Hawak ang isang malaking bag ay naglalakad si Vanessa sa kalsada at naghahanap ng pwedeng tuluyan para sa gabing iyon. Pinaalis na kasi sya sa dati nyang tinutuluyan dahil hindi na sya nakakapagbayad ng regular.
Krrr. tunog ng kaniyang sikmura na naghahanap ng pagkain. Alas-dyes na ng gabi ngunit hanggang ngayon ay wala pa syang nakakain sa buong araw maliban sa isang lugaw na kanyang naging tanghalian kanina. Inisip nya ang natitirang pera. Limang daan. Maghahanap pa sya ng apartment bukas ng umaga o di kaya'y kung may makikita sya ngayon ay mas maganda.
Huminto sya sa isang karinderya para kumain. Isang adobo, kanin at softdrink ang binili nya at isang biscuit para ihanda sakaling kailangan nya ng pagkaing kakainin. Nang makatapos sya sa pagkain ay nagpatuloy sya sa paghahanap ng tutuluyan.
Patuloy sya sa paghahanap ng maagaw ang kanyang atensyon sa isang kaluskos sa mga puno. Nanlaki ang mga mata nya sa kaba at nanayo ang balahibo sa takot. Isa pang kaluskos ang nangyari kaya't nahawakan nya din ng mahigpit ang bag na dala nya.
"AAAHHH!!!" sigaw nya ng lumabas ang nilalang na kumakaluskos sa mga puno sa likod ng kadiliman.
"Jusko, doggie! Tinakot mo naman ako!"
"Warf~" mahinang ungol ng aso na para itong nagugutom o nalulungkot.
"Naku, nagugutom ka ba?" sabi nya sabay haplos sa ulo nito. Di mawari ni Vanessa kung bakit parang malapit ang loob nya sa naturang aso subalit tinatahulan sya ng mga aso kapag makadadaan sya sa mga bahay-bahay. Hinaplos nya din ang mukha nito at tumingin ito sa kanya na para bang nalulungkot. Lumingon sya leeg ng aso upang malaman kung may may-ari ba sa kanya o wala.
Nang makumpirmang wala ay ibinalik nya muli ang paningin sa aso at kinausap ito, "Ay, saglit lang ha?" sabay baba ng kanyang bag at kinuha mula rito ang biscuit na binili nya kanina. "Gusto mo?" sabi nya sabay ngiti. Umupo sya ng ayos sa tabi nito at binuksan ang pagkain na hawak nya. Kumuha sya ng isang piraso't tinapat nya sa bibig nito, na tinanggap naman ng aso.
"Sama ka na sakin ha?" maamong sabi nya sa aso, muli ay kumuha sya ng piraso't tinapat muli sa bibig ng aso. "Ikaw ay papangalanan kong. . . JAMES! Ikaw si James ha? Tapos ako naman si Vanessa. Okay?"
"Warf! Warf!"
"Good Boy!" sabi nya't sinubuan ng biscuit ulit.
Nang maubos ng aso ang biscuit, ay isinama nya na ito maghanap ng tirahan.
Naglalakad silang dalawa nang biglang kumulog, hudyat na maaaring bumuhos ang ulan.
"Naku James! Mukhang uulan na! Dalian natin dali!"
Bumuhos ang ulan ng malakas at wala pa silang nasisilungan! Sa wakas ay natanaw nila ang isang ilaw sa gilid ng isang bahay. "Ayun, James dali! May tindahan!"
Nang marating nila yun ay saktong narinig nya ang usapan sa pagitan ng tindera't nung batang bumibili.
"Magkano po itong suka't pamintang buo?"
"Sampu lahat"
"Po? Sampu?"
"Oh may angal ka? Siyam na piso ang suka't Piso naman ang paminta. Anong say mo?"
"Pwede po bang pitongpiso muna ang ibayad ko? Akala ko po kasi---"
"Anong pitongpiso?! Wala kang three pesos?! Aba, kung hindi buo ang ibabayad mo'y wag ka nang bumili rito!!!" sigaw ng tindera at nilagay muli sa lagayan ang suka at itinago muli ang paminta.
"Sige po, salamat nalang po" sabi ng lalaki at nagsimula ng maglakad paalis
"Sayo miss? Anong bibilhin mo?"