...LOVE, look at the two of us...
...strangers in many ways...
Habang inaawit ng choir ang For All We Know ay marahang lumakad sa aisle si Alora. Napakaganda sa kanyang off-shouldered wedding gown mula sa isang sikat na fashion desinger sa Maynila. Nakakapit siya sa braso ni Pete na siyang naghatid sa kanya.
...we've got a lifetime to share...
...so much to say...
Bakas ang pananabik at kaligayahan sa mukha ni Gino habang nakatingin sa kanyang bride. Higit itong makisig kaysa greek god na inihambing dito niAlora.
Nasa unahang pew si Margarita without the crutch at buong pagmamalaking nakalingon sa paratang na anak. Nasa tabi niya si Claire, si Ronald at Lani na ang tiyan ay seven months old na.
Tuwang-tuwa pinanonood ng mag-asawang Nick at Jessica ang kanilang si Nicola na siyang flower girl.
Sa pagitan ng kislap ng camera at video ay nagpalitan ng vows ang mga ikinasal.
"I love you and you are forever mine..." bulong ni Gino.
"And I love you, too..." si Alora.
Bagaman dumadalaw every now and then sa Cebu sina Gino at Alora, ang farm sa Davao ang main base ng mag-asawa. At tulad ng ipinangako ni Alora sa ina, after a year, binigyan nila agad ng dalawang apo si Margarita. Isang lalaki at isang babae—kambal ang unang anak nila.
•••WAKAS•••
BINABASA MO ANG
With This Ring (COMPLETED)
Romance"One day, I'll teach you how to make love... at minsan, parang hirap na hirap akong hintayin ang araw na iyon... when you're this close..." Hindi niya alam kung sino siya at kung saan siya nagmula. Ang tanging alam niya ay kailangang makatakas siya...