Chapter 20

16 0 0
                                    

Matapos ang kaganapang pagsagot ni Vanessa kay Aaron ay mabilis itong kumalat. Kay Anthon at sa tatlong kuya nya. Pati kila James at Oliver, sa Nanay at Tatay nila. Etc. Etc.

"Ate Van!" tawag ng isang boses sa kanya

"Pepits!" Tawag nya din. Yes, si Peter yung tumawag sa kaniya. Lumapit ito sa kanya at niyakap nya ng mahigpit.

"Pogi mo ah! Tsaka ang taba taba mo na a!" Puna nya. Tumaba kasi si Peter tapos tumangkad.

"Tagal na nating di nagkita, ate Van! Ang ganda mo na din! Nga pala, ate, nakatira na kami sa Ate kong nagtatrabaho sa Dubai. Gusto sana nung Ate ko na dalhin kami sa Dubai kaya lang ayaw namin ni Nanay kasi mapapalayo kami sayo."

"Kaya pala ang taba mo ngayon! Sa Ate mo kayo nakatira!" Sabi nya

"Opo Ate. Sa isang araw nga maguuwian pa yung tatlo ko pang kapatid kaya tuwang tuwa si Nanay" pagbalita ni Peter

"Edi mabuti tuwang tuwa si Nanay! Ilan ba kayo magkakapatid? Akala ko magisa ka lang!"

"Lima po kami, ate. May mga asawa na po kasi sila kaya mga nakabukod tapos ngayon lang sila nakaisip tumulong sa amin ni Nanay"

"Mabuti naman at tinutulungan kayo ni Nanay. Asan nga pala si Nanay? Di mo kasama?"

"Iihi lang daw sya saglit eh---"

"Vanessa anaaaaaak!" Tawag ng isang pamilyar na bses sa kanya

Bumungad sa kanya ang Nanay Nining na maayos ang pananamit at mataba. Hindi na din sa payat kagaya dati.

"Nanay!!!" Sigaw nya din

Nagyakapan silang dalawa nang magkita.

"Ang ganda ganda mo anak! Aba puti na ang buhok mo oh! Tapos ngayon? Naku! Kamukha mo na ang iyong Papa pati mga Kuya! O kamusta ka naman? May boyfriend ka na ba?"

Nahihiyang sumagot si Vanessa, "Opo. Ok lang din po ako masaya"

"May boyfriend ka na?! Naku! Gusto ko sya makita!"

"Sino ba boyfriend mo, ate? Yung katabi mo kanina?" Tanong ni Peter

"Peter, yung katabi ko kanina yun yung Kuya kong panghuli. Yung boyfriend ko yung kaninang escort ko" kilig na kilig na sabi ni Vanessa

"Aaaahhh!" Sabi nila parehas

"Yung Aaron daw?" Tanong ni Peter

"Yes"

"Ay yun! Naku! Napakagwapo nun! Sana mabait" sabi ni Nanay Nining

"Oo naman po! Ako pa po ba Nay?" Sabi nya sabay taas baba ng kilay nya

"Ay sige sabi mo e. Kasama nga pala namin si Midang, anak kong panganay" pakilala ni Nanay

"Nice to meet you po, Ate Midang"

"Nice to meet you din, Vanessa. Merly nalang itawag mo sa'kin. Si Nanay kasi gustung gusto yang palayaw kong Midang eh mabaho naman pakinggan" biro nya

Tumawa din sya saglit saka sinabing, "Sige po, Ate Merly"

"Oh paano, mauna na muna kami, anak ha? Yung mga apo ko sa bahay ni Midang baka mga nagising na" pagpapaalam ni Nanay Nining

"Sige po salamat sa pagpunta" sabi ni Vanessa

"Salamat din, ate. Happy Birthday ulit!"

What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon