CHAPTER FIFTEEN

40.4K 965 14
                                    


GABI na nang buksan ng hardinero ang malaking gate upang papasukin ang taxi na sinasakyan ni Alora. Hindi makapaniwala ang hardinero nang makita ang dalaga.

Magkahalong tuwa at pagkabigla ang nasa mukha ng mga katulong nang pumasok sa kabahayan ang dalaga.

"Ang Mama, Isabel? Tulog na ba?''

"Hindi pa, Ma'am. Nasa silid niya," sagot ng katulong. "Ipaghahanda kita ng hapunan, ma'am?" Tumango si Alora. Dalawang buwan at kalahati siyang nawala. Ang pakiramdam niya ay isa siyang estranghero sa bahay nila. Kinakabahang pumanhik sa hagdan. Parang binibilang ang mga baytang. Umi-echo sa tenga niya ang tinig ng ama niya na tinatawag siya. Napakapit nang mahigpit sa barandilya ang dalaga.

Huminto sa tapat ng kuwarto ng mama niya. Kumatok nang marahan. "Tuloy, Isabel, bukas iyan..."

Marahan niyang binuksan ang pinto. Nasa silyang de gulong si Margarita at nanonood ng TV. "M-Mama..."

Biglang lumingon si Margarita. "Alora!"

Patakbong yumakap sa ina ang dalaga. Napalugmok sa kandungan nito. May kung ilang minutong nanatili sila sa ganoong ayos. Parehong umiiyak pero walang tinig na lumabas mula sa mga labi.

Hinaplos ni Margarita ang buhok ng anak. "Bakit ngayon ka lang, anak?"

"H-hindi ko alam ang nangyari sa Papa, Mama..." Sa paputol-putol na salita ay sinabi sa ina ang nangyari sa kanya. Nilaktawan ang bahaging may kinalaman sa suliranin ng kanyang puso.

Kumuha ng tissue si Margarita at nagpunas ng mga mata. "Hindi ko alam kung tamang sabihing mas mabuti na ang nangyari sa papa mo, Alora..."

"Bakit hindi ninyo sinabi sa akin gayong matagal na ninyong alam?" humihikbing tanong ng dalaga na naupo sa gilid ng kama.

"Hindi ko gustong masira ang pagtingin mo sa ama mo, anak. Your father maybe a lot of things, pero mahal ka niya. Isa siyang mabuting ama kung ikaw ang pag-uusapan. lkaw ang lahat sa buhay niya... ang tanging katotohanan sa buhay niya... sa balatkayong mundong ginagalawan niya." Sumandal si Margarita sa upuan.

"But he wanted me to marry Kiel..."

"Mayroon siyang mali at distorted na pangmalas pagdating sa mga bagay na iyon. His love for you became an obsession to protect you because of your innocence. Buong buhay mo, you were sheltered. Sa twenty years ng buhay mo, si Kiel ang kauna-unahang boyfriend mo. Hindi ka pinayagan ni Mauro na gawin ang mga normal na bagay na ginagawa ng ibang mga kasing-edad mo. Like parties, disco, at kung ano-ano pa."

"Hindi ako nagrereklarno, Ma. Ayoko rin naman ng mga bagay na iyon." Naalala ang debut niya na kung saan ang party ay ginanap sa lawn ng babay nila. Boys were invited pero nandoon ang papa niya at nakamasid.

"Totoo, hija. Napakabait mong anak... wanting only to please your father. At sa palagay ni Mauro, kung ang katulad ni Kiel ang mapapangasawa mo ay mananatili kang unaffected," patuloy ni Margarita. "Mahigpit ko siyang kinausap laban doon. Nakikita ko na ang magiging buhay mo. Ang pagkawasak ng buhay mo. Pero kilala mo si Mauro, hija..."

"But... but that was insane!"

Nagkibit ng balikat si Margarita. "Tinakot niya akong papatayin. Pero hindi ako takot para sa sarili ko, Alora. Hindi ko kayang isiping makitang nawawasak ka kung malalaman mo ang tungkol kay Mauro... sa pagkatao niya." may pait ang tinig nito. "Mali marahil akong nagsawalang-kibo..."

"Hindi ka naging maligaya sa piling ng Papa, Ma?" tanong na alam niya ang kasagutan. Gusto lang niya ng confirmation.

"I have you, darling," masuyo nitong hinaplos ang mukha ng anak. "Nang mawala ka, marami akong binayaran upang hanapin ka. Hindi namin iniisip na napunta ka ng Davao dahil walang dahilan para doon ka magpunta."

"Patawarin mo ako, Ma, sa mga pagkukulang ko sa iyo..."

"Sshh... hindi mo kasalanang lumaki kang malapit kay Mauro. Isa pa, napabayaan din kita mula nang makulong ako dito sa silyang de gulong na ito," sagot ni Margarita na binuksan ang drawer sa tokador at may kinuha. Isang sobre at ibinigay sa anak.

"Nakita ko ito sa mesa sa library nang araw na magbaril ang papa mo. Para sa iyo ito, anak."

Tinitigan ng dalaga ang sobre. Para sa kanya, at sulat-kamay ng papa niya. Nanginginig ang mga kamay na binuksan niya ito.

To my one and only Alora.

Forgive me. I have always loved you, haven't I?

Papa

Lumakas ang hikbi ni Alora. Dinala sa dibdib ang sulat. Hinawakan siya ni Margarita sa balikat. "Kung buhay ang papa mo. will things still be the same?"

"H-hindi ko alam, Mama. Hindi ko alam. Napatawad ko na ang Papa pero ang respeto ko para sa kanya ay hindi ko alam kung maibabalik ko pa sa dati."

"Ganoon din marahil ang palagay ng papa mo. hija, kaya nagdesisyon siyang kitlin ang sariling buhay. Hindi niya matatanggap iyon."

Maingat na ibinalik ni Alora ang sobre sa pinagkunan nito. "Si Kiel, Ma, nasa kumpanya pa ba?'' Tumalim ang mukha niya.

"Nang mamatay ang papa mo ay nag-resign din siya. Huwag mong pakamuhian si Kiel, Alora. Biktima rin siya ng manipulasyon ni Mauro. Hindi ka niya gustong dayain. Sinabi niya sa akin iyon noong magkasintahan pa lang kayo pero tulad ko, wala siyang magagawa kay Mauro."

Inikot ni Margarita ang wheelchair. "Marami tayong dapat pag-usapan, hija, pero alam kong pagod ka. Ipahanda mo ang pagkain kay Isabel at pagkakain ay magpahinga ka. We'll have plenty of time..." Nangabay ito patnngo sa kama. Aalalayan sana ni Alora angina pero tumanggi ito. ''Nasa iyo ngayon ang responsibilidad na parnahalaan ang kompanya, hija. Gusto ko namang magpahinga sa mga office works."

Tumango si Alora at lumabas ng silid. Sa dating kuwarto ay ibinagsak ang sarili sa higaan. Pagod na pagod siya. Katawan, puso, isip at damdamin. Masakit ang natuklasan niya kay Mauro at kay Kiel. At higit na masakit na malamang wala na ang papa niya. Pero pagsama-samahin man ang mga iyon ay doble pa rin ang sakit na dulot ng sugatang puso!

Papaano siya mabubuhay sa piling ng isang lalaki sa tuwing yayakapin at hahagkan siya ay ibang babae ang nasa isip? Pakakasalan siya subalit nananatiling nakadarnbana sa puso ang dating pag­ ibig.

Paano siya ngayon? Paano niya haharapin ang bukas? Tama ba ang pasya niya? Bakit lagi na ay tumatakbo siya?

With This Ring (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon