Chapter 21

31 0 1
                                    

Narration

Magdamag na inisip ni Vanessa ang tungkol sa lalaki. Di sya mapakali kasi ang feeling nya ay pwede syang makuha ng lalaki ngayon mismo. Umiling sya sa naisip nya. Tumayo sya ng kama para lumabas ng kwarto at uminom ng mainit na gatas para makatulog sya.

Pagkababa nya ng kusina ay ginawa nya ang gusto nyang gawin. Pagbalik nya nang kwarto ay effective naman yung paginom nya ng gatas kasi dinalaw na sya ng antok.

9:00AM

"Ate Louise.... ate Louise~ gising na. Magaalmusal na daw sabi ni Tito Anthon" panggigising sa kaniya ng kanyang pinsang si Farah, anak ng kaniyang Tito Alfredo na panglima sa magkakapatid na Marco.

Yes, ang buong Marco ay pansamantalang nakastay sa bahay nila.

"Sige, Farah. Bababa na si Ate. Magtotoothbrush lang ako" sagot nya sa 12 taong gulang na pinsan

"Okay!" Masiglang sabi sa kanya saka umexit

Si Vanessa naman ay nagpunta ng CR para makapaghilamos at toothbrush. Pagkatapos nyang gawin yun ay inayos nya ang kama at pinatay ang AC saka bumaba.

Naabutan nya ang masayang kaguluhan sa baba. Sa dami ba naman nyang pinsan, di ba magkaroon ng munting kaguluhan pag nagsama-sama sila? Isa-isang nagbatian sa kanya ng Good Morning ang mga Kapatid, tatay, pinsan at tito/tita na binatian nya rin pabalik. Umupo sya sa bakanteng upuan sa tabi ng kanyang Kuya Uaine.

------

Naglalaro ng Badminton ang mga pinsan nya't kapatid sa Garden habang sya ay nakaupo lang. Hindi nya daw feel maglaro. 10AM na nang maisipan nyang icheck ang phone nya kaya umakyat sya sa kwarto nya at kinuha ang phone nya. Nagulat syang may mga text sya galing kay Aaron.

From: Aaron

Goodmorning, Love! :)))

*****
From: Aaron

Tulog ka pa?

*****
From: Aaron

Oo nga, tulog ka pa. Sige panaginipan mo ang gwapo kong mukha, Louise. Sleep tight! Loveyou!

Namula ang pisngi ni Vanessa ng mabasa ang mga text sa kanya ni Aaron. Sa ganoong paraan ay naramdaman nyang Priority sya ng ibang tao.

"Louise! May dalaw ka sa baba!" sabi sya kanya ng kanyang pinsang si Yuan, anak ng kanyang Tito Raphael, kapatid sya ni Mon.

"Dalaw? Anong dalaw, kuya? Buwanang dalaw?" Pagbibiro nya

"Sira, hinde! adik ka talaga, Louise. Manang-mana ka sa Kuya Rence mo! Dalaw, si Aaron nasa baba!" sabi nya

"Aahh! Di mo kasi nililinaw naman, kuya, eh! sige baba na ako." sabi ni Vanessa

Sumabay sya sa kanyang Kuya Yuan pababa at nakita nya si Aaron nakaupo sa sofa.

Anak naman ng tupa oh! ang pogi ni Aaron! arrggh.

"Goodmorning" bati sa kanya ni Aaron

"Goodmorning din." Sabi nya't ngumiti

"Alis tayo?" pagaaya sa kanya ni Aaron

"San tayo pupunta?"

"Sa tabi-tabi lang. Tara?"

"Bihis lang ako"

Dali-dali syang umakyat sa kwarto at naligo. Nagbihis sya ng simple at magandang damit at nagpabango. Nagmake-up din sya ng kaunti at saka namili ng sapatos na susuotin. Nang makapili ay sinuot nya ito at bumaba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon