VANESSA
Suot ang Princeton uniform ay nandito ako sa harap ng salamin. Nakakatawa mang tignan dahil mukhang pangHigh school padin yung uniform, ayos lang. Nakakaiyak naman na magaaral na ako ulit, iniisip ko palang yung plano ko na Restaurant ay gusto ko ng sabihan si Tita kahit pumunta na sya sa langit.
"Ganda mo Ate Van!" papuri ni Pepito, napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Onga anak, makakapagaral ka na ulit gaya ng gusto mo" dagdag naman ni Nanay Nining.
Ngumiti ako at nagsabing, "Oo nga po eh, hayaan nyo po, tutulungan ko po kayo makaahon tapos nito"
Niyakap lang ako ni Nanay Nining at hinalikan yung ulo ko, "Sya, pasok ka na!" sabi nya at pinalo ang pangupo ko ng pabiro. Ngumiti ako at nagpaalam sa kanila. Nang makapagpaalam ako ay ginawa ko ang mga binilin sa akin ni Deo pagmagcocommute mula dito sa Verdanido papuntang Princeton.
Nang makarating ako sa Princeton ay medyo alam ko na yung mga nandito. Medyo lang. Kasi diba galing na kami ni Deo dito? Kaya medyo naligaw ako ng onti at pumunta sa kabilang side. E nasa kabilang side naman pala ang Registrar's Office! Nang makarating ako sa Registrar's Office ay naibigay sa akin ang Handbook ng Princeton. Naandito daw ang mapa ng school, schedule ng klase ko at kung anu-ano pa. Buti rin medyo maaga pa ako nakarating.
Ang unang klase ko ay nasa Room 30, base sa map, ang Room 30 ay nasa Second floor ng pangatlong building. Kaya umakyat na ako agad sa Room na yun, binuksan ko ang pinto at sumalubong sa akin ang isang klaseng napakatahimik, may isang professor na kung tatantyahin ay nasa 40's at nakaupo habang parang nagaattendance. Kung centralized ang bawat buildings dito sa Princeton, mas malamig pa ang hangin sa loob ng room.
"Good Morning po, ako po si Vanessa Montalban" sabi ko. Ngumiti sa akin ang professor at nagtanong, "The special enrollee, right?" Ngumiti rin ako at tumango.
"Ako si Mr. Zacades at ang patakaran ko dito ay ang pagsasalita ng English. Is that clear?"
"Opo"
Natapos ang klase ko lahat at nandito ako sa Library para magbasa-basa lang. Ang hawak kong libro ngayon ay ang 'English Language 101. Ways How to Speak English Like A Pro'. Nakakatuwa nga kasi nandito lahat, mula sa Simpleng English, hanggang sa mga malalalim na English words na ang sisimple lang pala ng meaning. Plano ko ngang hiramin ito at iuwi kaya lang baka mayroon ding nagbabasa nito dito kaya huwag nalang─
"Excuse me po, may nakaupo po ba dito?" biglang may nagsalita sa gilid ko. Tinignan ko sya at nakita ko ang isang babaeng parang kaedaran ko lang, tinatanong nya ang upuan na nakapatong ang bag ko.
"Ay walang nakaupo dito, upo ka" sabi ko sabay ngiti, inalis ko din yung bag ko sa upuan para makaupo sya. Ngumiti din sya at nagsabing, "I'm Hue"
"Vanessa" sabi ko din sabay ngiti.
"Vanessa.... is it okay if I'll call you Vanie?" she said and smiled
"Oo naman. Ayos lang ang Vanie"
Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan. Mayaman sila tapos Psychology ang course nya. Mayaman siya at magkasunod lang kami ng birthday! Siya ang mauuna tapos kinabukasan, ako naman,Kaya lang after nun, medyo nanahimik muna kami kasi kailangan nyang gumawa ng report at kukuha lang sya ng ilang informations sa mga libro.
"Vanie, I'll be going. My Dad is there. See you again tomorrow!" pagpapaalam nya
"Sige. Ingat!" paalam ko din
Kasabay ng pagalis ni Hue, nakita ko din ang wallet nya na nalaglag sa upuan.
"Hue! Hue! Nalaglag wallet mo oh!"
________________________________
©brigitte//
