Nagpunta ang pamilya Marco sa Verdanido; sa bahay nila Nanay Nining. Pasado alas-nwebe na nung mga gabing iyon at nanonood sila ng TV.
"Nanay! Andito na po ako!" sigaw ni Vanessa mula sa labas ng pinto nila.
"Ate Van! Ay, Pasok po kayo!" pambungad ni Peter, "Naaay! Si Ate Van kasama ang mader, pader, gentlemen nya!" pambabalita niya sa ina.
"Ay pasok po kayo, naku, maliit lang po kasi ang bahay namin. Upo po muna kayo!" sabi rin ni Nanay Nining
Umupo silang lahat sa mahabang kawayan na sofa nila, umupo naman si Pepito sa lamesa nila at si Nanay Nining sa nagiisang single sofa.
"Pasensya na po kayo at kaunti lang yung upuan, dito ka na Vanessa" saad ni Nanay Nining at inalok yung upuan nya
Si Anthon, Scarlett, Sydney at Rence lang kasi ang kasya sa mahabang upuan.
"Ay naku, Hindi na po! Ayos na po kami dito sa lapag ni Kuya Uaine" sabi ni Vanessa
"Ayos lang ho ba na dyan kayo?" tanong nya kay Uaine
"Opo! Ayos na ayos lang po, may latag naman po" sabi ni Uaine sabay ngiti--eyesmile pala.
"O sya sya, ano po bang pakay ninyo?" tanong ni Nanay Nining
"Nay... Wag na ho kayong magpo sa amin. Ang pakay lang po sana namin ay magpa-alam at magpasalamat sa inyo, lilipat na po sa amin si Vanessa. Maaari ho ba?" magalang na saad ni Anthon
"Ay oo naman iho! Natutuwa nga ako kay Vanessa't alam na nya ang tunay nyang pamilya. Ikaw si Anthony Jay at Claire Scarlett, tama ba?" magiliw na tanong ng matanda sa dalawa
"Opo. Gusto rin po sana namin magpasalamat sa pagpapatuloy nyo kay Louise, kung wala po siguro nagpatuloy sa kaniya, di sya magiging maayos ngayon" sabi naman ni Scarlett
"Ay walang anuman iyon!"
Matapos rin magpaalam at magpasalamat kay Nanay Nining, kay Peter ay umalis na sila. Iniwan ni Vanessa si James sa kanila para may kasama sila.
Nang makabalik sila sa mansyon ng mga Marco ay nanonood sila ng movie sa kanilang Theater Room. Pagkatapos, pinagligo muna silang lahat at pinagpalit ng pantulog bago sila gumawa ng limang Leche Flan. Nang mga 12:02 ng madaling araw sila nagpasyahang matulog, sa kasalukuyan ay papunta na sila sa kwarto ni Vanessa. Huminto sila sa tapat ng puting pinto, nang buksan ito ni Anthon ay bumungad sa kanila ang isang kwartong napaliligiran ng kulay Pink. Polkadots na Pink at Puti ang wallpaper, may black flatscreen TV sa wall. May Pink na kama na maraming pink at black na unan, at black na comforter, may walk-in closet na punung-puno ng mga branded na dresses, shorts, blouses, pantulog at iba pang klase ng damit hanggang undergarments. Branded din ang mga accesories at mga sapatos, heels, flats, running shoes, pati slippers. Meron din isa pang puting pinto sa kwarto nya, nang buksan ito ni Rence ay bumungad sa kanila ang malawak na banyo. Black ang kulay ng bathtub, lababo pati toilet. Kumpleto ang gamit sa loob, ang twalya at bathrobes, kulay Royal Blue. Meron ding medyo malawak na Veranda, na may Bamboo swing na nakasabit.
"Napakaganda po! Marami pong salamat!" saad ni Vanessa at yumakap sa kaniyang ina at ama.
"This things are rightfully belong to you, Louise" Scarlett replied
"You are always welcome, my daughter" saad ni Anthon
Yumakap din ang tatlong lalaki sa kanila.
"Tulog na, Louise. Anong oras na oh!" pabirong sabi ni Uaine at ginulo ang buhok nya
"Oo nga! Naku magpapakulay pa tayo ng buhok, tapos bibili pa tayo ng cellphone!" sabi din ni Rence
"Louise....hanggang ngayon di pa din makapaniwala ang Kuya na nandito ka na" pagdadrama ni Sydney
"Kuya naman...." sabi nya't niyakap ang Kuya nya
"Andito na nga ako oh" dagdag nya
"Kasi namiss kita ng sobra eh, sige na, tulog na"
Humikab si Louise. Tsaka nila nagpasyahan bumalik na sa kani-kaniyang kwarto, nagGood Night-an na sila at umalis.
Nakalimutan ni Vanessa itanong! Agad-agad syang lumabas para habulin sila.
"Ahm... Wait lang po! Wala po atang electric fan sa kwarto" sabi nya. Naabutan na lang nya ang magulang nya na naglalakad, ang mga kuya nya, nakapasok na ata sa mga kwarto nila.
"Use the airconditioner, sweetheart" sabi ni Scarlett at ngumiti ng matamis sa anak
Napakamot ng ulo si Vanessa, "Di po kasi ako marunong"
"I'll set that up for you, my princess" sabi ng kanyang ama sa kaniya
"Salamat po...." sabi niya
"Dad" pagtatama ni Anthon
"Dad" pagpapatuloy nya sabay ngiti
Ginulo naman ni Anthon ang buhok nya. Pagpasok nila ng kwarto ni Vanessa, sinet-up nya ang aircon.
"There, my daughter. Sweet dreams" sabi nya
"Thank you po, Dad" sabi nya't ngumiti
"Always welcome" sabi ni Anthon sabay labas ng kwarto
Nagdasal si Vanessa sa Panginoon at nagpasalamat bago ipikit ang mga mata nya't matulog.
___________________________
©brigitte//
