Jungkook's POV
Babe ano na?
Oo eto na nga!!
Oh akin na yan ng mailagay na yan lahat dito sa loob. Sabi ko
Bakit ba nag mamadali ka jusko ang aga aga pa oh kita mo naman madilim pa masyado kang nag mamadali. Sabi niya
Eh excited lang ako atska masayang masaya na kasama ka.
Lagi tayo magkasama Gguk
I mean yung tayong dalawa lang hindi ka ba masaya na makakapag bakasyon tayo ng magkasama yung tayo lang? at Masaya naman ako atska tumigil kana baka mag drama ka pa oo na tara na. Sabi niya
Sige sige tara na sakay kana. Sabi ko at pinag buksan siya ng pintuan sumakay na din ako nag umpisa na akong mag maneho tahimik lang siya noong umpisa tapos na ka tingin lang siya sa labas
Gguk hindi ka ba nag aalala?
Nag aalala para saan?
Tayo lang dalawa yung mag kasama walang staff walang manager wala yung iba. Hindi ka ba nag aalala? Nangagamba? O natatakot? Kookie alam mo naman na maraming mga matang naka bantay sa atin eh hindi man natin sila nakikita pero palagi lang silang nanjan. Don't get me wrong okay? Masayang masaya ako na mag kasama tayong dalawa. Masayang masaya ako na mayroon rayong ganitong pagkakataon pero hindi ko kasi maiwasang mag isip ng kung ano ano. Natatakot ako eh sa mga bagay bagay na pwedeng mangyare alam mo naman na mahirap mag ka issue eh. Sabi niya naman sa akin naiintindihan ko naman na nag aalala siya halatang halata sa tono niya pa lang naiintindihan ko din naman na natatakot siya eh kaya hinawakan ko siya sa kamay para magbigay ng assurance sa kanya
Sa totoo lang nag aalala ako pero hindi ako natatakot Lisa as long as minamahal mo ako ay ipaglalaban kita mawala na sakin lahat kahit yung kasikatan na to wag lang ikaw ang mga pamilya natin at mga kaibigan na tin ang mawala ay okay na okay ako yun lang kasi ang kinakatakot ko eh yung mawala kayo. Kahit anong mangyare Lisa po protektahan kita kaya wag ka na masyadong mag worry pa okay. Isipin mo na lang nandito ako sa tabi mo hinding hindi kita pababayaan. Sabi ko sa kanya
Salamat kookie. Salamat sa palaging pag papalakas ng loob ko lalo na sa mga ganitong oras na pinanghihinaan ako. Sabi niya bago ipinatong ang ulo niya sa balikat ko magkahawak kamay kami habang nag mamaneho ako papunta sa may vacation house kasi ako na nabili doon
Babe malapit na ba tayo? Tanong niya sa akin
Oo ayan na oh konti na lang. Sabi ko yung vacation house na to ay walang masyadong bahay na katabi magkakalayo yung bahay dito kaya safe na safe dito pwede kaming maglakad lakad sa neighborhood na to may malapit na lake dito tapos meron ding 30 mins away~ lang na mountain kung saan pwede kaming makapag trekking nalaman ko tong vacation house na to sa isa kong kaibigan na taga busan may sarili na siyang pamilya dito sila nakatira 15 mins away lang sa bahay na to siya yung nag suggest sa akin na bilhin to kasi noong nag kita kami noon na ikwento ko na gusto ko yung tahimik na neighborhood malayo sa mga press kaya noong binebenta na yung bahay na to ako agad yung tinawagan niya kaibigan daw kasi ng pamilya ng asawa niya yung may ari nito na lilipat na sa seoul kaya binili ko na agad noong nakita ko to. Plano ko mag trekking kasama si Lisa bali makakasama namin yung kaibigan ko siya kasi yung mahilig mag hiking/ mag trekking alam na alam niya na yung bawat way sa mountain na yon kaya siya yung makakasama namin.
Hoyyy! Kookie! Ya!!!! Jungkook-ah!
Oh? Waeyo?
Hindi ka pa ba bababa jan kanina pa kita tinatawag hoy! Sabi niya sa akin kasi kanina pa kami nasa loob ng garahe ng vacation house na to. Heheheh nawili kasi ako kaka kwento sa inyo 😂
BINABASA MO ANG
A life with Bangtan
أدب الهواةPagsasamahang na buo Pagmamahalang di ma ikakaila Masasayang alaala Hanggang kailan kayang pang hawakan? Nag ka layo at muling nagkita Maibabalik pa kaya Dating pagsasamahan Mga alaalang nawala Masasakit na pagkikita Pagkakamaling nagawa Maayos pa k...
