si Lian na noon lang nagsalita. Naroon ang lungkot sa tinig nito.

"Let's be positive. Maaari kayong magtungo sa Iugar na kung saan ay may kaugnayan sa pasyente. Makatutulong iyon upang maaari siyang makaalalang muli." Muli nitong sinulyapan si Lian. "Tinanggal ko na ang natuyong mga stitches. Hindi makababawas sa magandang mukha..."

"Thank you, Tony. And send the bill..." Tumayo si Gino at kinamayan ang kaibigan.

Nasa lantsa na sila nang muling magsalita si Lian. "Anong lihim mayroon ang pagkatao ko, Gino, at hindi ako makaalala?" naroon ang paghihinagpis sa tinig nito.

"Kahit magtungo tayo ng Cebu uli, Lian, ay gagawin ko kung gusto mo. At kung tama naman ang sapantaha ni Tony, hindi ka makakawala sa kulungang iyan malibang gugustuhin mo..."

With This Ring (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon