Di ako makapaniwala. Napatakip ako ng bibig habang paulit-ulit na umiiling. Isang buwan at kalahati pa lang kaming nagsasama! Sabi nya pa na magdedebut ako sa isang magandang lugar tapos sya mismo ang magaayos sakin. Bakit ang bilis nya mawala?! Dalawang buwan pa bago ako mag 18. Bakit?
Wala pa kaming tulog at pahinga hanggang ngayon. At nandito kami sa tapat ni Mommy.
"Mom..." garalgal ang boses na tawag sa kaniya.
Maputla na ang balat nya at malamig na bangkay nalang. Napakahirap tanggapin.
"Mom..." tawag ko ulit sa kanya na mas malakas kaysa kanina
"Mom... Gising ka na dyan. Magshashopping pa tayo diba sabi mo?"
"Mom!" sigaw ko. Umaasang magigising sya, yayakapin ako at sasabihing "Tahan na, Louise" pero wala pa ding nangyayari.
Nagsimula na akong humagulgol sa pagkawala nya.
*********
Nakatulog ako makatapos kong umiyak. Ayaw tanggapin ng puso ko ang nangyayari eh.
"Louise...tara pahangin tayo nina Kuya" aya sakin ni Kuya Uaine
"Tama, Louise. Lumabas muna kayo ng mga Kuya mo..." sabi ni Dad
"Sige po"
Lumabas kami ni Kuya at lumakad, "Kuya, asan na ba sila?" tanong ko; patungkol kina Kuya Syd at Kuya Rence.
"Dun sa isang playground, nakita daw ni Dad kanina habang naglilibot-libot sya" mahinang sabi din ni Kuya Uaine
"Okay" sangayon ko nang matandaan kong lumabas nga muna pala si Dad kanina nung kaming apat yung naiwan sa bahay.. Haaaay. ang hirap ng kalagayan ni Dad.
Naglakad pa kami ni Kuya nang makarating kami sa isang playground. iginala ko ang paningin ko sa buong paligid, malawak ito at maraming puno, meron ding bench swing, tapos may bridge sa ibabaw ng isang malinis na lake, madami ding bulaklak. Nakakarelax nga dito. Habang naglilibot ng tingin, nakita namin sina Kuya na nakahiga sa malinis na damo sa isang parang bundok. Meron silang mga pagkain at softdrinks.
Pumunta kami ni Kuya Uaine sa tabi nila, si Kuya Uaine, humiga na din at ako humigit ng isang Nova at binuksan.
"Tara, move on!" biglang sabi ni Kuya Rence. Pinalo sya ni Kuya Syd sa tyan.
"Makapagsalita parang di mahirap ah! Nays brad, beri nays" sabi nya sabay abot sa akin at kuha ng Nova
"Madali lang yan brad. Think postive. Wag kang aayaw!" pabirong sabi nya
"Tama tama! Think positive! Everything happens for a reason" sabi ko
"Ang hirap naman eh." simpleng sabi ni kuya Uaine
"Madali lang yan! Maniwala kayo sakin." sabi ni Kuya Rence
Ang ugali nila Kuya....iba-iba. Si Kuya Syd sya ang pinakaseryoso. He is taking life seriously as you could imagine. Realistic syang tao. Si Kuya Terrence, pinakapostive. As in talaga. Sya yung pinakapositive, pinakabibo at pinakamasayhin. Si Kuya Uaine, pinakapalabiro. Minsan lang sya magbiro pero kapag nagsimula yan, hagalpak ka talaga sa tawa.
"Owkaay. So pa'no nga?" sabi ni Kuya Syd
"Kaya nga, ikaw pasimuno, Kuya Rence ha! Tamo 'to!" sabi ni Kuya Uaine ng umasta si Kuya Rence na nagiisip, na parang walang maisip na ideya.
"Understanding is the first step to acceptance. And only with acceptance can there be recovery. Sabi nga ni J.K. Rowling sa Harry Potter and the Goblet of Fire" sabi nya bigla
"Nays naaaays!" sabi ko ng magets ko yung quote.
"Tama, Louise. Isa-isahin nating gawin yun then shanan! Tapos na tayo sa paghihirap!" sabi ni Kuya Rence
"Tama tama!" sabi ko't nagapir kami.
Nagsalita si Kuya Rence ulit ng di kumibo sina Kuya Syd at Kuya Uaine.
"Iisa-isahin natin yun, mga brad. Di naman tayo agad kablam na kalimot na. Tsaka wag kayong ano ha! Kailangan choice nyo magmove-on hindi yung pinilit ko kayo" pangangaral ni Kuya Rence
Dahil dun malalim ulit ang pinagisipan nina Kuya Syd at Uaine. Nagulat ako ng biglang hinablot ni Kuya Rence yung Nova ko at inalok kila Kuya.
"Ikain nyo nalang yan, mga brad!" alok nya
"Amin na nga, sinosolo kasi ni Louise eh" sabi ni Kuya Uaine
"Yown, sinolo ko pa daw!" pagresponse ko
"Ona. Hindi na" sabi ni Kuya Uaine ulit habang dumampot nalang si Kuya Syd ng Nova.
"Oh eto pa. Baka gutom na gutom kayo tapos di kayo nagsasalita dyan!" sabi ni Kuya Rence at tinambak lahat ang mga pagkain at hiniga yung mga softdrinks in can kina Kuya na ikinatawa naming lahat.
Mayamaya'y tumahimik. Katahimikan ang bumalok sa pagitan naming lahat. Nabasag lang ang katahimikan ng magsalita si Kuya Uaine.
"Oo na. Sigi na nga. Sali na rin ako sa 'tara move-on' clan nyo ni Louise!"
"Yoooon! Dyan tayo nagkakasundo brad!" sabi ni Kuya Rence sa kanya't nagbro fist sila. Lahat naman kami napatingin kay Kuya Syd, nagaabang nang tugon.
"Tingin kayo?" pahashtag suplado epek pa nya pero lahat kami hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
"Tsss. Oo na oo na. Sali na rin ako dyan" sabi nya at ikinangiti namin.
___________________________________________________
-cut
©brigitte//