Chapter 4

43 2 0
                                    

VANESSA LOUISE

"As I was saying, students here in Princeton were ruled peacefully. Ang mga batas dito ay mga simple lang pero talagang nakakagawa ng katahimikan pagtinupad---" kwento ni Deo

Andito kami sa 'Frauzzeur' isang Italian-style Restaurant na nakatayo sa loob ng Princeton, masasarap ang pagkain pero nakaka-Whoa lang ng presyo. Ang Pizza na kinakain ni Deo ay P689 at ang kinakain ko namang Lasagna ay P695. Nakakahiya nga kasi sya pa ang nagbayad ng kinain namin.

"---Yun ay ang 'if other's concern don't involve you, don't interfere with it'. Kumbaga, 'kung di ka inaano, wag mo 'ring anuhin', 'kung nirerespeto ka, respetuhin mo din'. At ang pinakabinibigyan ng mabigat ng offense ay ang mga gumagawa ng first move." pagkukwento nya ulit

"Hmm, paano naman yung way ng pagtuturo at pagdidisiplina ng mga teacher? Hmm, pag may mga tests? Paano yung way kung paano iiwasan ang mga pandaraya?" tanong ko sabay subo sa Lasagna

"Yeah, nagtuturo ang mga teachers dito sa Princeton based on their strategies. Syempre, iba-iba ang way ng pagtuturo nila, also sa pagdidisiplina, iba-iba din. Pag iiwasan naman ang nga pandaraya sa mga tests, generally, ang ginagawa ay pagsusuot ng mga malalaking kahon ng mga estudyante sa ulo nila, may butas ang kahon sa ilong at mata--- this is used when Periodical Tests"

Woaaah. Kahon? Para sa'n kaya ang kahon?

"Para saan yun? Para madaling makita kung titingin ang isang estudyante sa ibang papel. Madaling makikita yun. And, yung mga students ay required na magdala ng mga pagkain nila. No foods? Gutom sila. Princeton isn't tolerating situations like that para lang palabasin ang mga students during Periodical Examinations. Unless may valid reason." pagsasalaysay ni Deo

"Teka---parang 'client-owner interview' 'to ah?" puna ko. Ang formal kasi masyado eh.

"Hahaha! Ayos ba? Actually kasi nagtetraining na ako kasi parang may ipapamanage na si Dad sakin, so...yeah" sabi nya

"Hmm, ayos naman. Para nang CEO, anong ipapamanage daw ba sayo?" tanong ko

"Actually di ko pa alam. Next month ko pa mapapasakamay yun"

"Okay, anong oras na kaya?" tanong ko ulit

Inilabas nya ang cellphone nyang high-tec at tinignan ang oras, "6:07, uwi kana?"

"Oo, tara na."

"Hatid na kita"

---

"Nay Nenita, bukas po pasok ni Vanessa ha? Meron na po sya nung uniform, yung ID nya po baka sa isang araw pa. Hmm, yun po."

"Naku salamat, sir Deo ha?"

"Walang anuman po, Nanay Nenita. Vanessa, hmm, gusto mo ba sunduin kita bukas?" tanong ni Deo sakin habang kinakamot nya yung batok nya't ngumiti. Agad akong namula sa inasal nya, "Ay hindi na Deo, salamat nalang" sabi ko at ngumiti

"Sige, ahm...ano...una na po ako!" pagaanunsyo nya

"Sige, sir Deo. Magiingat po kayo!"

"Sige po, ano... Van, bye!" sabi nya

Tinaas ko ang kamay ko't kinawayan sya, "Ingat" nginitian ko sya pagkatapos. Ngumiti din sya paganti at kinawayan ako saka sumakay sa kotse nya't umalis.

"Uuuuiii!! Van daw oh!" biglang litaw ni Pepits---

"Warf! Warf" ---at ni James.

Agad din akong namula sa tukso ni Pepito, Van daw? Sabi ko sabay ngiti.

***************

©brigitte//

What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon