CHAPTER NINE

45.3K 1K 67
                                    


PAGKATAPOS ng mga pangyayaring iyon ay tuwing hapunan na lang nagkikita ang dalawa. Pagkagising niya ay wala na ang binata at nasa farm na. At doon na rin ito nanananghalian kung minsan. Sa hapunan naman ay halos hindi na sila nag-uusap.

Iniisip ni Lian na iniiwasan siya ni Gino. Nagpapasalamat ang isip niya pero nasasaktan ang puso niya.

Nang hapong iyon ay nagpresinta siyang tulungang maglinis si Manang Lucia. "Huwag na, hija. Kaya ko ito," sagot ng matanda.

"Sige na ho. Ako na lang ang magpupunas ng alikabok..."

"O siya, sige. Pero ito na lang kuwarto ni Gino ang hindi ko pa napupunasan..." Inabot sa kanya ang basahan. Hindi pa siya nakakapasok sa silid ng binata mula nang dumating siya sa bahay nito.

Pinupunasan niya ang ibabaw ng chest of drawers nang mapuna ang nakangiting larawan ng binata. Hindi na niya pinansin pa ang ibang kuwadrong naka-display doon. Wala sa loob na hinawakan ito at naupo sa dulo ng kama at humiga. Ang mga binti ay nakababa sa sahig. Ni hindi niya napunang wala na si Manang Lucia.

Tinititigan niya ang larawan nito nang magulantang siya sa hoses nito sa may pintuan.

"Well... well... isang magandang binibini sa loob ng aking silid," nakangiting bungad nito na isinara ang pinto, "...for the second time around..."

Namula ang dalaga. Napahiyang dinatnan siya sa ganoong ayos. Agad na tumayo at ibinalik sa pinaglagyan ang kuwadro.

"Hindi mo naiintindihan..."

"Alin ang hindi ko naiintindihan?" malambing na tanong ng binata na unti-unting lumalapit sa kanya. '"Do not fantasize with my picture dahil nandito ako, in person..."

Tuloy-tuloy na lumakad patungo sa pinto si Lian pero mabilis siyang nahawakan sa braso ni Gino. "Hep... hep..." natatawang sabi nito. "Ano ito? Repeat performance ng nangyari sa barko?"

Hindi makasagot ang dalaga. Nakatitig lang sa binata.

"Natatakot ka ba sa akin, Lian?"

"Anong klaseng tanong iyan? Bakit ako matatakot sa iyo?"

"'I wanted you, Lian. I know you feel the sameway, too. Nagtataka lang ako kung bakit sa tuwi akong lalapit ay para kang napapaso..."

"Gino, please. Tinulungan ko lang si Manang Luciana magpunas ng alikabok..."

"Hindi iyon ang nakita ko nang pumasok ako, Lian..." At tulad sa isang slow motion, nakita ng dalaga ang pagbaba ng mga bisig ng binata sa katawan niya upang ikulong siya. Ang kaliwang kamay ay sa beywang niya at ang kanan ay gumapang mula sa likod niya pataas sa batok niya at sinuklay ng mga daliri nito ang buhok niya.

Parang ginapangan ng kuryente ang buong katawan ni Lian! Mahigpit na nakadaiti ang katawan ni Gino sa katawan niya. Nararamdaman niya ang pagduro ng magaspang na maong nito sa manipis niyang damit.

Bumaba ang mga labi ng binata sa buhok niya. Sinamyo ito. Pagkatapos ay sa pisngi niya... sa mga mata... pagkatapos ay dumampi ang mga labi ng binata sa sulok ng mga labi niya. Nanatili roon at banayad siyang hinahalikan.

Wala sa loob na bahagya niyang binukas ang mga labi niya. Tila iyon lang ang sadyang hinihintay ng binata... ang pagkusa niya... at mula sa nanunuksong dampi ay naging mapusok ang mga halik nito. Malalim...naghahanap. At gumaganti siya. Dinedetalye ang bawat ginagawa nito at isinusukli.

Sari-saring emosyon ang nangingibabaw sa puso at isip ni Lian. Takot, pag-aalala at... sensasyon.

Sandaling huminto sa ginagawa si Gino at pareho nilang hinahabol ang paghinga. Mahigpit siyang niyakap at ginawaran ng halik sa noo.

With This Ring (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon