Makalipas lang ang tatlong linggo, nagsisimula na kaming makatayo mula sa pagkadapa. Napakahirap kasi talaga mawalan ng ina. Ngayon pati si Dad naisali na namin sa "Tara Move On Clan". Mas naging close kami. Mostly kasi ng mga ginagawa namin, bonding talaga.
Ngayon, hmm, marunong na ako magbasketball. At sa kasalukuyan ay naghahanda kaming lima (including Dad, yes) na magbabasketball sa isang court malayo dito.
I prepared a bag. Naglagay ako doon ng extra clothes pati face towels. Sa tatlong buwan na yun...nakapagpagawa kami ng Basketball Jerseys. Black and White ang color.
Ang kay Dad, A. J. Marco tapos Number 14. 14 is Mom's birthdate. Si Kuya Syd, S. L. Marco tapos Number 6. Kasi daw si Mom, Dad, Sya, Kuya Rence, Kuya Uaine at Ako. Si Kuya Rence, T. L. Marco, Number 8. Birthdate nya. Kuya Uaine, U. L. Marco, Number 23. Birthdate nila ni Dad, parehas sila. Ako, V. L. Marco, Number 4. Tulad nila Kuya, birthdate ko din.
Kumuha din ako ng Water saka mga glass para mamaya. Tapos yun, sumakay na ako sa kotse kung nasan silang lahat.
******
Huminto kami sa isang building na may nakalagay na 'Marco Sports Center'. Napawoah ako ng makita ko yung paligid habang napasok kami ng building.
Color Black ang paligid. As in makintab na Black, pumasok kami sa isang pinto at bumungad sa amin ang maliwanag at malawak na Basketball court.
Kumuha naman si Kuya Syd nang isang bola at saka dinidribble dribble habang nilalagay pa namin yung gamit sa mga benches. Nang matapos kami ay bumaba kami sa court.
Naalala ko tuloy ulit yung sabi ni Dad nung tinuturuan nya ako.
"Sa Basketball, pisikalan ang laro. You need to have a strong body like a man and move like a man. Pero, kailangan din sa Basketball ang diskarte. So you need to think of quick strategies..."
Pati yung kina Kuya na, "Utak, paa, katawan. Lahat yan dapat gagana't maghahanda"
Hmm, nakakaexcite tuloy maglaro.
Ngapala, ang pangBasketball kong Jersey ay pinalagyan nila Kuya ng White shirt sa loob. Tapos yung length ng short ko ay parang pangVolleyball shorts.
"Uaine, asan na daw ang mga Guevara?" tanong ni Kuya Syd
Ang mga Guevara ay ang makakalaro daw namin, yung iba madadagdag sa team namin para maging kakampi at yung iba ay makakalaban namin.
Nang mapansin ko ang mga lalaking pumapasok. May 'Guevara' sila sa Jersey nila. May mga parang nasa 10-12, 15-17, 30s to 40s. Halu-halo. Lahat sila mga gwapo, ayoko mang tanggapin pero napatulala ako sa isang lalaki.
Sa lalaking may A. Guevara sa damit...
"Jon!"
Bigla tuloy akong napabalik sa realidad ng tawagin ni Dad ang isang lalaking tantya ko ay di nalalayo ang edad kay Dad.
"Anthon! I'm so sorry we came a lil bit late. These guys had a hairstyling craze a while ago" sabi nito kay Dad
"No problem, Jon. So shall we start?" Dad asked
"Yes sure"
"I need more players in my team." Dad said
"Pwede ako sa team nyo, Tito" sabi nya. Yes, sya. Yung may A. Guevara. Oo, wag kayo maingay. Kinikilig ako. Pfoutek.
"Okay, I got Aaron, whoelse?"
Hindi ko napansin ang mga pinaggagagawa nila. Grabe ang ganda ng mata nya. Nakainlove! Tapos yung ilong nya... Mygee, ang tangos! Tapos yung manipis nyang labi mamimink-mink! Ang tangkad nya pa! Tapos, yung mukha nya habang nakikinig kay Dad...yung pagkurap nya, syemay ang gwapooo!
Isang mahinang alog ang naramdaman ko sa kanan ko na nagpabalik sa akin ulit sa realidad. At nakita ko ang mukha ni Kuya Rence na nakangisi at Kuya Uaine na tumataas baba ang dalawang kilay habang nakangiti din ng nakakaloko.
"Bakit?" sabi ko pero wala akong nakuhang sagot kasi pinagpapatuloy lang nila yung ginagawa nila. Ang galeeeng."So, wag muna hard sa paglalaro ha? We have a girl here. Medyo beginner palang si Louise. She's my long lost daughter, by the way"
"Okay. Let's start!"
*****
Hingal at pawis akong naglakad sa mga gamit namin. Humugot ako ng isang face towel at pinunasan ang pawis ko. Magagaling sila kaya nakakapagod. Nakatulong din si A. Guevara sa team namin. Ahihihi! ^^
Nanlaki yung mata ko't napangiti nang lihim ng makita kong papalapit si A. Guevara. Hala hala, bakiiit!
"Hi... Louise right?" tanong nya
"Yeah" sabi ko
"For a beginner, you're great, huh" komento nya sa paglalaro ko
"Thanks"
"Yeah. Even if you're lack of height" sabi nya
Nagulat ako sa sinabi nya.
"Did you just!---"
"Naaah. I'm kidding, Louise." bawi nya
Naman iihh >////////<
"Tss"
He laughed and said, "I like you"
Napatulala ako sa sinabi nya.
"Your personality, Louise. You know, nakadagdag yung pagkagaling mo sa basketball"
Boom. Binawi nya. Ang sakit.
"I like you to be my friend, Louise. Call me Aaron" sabi nya
Boom uli. Friend daw. Kaibigan. Ang sakit.
Eto yung isang lecture ni Kuya Syd sa akin. Yung Friendzoned. Nangyari daw kasi sa kanya yun. Ang sabi pa nya, "To avoid being friendzoned, kailangan linawin mo na muna sa kaniya yung nararamdaman mo. Yun lang. Be realistic, Lowi. It can help"
Tapos yung pandagdag pa ni Kuya Rence na, "The truth will set you free"
Kaya naman humarap ako kay Aaron at sinabing, "Sorry. I can't"
Nagtataka syang tumingin sa akin at sinabing, "Why?"
"Because I like you" I said
He laughed and said, "Aww, you're so red! Wait, you like me, romantically?"
"Yes" pabulong kong sabi
"Then let it be. Malay mo pag naging friends tayo, magustuhan din kita" sabi nya
"Sabi mo eh"
Tapos nun ay nakarinig ako ng mga ubo...kunyaring ubo. Di lang isa kundi tatlo. Lam na.
"Lowi, uwi na tayo. Ron, uuna na kami" sabi ni Kuya Syd
"Ingat, Kuya Syd. Bye. Bye, Louise"
Ngumiti ako, "Bye din, Aaron"
Iiiieee! <3 HAHAHA.
********
©brigitte//