VANESSA
Andito kami ni Nanay Nining sa palengke, ako ang may hawak ng bayong at sya'y namimili. Kasalukuyan kaming nakahinto sa tindahan ng mga gulay, iginala ko ang aking paningin sa palengke.
"Anak, gusto mo nang palamig?" tanong ni Nanay Nining
"Bumili ka muna noon at saka ka bumalik. Baka init na init ka na eh" dugtong nya at inabutan ako ng sampung piso.
"Kayo po, Nay. Baka po gusto ninyo" alok ko
"Ay nako anak, hindi na at okey lang ako" sagot ni Nanay
"Sige po" sabi ko sabay lapit sa tindahan ng palamig na itinuro ni Nanay Nining.
"Pabili po nitong violet na palamig, sampung piso po" saad ko sa tindero at ibinigay ko ang pera. Hinanda na nya ang palamig ko, ako nama'y nilibot ang paningin sa palengke. Sa paglilibot ko ng palengke ay nahagip ng mata ko ang isang lalaking may kagwapuhang taglay, nakataas ang buhok nito, medyo may pagkalaki ang katawan nya at maputi. Nakasuot ito ng kulay blue na checkered polo at puting pantalon na dumadagdag sa kagwapuhan nya dahil sa kaniyang kasimplehan, at mga ngiti nya ay parang walang katulad. Limited edition kumbaga.
"NE! Ay anla, natulala na! Ito ang palamig mo" sabi ng tindero at binigay sa akin ang palamig.
"Sorry po manong, salamat po" sabi ko sabay inom ng palamig, tinignan ko si Nanay Nining kung andoon pa sa gulayan at nang makumpirma ko na nandoon pa sya ay ang lalaking kanina ko pa pinagmamasdan ang binalikan ko ng tingin, hala! Ngumiti sya't nagmistulang nawala ang mga mata nya.
"Ay-- Vanessa anak!!! Hala! Naghugis puso na ang mata mo!" rinig kong pabirong sabi ni Nanay Nining
"Nay naman, tapos na po ba kayo? Ay amin na po yang bayong" sabi ko
"Yan si Andreo Kurt Vigosa, Anak sya ni Raffael Vigosa na nagmamay-ari ng isang five-star hotel at International school" pagkukwento ni Nanay Nining
"Eh ba't po sya nandito?"
"Kasi napakabait na tao si Sir Deo kaya't napalapit na siya sa mga tao ng Verdanido. Pumupunta sya para maginspect ng mga pharmacy, palengke, pampublikong ospital, pulisya, mga bahay-ampunan, mga school, simbahan, Yun"
"E paano nya po nalaman ang Verdanido?"
"Dahil sa pagstay nya dito ng ilang araw para magbakasyon pagkatapos, nalaman nya ang hirap na dinadanas ng mga residente sa Verdanido, kulang ang mga gamot? Magpapadala sya! Kulang na doktor? Nagpapamedical mission sya buwan-buwan! Kulang na suplay ng bigas? Magpapadala sya ng saku-sako! Kulang na mga suplay ng ilaw sa mga simbahan at barangay? Magpapadala sya! Sabi ko saiyo napakabait nya!"
"Ganun po ba? E ilang taon na po sya?"
"Teka lang, anak! Ba't mula ata ng magpunta tayo sa gulayan hanggang sa makasakay tayo ng tricycle ay tinatanong mo pa si Sir Deo ha? Interesado ka sa kanya no? Ui~" tukso sa akin ni Nanay Nining
"Nanay naman! Akin na po itong mga frozen foods na binili natin, ilagay ko po dito"
--
Naghuhugas ako ng pinggan ng pinagkainan ng kaninang hapunan ng may kumatok. Nasa banyo si Nanay at gumagawa si Peter ng assignment. Si James nasa tabi ni Peter, alangan pakiusapan ko si James na buksan ang pinto? Ayoko ding istorbuhin si Peter kaya't nagbanlaw ako ng kamay at nagpunas saka pumunta sa pintuan.
"Anong pong kailangan nila?" pambungad ko
"Sila Nanay Nenita po?"
Nagmistulang nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino ang kumakatok kanina. Ang kaninang tinititigan ko ay nasa harapan ko!
"Miss? Ok ka lang ba?"
"A-Ah Oo, ano po bang kailangan nyo?"
"Tatanungin ko lang po sina Nanay Nenita"
"Ay, tuloy po muna kayo. Nasa banyo po kasi si Nanay" sabi ko sabay papasok kay 'Sir Deo'.
"Uy, si Sir Deo! Nanay! Andito po si Sir Deo!" sabi ni Peter.
---
Nasa kalagitnaan na ng paguusap sina Nanay Nining at 'Sir Deo' daw, andito kasi ako sa kusina't gumagawa ng juice nya. Nang makatapos ako ay pumunta ako sa kanila para ibigay ang juice.
"Juice po muna kayo" sabi ko habang sinasalinan ang isang baso ng juice.
"Ay salamat" sabi niya at tinanggap ang juice.
"Ay iho, ito si Vanessa, siya ay panibago kong tinuturing na anak. Napadpad sya dito sa Verdanido noong isang gabi"
"Nice to meet you, Vanessa. I'm Andreo Kurt Vigosa" sabi niya at nagalok ng 'handshake'
Tinanggap ko ito at sinabing "Nice to meet you din po" Umupo ako sa tabi ni Nanay Nining nang magtanong uli sya.
"Ilang taon ka na, Vanessa?" tanong nya
"Twenty-five po" sagot ko sabay ngiti
"Good. I'm Twenty-Seven. Hindi nagkakalayo ang edad natin kaya't wag ka na mag-po"
"Okay po-- este Okay"
"Anong course ang natapos mo?" sabi nya sabay higop sa juice.
"Uhm, hindi pa ako nagcocollege" naiilang na sabi ko
"Wow. Di ka pa nagcocollege?! Okay. Our family owns a school, pwede kang magscholar doon" di makapaniwalang sabi niya
"Anong school?" tanong ko. Baka pwede naman kasi ako maging scholar, magtatrabaho nalang ako sa gabi para may pambayad ako.
"Princeton University. Interesado ka ba? Pwede kita i-Special Enrollee. Ano bang gusto mong course na kunin?"
Princeton University? Pangalan palang, parang mayayaman lang ang nakakapagaral dun ah. At saka, ang pangarap namin ni Tita ay ang magkaroon ng isang Carinderia. At sisikapin ko na mas higit sa karinderiya ang maaabot ko.
"Business Administration sana, kaya lang, nakakahiya pag nag Special Enrollee ako" sabi ko
"Pwede, Vanessa. Kapag nag-Business Administration ka, syempre pwede kang magmanage ng mga business, in return, pwede mo ako gawing partner ng business mo"
Oo nga no? Magtatayo ako ng isang restaurant. Tapos, pwede naman siguro akong humingi ng tulong sa kaniya diba?-- Ay teka lang! Di pa ako nagaaral, pagpapatayo agad ng restaurant iniisip ko!
"Pero, teka, kalma. Di pa ako nagaaral! Hahaha!" sabi ko
"Oo nga. Hahaha! Okay, sige. Magaral ka muna" pabirong saad nya
"Sige. Salamat!"
"No problem. So, Special Enrollee okay?"
"A-Ano--"
"No buts. Dadaanan kita dito ng 5pm, ha? Punta tayo sa school"
"Sige, salamat"
"Vanessa, right?"
Tumango ako at sinabing, "Yes, Vanessa Montalban" Inalokan nya uli ako ng handshake at nakipagkamay, "I'm Deo again, nice to meet you Vanessa. Nanay, Peter, una na ho ako"
"Ay sige, sir Deo! Magiingat po kayo ha?"
"Opo, salamat po. Bye!"
Magaaral na ako! Hindi ba pangarap ko ito? Nakakaexcite ah!
_____________________________________
©brigitte//
