Chapter 16: Jisoo & Taehyung ❤

68 6 0
                                    

Taehyung's POV

Natahimik kaming lahat pag katapos namin asar asarin si Jungkook nagpapakiramdaman kami kung sino ang sunod na magsasalita o magkukwento (*wag kayong magulo seryoso ako ngayon) sabay na tumingin sa akin si Jimin at Kookie tinaasan ko lang sila ng kilay sunod naman ay tumingin na sa akin si Yoongi Hyung yung Magkwento.ka.na.look kaya naman napabuntong hininga na lang ako *sigh*

Lalim non ah. Sabi ni Jimin

Oo kaya nga hindi mo abot eh. Sabi naman ni Kookie nagtawanan naman kami kaya nakasimangot lang si Jiminie hahahaha kawawa siya kay maknae ehh. nilingon naman nila akong lahat

Haysss Oo na! Ako? Hmmm may nililigawan ako pa 3 years na siya tagal no?

Weh? Sabi naman ni Hobi hyung

Ayaw mo maniwala? Sabi ko na parang bata

Ayaw! Bakit ako maniniwala eh baliw ka tinakasan ng utak at wala sa bokabularyo mo yan. Sabi naman ni Hobi hyung sasagot pa sana ako ng magsalita si Hyung

Tama na yang mga segway kwento na agad! Dami pang sinasabi eh.

Masyadong atat lang tss. Nagstart ako manligaw sa kanya 3 years ago G9 sila non hmmm unang beses ko palang kasi na nakita yong babaeng yon gusto ko na siya ang korny ba? Na love at first sight ata ako don ehh Hahahaha ang kaso may isa siyang kaibigan na may crush sa akin lagi nila inaasar sa akin yung kaibigan nila na yon tapos hindi ko naman pinapansin yon eh kasi siya yung gusto ko hindi yung friend niya kapag inaasar nila ako ay kinukurot ko yung magkabila niyang pisngi o di naman kaya ay ginugulo ko yung buhok niya o kaya naman ay kinukuha ko yung lip balm niya sa bag niya tapos tinatago ko ewan ko ba gusto ko kasi lagi niya ako napapansin kaya lang bumalik na ulit sila sa mga buhay nila dahil hindi naman dito ang buhay nila pero alam niyo kahit naman pansinin o hindi yung friend niya alam ko naman na hindi na ako gusto non kasi pansin ko may iba na yon gusto kaya minsan naiinis ako sa kanila dati nung lagi nila sa akin inaasar yon tsss ehh kasungit sungit naman ng babae na yon buti pa siya mabait na makulit pa hehe actually nakikita ko kasi yung sarili ko sa kanya ehh mood maker tapos maingay, madaldal kaya siguro mas nagustuhan ko siya until na realize ko na Mahal ko na pala siya bago sila umuwi sa kanila nagkaroon kami ng pagtatalo dahil sa pag aaway nila ng kuya niya.

FLASHBACK>>>>>

Nagtatalo kami kasi para siyang bata na nagtatantrums non kasi naman ehh nag away nanaman sila ng kuya niya kaya sinusundan ko siya kasi ayaw niyang umuwi buti nalang gabi na non wala masyadong tao sa kalsada

Oyyyy Babae ano ba!? Umuwi na tayo!!! Lalo magagalit kuya mo pag di pa tayo umuwi!!!

Edi magalit siya bahala siya kaarte arte niya akala mo naman maganda siya tulad ko! Hmmm

Ano ba! Tara na kasi. sabi ko at hinila pa siya

WAG MO NGA AKONG PAKIALAMAN UMUWI KA KUNG GUSTO MO!!!

HINDI AKO UUWI HANGGA'T HINDI KA UMUUWI TANDAAN MO YAN!

EDI BAHALA KA JAN MANIGAS KA HINDI AKO UUWI. Sabi niya

KUNG HINDI KA UUWI MAPIPILITAN AKONG PWERSAHIN KA PAUWI!! Kaya hinila ko siya pero pinagbantaan niya pa ako

KAPAG HINDI MO AKO BINITAWAN SISIGAW AKO DITO NG RAPE!!!

WALANG MANINIWALA SAYO KAYA KUNG AKO SAYO TUMAHIMIK KA NALANG SA GWAPO KONG TO RAPIST? NAGBIBIRO KABA!?

AISSSHHHHHH! SINABI NG BITAWAN MO AKO!!!! sabi niya pa at hinigit ang kamay niya sa pagkakahawak ko nakaalis naman siya pero pinigilan ko pa din

A life with BangtanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon