Chapter 8

35 1 2
                                    

AUTHOR ||

Nang makarating sa mansion ng mga Marco ang magkakapatid, di maiwasang mamangha ni Vanessa sa ganda at laki ng mansion. Parang sa TV ko lang napapanood tong mansyon na to ah? Sa isip nya

"Let's go, Vanessa" tawag ni Sydney sa kapatid

Pumasok silang apat sa mansion, nagsitunguhan lahat ng mga maid nila. Alam kasi nila na si Vanessa ang anak nila.

"Vanessa Louiseee!" tawag ng kaniyang ina sa kaniya

Nagtaka si Vanessa, bakit nya ako kilala?

"We really want to see you. Come let's eat dinner!" tawag ng kanyang ama sa kaniya.

"Salamat po" nahihiyang saad nya at umupo, umupo narin sina Syd, Rence at Uaine.

"Feel at home, iha. You don't need to be shy" sabi ni Scarlett sa kaniya

Nagumpisa silang kumain, although hindi alam ni Vanessa ang mga putaheng nakahain sa hapag nila, nabusog pa din sya. First time nyang makakain ng Lasagna at masasabi nya ito ang pinakamasarap sa lahat. Sinubukan nya din yung salad, pati yung pizza, pati yung Carbonara.

"Nabusog ka ba, Vanessa Louise?" tanong ng kaniyang ama sa kaniya

"Opo! Ang sasarap po!"

"How was the Blueberry Cheesecake, Louise? Is it good? I personally made it for this dinner" tanong din ni Scarlett sa kaniya

"Opo! Ang sarap din nung Blueberry Cheesecake! Grabe nabusog nga po ako eh ang daming nakahanda!" di mapigilang usal ni Vanessa

Tuwang-tuwa naman sina Sydney, Rence at Uaine. Excited sila na masamahan ang kapatid sa pagshoshopping, excited na silang maghanda para sa mga lalaking bubugbugin nila pag may nanakit sa kaniya, excited na silang maturuan magluto si Vanessa, doon kasi nagaling si Rence, excited na silang maturuan ng basketball si Vanessa, kung saan hilig nilang tatlo.

"Children, doon tayo sa Garden!" yaya ni Scarlett. Doon nya planong sabihin kay Vanessa ang totoo.

Nang makapunta sila sa Garden ay humatak sila ng kani-kaniyang upuan. Nagpahanda rin sila ng Softdrinks at Tsitsirya sa labas ng garden.

"Vanessa, I want to tell you a story. Once there were a couple, with four kids, they suffered in a terrible poverty. The man decided to work for their kids, pinaalaga nila ang mga anak nila sa iba-ibang kamag-anak and work their ass out. After years, may dalawang kotse na sila, ang mansyon saiisang exclusive subdvision, they decided to take their kids back. The eldest, the second and the third were successfully returned to the couple. Meanwhile, nahirapan sila sa bunso. Hindi nila nakuha kasi ayaw ng ibigay ng kapatid nung babae. So they decided to took a break. After that, they tried again but the situation got worse that the wonan's sister travelled to other places, nilayo nya yung anak nila sa kanila. So the couple decided to file a case. Sinampahan nila ng kasong Kidnapping ang kapatid nya. Kaya lang, nang huhulihin na, sinabing namatay na daw ang suspek at lumipat na yung bunsong anak nila, according to a noisy vendor beside. Sinabi nyang 16 years old na ang bunso nilang anak at namuhay nag-isa...."

Kumuha ng Piattos si Vanesa sa lalaguanan at kinain, "Kawawa naman po yung magasawa"

"Kawawa talaga!" komento rin ni Uaine. Ngumiti si Anthon sa nakita. Pinagpatuloy naman ni Scarlett ang pagkukwento.

"Nagulat na lang bigla ang pamilyang ito ng magdinner sila sa pamilyang business partner nila, dunating ang anak ng business partners nila at biglang kinuwento ang bunsong anak nila. Na lingid sa kaalaman nya na ang babaeng kinuwento nya ang anak ng magasawa...."

Taimtim uling nakikinig ang lahat, "Nagulat ang maasawa ng magkagulo ang tatlong anak nila. Nagsasabing nakita na daw nila ang bunsong kapatid nila...."

"Bakit nyo nga po pala naikuwent yan? Nakakalungkot naman po" komento ni Vanessa

"Ikinukuwento ko ito sayo dahil.... dahil.... uhm--" di na maipagpatuloy ni Scarlett ang sasabihin kaya't sinambot na ito ni Anthon.

"Vanessa, kami ang pamilyang nawalan ng bunsong anak, si Jennilyn Montalban ang kapatid ng babae sa istorya at ikaw ang bunsong anak namin"

Nanlaki ang mata ni Vanessa at napatakip ng bibig sa gulat. Di nya aakalaing totoo nyang pamilya ang kasama nya.

"Totoo mo kaming kuya, Vanessa" saad ni Sydney

"Let's call her Louise from now on, boys" ani Anthon

Niyakap naman ni Scarlett ang di-makapaniwalang anak na ngayo'y umiiyak na. Nang makita ito ni Anthon ay niyakap nya ang mag-ina. Yumakap narin ang tatlo.

"Seryoso? Huhuhu" sabi ni Vanessa habang pinapahid niya ang luha at tumatawa. Parang timang lang.

"Kulayan na rin natin ito! Walang Marco ang itim ang buhok!" sabi ni Rence

Tama nga naman, Dark Brown ang kulay ng kay Anthon, Blue ang kay Scarlett, Purple ang kay Sydney, Golden Blonde and kay Rence at Peach kay Uaine.

"Now na?!" excited na sambit ni Uaine

"Kalma lang! Kailangan muna natin ipaalaam si Louise kay Nanay Nining na dito sya titira" sabi ni Syd

"Tama! Tara sugod tayo sa Verdanido!" sabi ulit ni Uaine

"Raul, pakihanda ang sasakyan" utos ni Anthon sa kanilang family driver

"Baby Louise, ayos lang ba?" tanong

Ngumiti si Vanessa bago magsabing, "Oo naman po!"

________________________

TO BE CONTINUED. NEXT PART WILL BE ON NINTH PART. :)))

©brigitte//

What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon