Niligpit ni Vanessa ang gamit nya't lumabas ng Library. Hahabulin nya si Hue.
"Hue! Hue!" tawag nya dito, lumingon ito sa kaniya't tumakbo. Nagtaka sya. Bakit sya tumatakbo palayo eh ibabalik nya nga yung wallet nya? Nagulat nalang din sya ng may humablot sa kamay ni Hue. Isang lalaki.
"Hindi mo na ba titigilan 'tong gawi mo, Hue? I can send you to the Discipline Office!" sigaw ng lalaki kay Hue. Tumingin naman si Hue sa kanya at binehlatan sya. Eh? Nagtaka nanaman sya, bakit sya binehlatan? Edi ba nga nakiupo pa to sa tabi nya?
"Wag mo na syang pansinin, ganun lang talaga yung brat na yun" sabi ng lalaki sa kanya
"Salamat" sabi nya sabay ngiti
"I'm Syd. You can call me Kuya Syd for saving you earlier." sinabi din ng lalaki, ngumiti ito sa kanya at nakipagalok pa ng handshake
"Vanessa po, Kuya Syd" sabi nya rin dito
"Let's have some coffee? Tutal tapos na ata ang klase ng Business Ad?"
"Sige po!" sabi nya't nginitian din ito. Nagtaka pa si Vanessa kung paano nalaman ng lalaking kaharap ang course na kinukuha nya, magaan ang loob nya sa kanya't kaya sumama sya.
Malapit na sila sa Coffee shop ng magsalita si Syd.
"Vanessa, kasama ko pala sina Rence at Uaine, they're my brothers. Sorry I forgot to tell" saad nya
Nakita naman ni Vanessa sa di kalayuang shop ang dalawang lalaking nakatingin sa lalaking kasama nya.
VANESSA POINT OF VIEW
Bakit parang pamilyar sila? Ewan, nahihibang na ata ako. Umupo ako sa tabi ni "Kuya Syd" tapos nasa tapat namin yung dalawa pa nyang kapatid. Umorder na ng mga kape at kakainin nila.
"Vanessa, magkwento ka naman!" biglang sabi ni Kuya Syd
"Tama! San ka nakatira?" tanong bigla ni Rence. Medyo naiilang pa ako kasi puro sila lalaki
"Sa Verdanido ako nakatira" sabi ko
"Wag ka na mailang, Van. Ayos lang yan, di naman kami mangangain" sabi ni Syd sa kaniya
Mayamaya pa'y gumaan din ang loob nya sa tatlo at nakipagkuwentuhan.
"Five o'clock na pala. Una na ako Kuya Syd, Rence at Uaine"
"Van, pwede naman tawagin mo na din kaming Kuya. Matatanda naman kami sayo eh" sabi ni Rence--Kuya Rence
"Sige po. Una na po ako"
"Hatid ka na namin, tara!" sabi ni Kuya Uaine tsaka umalis
"Tara, tara. Hatid ka na namin Van."
"Salamat po~! Ambabait nyo eh nakakainis!" biro ko kina Kuya Syd at Kuya Rence
Ginulo nila ang buhok ko ng pabiro din. "Syempre Van!"
OMNICIENT
Tulad ng sabi nilang tatlo, hinatid nila si Vanessa sa Verdanido. Nagpasalamat sila kay Vanessa, pati silang tatlo kay Vanessa. Nang makaalis sila, halos iisa ang sinabi nila.
"Our Louise is a grown-up / I missed her / Man, Louise is living on that house?! She's a Marco!" di mapigilang usal nila
Umuwi sila ng bahay at binalita sa magulang ang nangyari.
_______________________
©brigitte//