CHAPTER SEVEN

40.8K 976 3
                                    


MATAGAL bago nakatulog si Lian. Maganda, malaki at komportable ang silid na ibinigay sa kanya pero nananatili siyang gising.

Hanggang kailan siya sa bahay na ito? Hanggang kailan siya kakandilihin ng magkapatid? Sino ba siya?

Nakatulugan na niya ang ganoong mga katanungan sa sarili. Sandali lang siyang naidlip at muling managinip...

...dalawang lalaking walang mukha... tinatawag siya... tumatakbo siya... sumisigaw... takbo...!

"Lian... gising! Lian..." si Gino na marahang niyuyugyog ang mga balikat ng dalaga.

"Ha?'' naalimpungatang usal ng dalaga. Pawis na pawis ang noo. "Gino?"

''Nananaginip ka, Lian..."

Hindi uli nakapagsalita ang dalaga na nakatitig lang sa kaharap. Tumayo ang binata at lumabas ng silid. Nang bumalik ay may dalang isang basong tubig.

"Inumin mo ito..." Nangalahati ang Iaman ng baso nang iabot uli ni Lian ang baso kay Gino.

"S-salamat..." Naupo siya sa higaan at naghalukipkip.

"Ano ang napanaginipan mo, Lian?" marahang tanong ng binata.

"Tulad din noong nasa barko tayo. Gino. Dalawang lalaking walang mukha." aniya sa nanginginig pang boses. "Tinatawag nila ako... hindi ko maisip kung ano ang itinawag nila sa akin..." Sandaling pumikit ang dalaga.

"Maaaring mga mahal mo sa buhay ang mga napapanaginipan mong lagi," sagot ng binata. "Maaaring ang isa ay tulad ng sinabi ko sa iyo na baka siyang nagbigay ng singsing. Ang isa naman ay maaaring kapatid mo... o di kaya ay ang ama mo..."

"A-ama?" sukat doon ay biglang pumikit ang dalaga. Parang gustong umikot ng kapaligiran niya. Mahigpit ang pagkakadaklot niya sa kumot na nakatakip sa kalahati ng katawan.

"Lian, bakit? Anong nangyayari?" Hinawakan ni Gino ang palad ng dalaga.

Ilang segundo rin ang matuling lumipas bago muling nagmulat ng mga mata si Lian at sumagot. "Parang may gusto akong... maalala na hindi ko maisip!" At muling umiling ito.

Huminga nang malalim ang binata. Tumayo. "Matulog kana uli, Lian. Bukas ay pupunta tayo ng Davao sa kakilala kong doktor..." Marahan nitong inihiga uli ang dalaga.

"S-salamat, Gino..."

Pinatay ng binata ang ilaw bago tuluyang lumabas.

With This Ring (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon