CHAPTER SEVENTEEN

39.6K 894 22
                                    


"MA'AM Margarita, may bisita po kayo."

"Sino raw, Isabel?"

"Ang owner-developer ng isang subdivision sa

may bandang itaas po."

Sandaling nag-isip si Margarita. "Ano ang pangalan niya, Isabel?"

"Mr. Benson... Mr. Gino Benson, po." Muling nag-isip si Margarita. Pamilyar ang pangalang binanggit. "O, yes. Naalala ko na."

"Kilala po ninyo siya, Ma'am?"

"Of course! Alalayan mo ako sa pagbaba, Isabel," ani Margarita na naglakbay ang isip. Nagkausap at nagkakilala sila ni Mr. Benson mahlgit nang isang taon ang nakararaan nang ipagbili niya ang lupa niya sa Cagayan de Oro.

Binili ito ng Benson Realties at ginawang subdivision. At alam niyang ito rin ang may-ari ng subdivision na dini-develop sa susunod na phase. Sa ibaba ng hagdan ay naroon na ang wheelchair niya.

"Allow me..."

"Oh, please... and thank you. Sige na, Isabel." Tinulungan siyang makaupo ng binata sa silyang degulong.

"Sa sala tayo, hijo..."

"As you wish, ma'am..."

Nasa gate pa lang si Alora ay natanaw na niya ang Honda Accord na nakaparada sa harap ng bahay rmsmo.

"Sinong may-ari ng kotseng iyan, Mang Kanor?"

"Ngayon ko lang iyan nakita, ma'am..."

Sa sala ay inabutan niyang kinakarnayan ng mama niya ang isang nakatalikod na lalaki. Tutuloy na sana siya sa itaas nang humarap ito. Para siyang ipinako sa kinatatayuan niya. Bumilis ang pintig ng puso niya na kung may sakit siya ay marahil inatake na siya.

Tuloy-tuloy sa paglabas si Gino na hindi man lamang sumulyap sa kanya. Hindi makapaniwala si Alora. Oo nga at maiksing-maiksi ang buhok niya, pero hindi ba siya makikilala nito?

''Nariyan kana pala, hija..."

"Anong... bakit nandito si...?" nauutal na hindi malaman ni Alora ang sasabihin. Magkakilala basi Gino at ang mama niya? At talaga bang hindi siya nakilala nito? May kumurot sa sariwang sugat niya sa dibdib. At higit na mahapdi at makirot.

"Hindi kita naipakilala kay Mr. Benson, hija. Siya ang nakabili ng lupa natin sa Cagayan de Oro more than a year ago. At siya rin ang developer ng subdivision diyan sa kabila," nakangiting balita ni Margarita. "What a fine young man! At muy guwapo at macho..."

Hindi na hinintay ni Alora ang ibang sasabihin pang ina. Patakbo siyang pumanhik ng hagdan.

Mu1i sa silid niya ay umiyak nang umiyak ang dalaga. Hindi man lang siya binati ni Gino. Tu1uyan na ba siyang nakalirnutan nito? Anong sadya nito sa marna niya? Ang pagkikita nilang mu1i ay parang asin sa sugat niya.

Hindi niya gustong bumaba sa hapunan nang gabing iyon pero mapilit si Margarita.

"Umiyak ka ba, Alora?"

"Sumakit ang uo ko, Ma..." naipangatwiran na rin niya ito.

"Siyanga pala, hija, kung natatandaan mo ang bisita ko kanina, si Mr. Benson... may project sila rnalapit dito sa atin. At dahil magkakilala naman kami, he intends to visit me again," ani Margarita sa anak na nakatungo ang ulo at nilalaro ang pagkain.

Biglang bumagsak ang tinidor ng dalaga sa pinggan niya. "Sa duration ng project ay dadalawin niya ako every now and then. Mabuti narnan at nang may makakausap ak:o..." patuloy nito.

"Kung kausap lang ang kailangan mo, Mama, bakit hindi mo i-assume ang puwesto mo sa office," protesta ni Alora. Hindi niya gustong magkita uli sila ni Gino.

"Darating tayo doon, hija, pag nakalakad na ako nang walang saklay. In the meantime, Gino will keep me company," masiglang sinabi nito. Nang hindi kumibo ang dalaga ay nagpatuloy si Margarita. "He is almost twenty seven at binata pa. Pagbabalik niya ay ipakikilala kita, hija."

Biglang tumayo ang dalaga. "No!" ang matigas niyang sagot. Muli siyang naupo ng dahan-dahan nang may pagtatakang tinitigan siya ng ina.

"Alora, kung hindi mo gustong ipakilala kita sa kanya, ay di hindi. Pero hindi mo kailangang magalit."

"I'm sorry, Ma." At pilit lumunok upang maalis ang bara sa lalamunan niya. Naiiyak siya sa ginagawa ng mga taong ito sa kanya.

With This Ring (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon