"ANG GINAW!" ani Lian na nagpapasag at bago pa muli makatili ay nasa mga labi na niya ang mga labi ng binata.
Tuluyang nagising ang dalaga na huminto sa pagpasag. Para siyang itinulos sa kinatatayuan.
Mahigpit pa ring nakahawak sa binata. Tuloy ang bagsak ng tubig mula sa shower sa mga katawan nila. Tuloy si Gino sa pagsiil sa kanya ng halik nasa kabiglaanan ay ibinuka niya ang mga labi na lalong nagpainit sa nararamdaman ng binata.
Tumaas ang mga kamay ng binata sa dibdib ni Lian. Bahagyang napapitlag siya. Maginaw ba o mainit? Kani-kanina lang ay nagpipitlag siya sa lamig ng tubig. Bakit ngayon ay para siyang nilalagnat? Ano itong nararamdaman niya? Para siyang jelly na matutunaw sa ginagawa ng binata. Malamig ang tubig pero bakit para siyang may init na nararamdamang gumuguhit sa katawan niya? Nag-iinit ang katawan niya pero bakit nagtatayuan sa palagay niya ang mga balahibo niya sa braso kahit basa?
Pilit siyang kumawala. "G-Gino... gusto ko ang ginagawa mo..." aniya na hinababol ang paghinga. "But...but you're scaring me at the same time..." ang nalilitong wika niya.
Napatitig sa mukha niya si Gino na dinadaluyan ng tubig mula sa shower... ang mga nagtatanong na mga mata... Marahang ipinilig ni Gino ang ulo nito. "Maligo ka nang tuluyan at bilisan mo!" utos nito at mabilis na lumabas ng banyo.
Nakabihis na uli ito nang lumabas ang dalagang nakatapis nang tuwalya. "Bilisan mong magbihis!" marahang bulyaw nito sa dalaga at tumalikod upang makapagbihis si Lian.
"'N-nabasa mo ang underwear ko..." mahinang wika ni Lian na halos hindi umabot sa pandinig ni Gino.
"Then wear nothing! For goodness sake, Lian!"
Hindi niya alam kung bakit siya nagagalit. At kung kanino siya nagagalit. "I can't lend you my briefs, it won't fit!"
Walang kibong nagbihis ang dalaga. Nalilito sa inaasal ng binata. Halos tamang natapos ang pagbibihis niya ay may kumatok. Binuksan ng binata ang pinto at hinatak ang bayaw sa loob at muli ring isinara ang pinto.
"Anong ibig sabihin nito?" si Ronald na ang mga mata ay nasa babae. "Ipaliwanag mo sa akin ito, Gino at pagbutihin mo," mahinahon ngunit madiing utos ni Ronald.
Hindi makapaniwala si Ronald sa ipinaliwanag ng bayaw. Naghihinalang pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa.
"Hindi ko alam kung maniniwala ako sa iyo, Gino. Kung hindi ko pa alam ang mga kalokohan mo sa babae ay baka sakali pa."
"Hindi ko itinatago ang mga affairs ko Ronald, alam mo iyan. Dahil wala akong pakialam sa opinyon ng ibang tao!" naiiritang sagot nito.
"Sinasabi ko sa iyo ito dahil hindi ko alam ang gagawin sa kanya sa susunod na 36 oras!"
Huminga nang malalim ang kapitan. "At pagdating natin sa Davao, anong gagawin mo sa babaeng iyan?" sabay sulyap sa nakayukong si Lian. "Hindi babae... Lian ang pangalan niya!" Hindi malaman ni Gino kung bakit nainis siya sa bayaw sa pagtukoy ditong "babae."
Nagsalubong ang mga kilay ni Ronald. "Ang akala ko ba ay hindi niya alam kung sino siya?"
"Binigyan ko ng pangalan! Ni-ramble ko ang pangalan ng asawa mo," naiinis pa rin niyang sagot. Napatingin sa babae si Ronald. Nakayuko si Lian at parninsan-minsang sumusulyap sa kanila. Napatitig uli sa bayaw. Walang ibang babaeng pinagkaabalahan ng ganito si Gino. Bakit hindi nito sinabi ang presensiya ng babae kagabi?
Subconsciously ay binabalikat nito ang responsibilidad sa babae. Kung bakit ay naiintriga si Ronald. "Pagdating ng Davao, anong plano mo? Iiwan mo siya doon?" tanong uli ni Ronald.
Hindi kumibo ang binata. Kagabi pa niya iniisip iyon. Sa Davao ay naghihintay ang lantsa niya pauwi sa farm. Kung nag-eroplano siya ay hindi siya masasabit ng ganito. Nilingon niya si Lianna tila naghihintay ng isasagot niya. Nasa mukha nito ang takot o pagkabalisa.
Bumuntong-hininga ang binata. Gusto niyang lapitan ang dalaga at pawiin ang takot nito sa mukha. "Sa nangyayari, mukhang responsibilidad ko siya ngayon." Nagsindi siyang sigarilyo. "Gaano ba tayo katagal sa Davao? Uuwi ka ba sa farm kasama ko?"
"Hindi na, dahil isang araw lang ang pagkakarga doon. Si Lani ang pupunta at isasama mo rin siya pauwi."
"Kung ganoon ay saka ko na pag-iisipan. In the meantime, mananatili ba si Lian sa cabin ko?"
"Wala ng bakanteng cabin dahil sa dalawang machinist trainees na sumakay sa Cebu. Anyway, another overnight with you will not matter, hindi ba?'' sarkastikong tanong ni Ronald na sinulyapan si Lian.
Hindi gusto ni Gino na manatili sa cabin niya si Lian. Hindi niya gusto ang nangyari kanina na kumawala ang pagpipigil niya sa sarili. Ang mga babaeng nakasama na niya ay lantaran ang pang-aakit na ginagawa. Magaganda at seksi rin naman pero hindi pa nangyaring kumawala ang self-control niya tulad kanina.
"Hihintayin ko kayong dalawa sa dining room," ani Ronald na bago lumabas ay muling tinapunan ng tingin ang dalawa.
BINABASA MO ANG
With This Ring (COMPLETED)
Romance"One day, I'll teach you how to make love... at minsan, parang hirap na hirap akong hintayin ang araw na iyon... when you're this close..." Hindi niya alam kung sino siya at kung saan siya nagmula. Ang tanging alam niya ay kailangang makatakas siya...