AUTHOR
Kinabukasan. 3:00PM.
Nasa Garden silang lahat at nagVovolleyball, new game to try, sabi nga ni Rence. Ang magkakapair? Team A, Lowi, James, Oliver, Anthon. Team B, Aaron, Rence, Syd, Uaine.
Ginaganahan nga naman mapahayag ng damdamin si Guevarra! Habang nagpapasahan sila ng bola ay hindi ito nagseseryoso habang bumibirit ng Sa'yo ng Silent Sanctuary.
"Tumingin sa'king mataaa!" sabi nya habang itinira ang bola. Ang bola ay napunta sa direksyon ni Rence at itinira nya ito sa kabila.
"....Magtapat ng nadarama, di gusto ika'y mawala. Dahil handa akong ibigin ka!" dagdag pa nya habang kumikindat-kindat kay Vanessa.
Syempre si Vanessa, di man nakibo, namumula pa din ang tenga.
"Kung maging tayo, sa'yo lang ang puso ko."
Tapos na yung chorus pero dinugtungan nya pa din ng, "Oo pramis! Sa'yo lang puso ko!" sabi nito
Wala syang sinasabing pangalan pero alam nang lahat ang tinutukoy nya.
"Wooh putek ang ganda!!!" sigaw nito
Parang nagwawala no?
"Brad, mamahalin ka din nya. Tiwala lang. Wag ka na umiyak" biro ni Uaine habang tinapik si Aaron
"Paano, si Kuya ngawngaw nang ngawngaw!" asar ni Oliver
"Para kang nabasted, e!" sabi rin ni James
********
"Dad, punta muna 'kong restau ha?" paalam ni Rence
Nakasuot na sya ng polo at black na coat. Sumisigaw din ang 'Terrence Lee M." sa nameplate nya.
"Ge, sunod kami du'n ah? Prepare for dinner!" bilin ni Anthon
"Alright, then."
Lumabas ang bagong ligong Vanessa mula sa kwarto nya. Nakasweatpants ito na kulay pula at nakaT-shirt na kulay Royal Blue.
(Brad, nakasweatpants na pula si Lowi at Royal Blue na shirt)
Message sent.
(Thanks, bro!)
Naupo si Vanessa sa single sofa at umupo ng komportable. Lumabas naman si Aaron mula sa guestroom na nakakulay Pula ding sweatpants at Royal blue cotton shirt.
"Ay anak ng tokwa! Pagkakataon nga naman!" sabi nya't kunwaring nagulat.
Kahit nanonood lang si Vanessa, katulad kanina, namumula pa din ang tenga nya.
*******
5:00PM
"Tara labas! Maggala-gala tayo sa labas" yaya ni Syd
"Tara" sangayon ni Anthon
"sama 'ko!" sabi ni James
"Me too!" "Me three!" etc.
So in the end, nagikot ikot sila sa village nila. Mga nakaslippers lang sila't nakapambahay. Napadpad sila sa isang park malapit du'n. Du'n sila kumain ng pizza at iba pa. Pumunta din sila sa ihaw-ihaw. Si Anthon, Syd, at Oliver, nagBaboy. Si James at Aaron nagHotdog lang. Si Uaine, nagDugo at Isaw. Si Vanessa, nagIsaw, Dugo at Paa. Sarap na sarap nyang kinakain ang Isaw. Bawas na ang isaw ng sumulpot na naman si Aaron.
"Louise, pwede....pwede patikim? Tikim lang?" tanong nya
"bawas na kasi, sorry" sabi nya
"Hindi-hindi! Okay lang kahit bawas na kakagat lang ako ng isa"nagpuppy eyes pa sya
"Sigi"
Kinagatan nya ang last na kinain ni Vanessa.
"Sarap!"
"Nakuuu! Kinagatan lang ni Ate Louise, masarap?! E DI KA KUMAKAIN NYAN?!" sermon ni Oliver
"shatap your mawt!" sabi ni Aaron nang pabiro
As usual, namula na naman ang tenga ni Vanessa.
****
Napansin ni Vanessa na tumayo si Anthon, Syd, Uaine, James at Oliver.
"Sa'n kayo pupunta?" tanong nya
"Arkila lang nang bike" sabi ni Uaine
"Iiwan nyo si Louise?! Nako, sasamahan ko nalang sya dito! Kumakain pa naman ng Paa ng Manok!" sabi ni Aaron
"Galingan mo, bro!"
Umalis na sila. Ibinaling naman ni Vanessa ang atensyon sa paa.
"Louise, ba't ang ganda mo?" tanong ni Aaron na ngiti lang ang natanggap nya
"Water?" alok nya kay Vanessa nang makitang tapos na sya kumain
"Thanks" sabi nito
"Judiiiing! Look! Your false pilik-eye yetsing is shumeshembot patalon!"
"Ay thankieshing, juding, ah. Imamakinglalu repeat ko nalang ditey!"
"Sureness, juding! Wantingchuva mo nitong pulaning lipstick na itey? Gifteklabu itey ni paderlili ng lola mo!"
"Ay! Wanting chuva ko nitey! Betcha pa naman nang dyosa mo si Angelina Jolie!"
"Nakakaimbyernatuts ang mga chenelyn fungus kanina!"
"Korak, juding. Mga echosang chararat na mga chenes eklabu!!!"
Nakarinig sila ng usapan ng dalawang bakla habang papaalis. Nang mawala sa paningin nila ang bakla ay nagtawanan silang dalawa ng malakas.
"Makeup chorva mo, juding!" panggagaya pa ni Aaron na dahilan para tumawa ulit silang dalawa nang malakas.
"Hello there!" bati ni Uaine habang dumaan sa tapat nang dalawa habang nakasakay na sa bike
"Ayo!"
"Tara gala pa tayo! Angkas ka nalang kay Dad, Lowi" sabi ni Uaine na ginawa nya
Si Aaron naman ay kay Syd umangkas.
"hinde! Hinde! Si Oliver aangkas sa'kin, yung bike nya, du'n na si Aaron iangkas si Louise!" sabi ni Syd
Umalis naman agad si Oliver sa bike at sumampa na kay Syd. Bumulong pa ito ng, "Ang galing mo, Kuya" saka sila nagapir.
Pulang-pula naman si Vanessa pero medyo naging komportable nang onti.
"Juding, maghawaklalu ka sa lola mo! Baka mafell down ka" sabi ni Aaron na dahilan para tumawa nanaman si Vanessa. Kumapit na sya't umandar na silang lahat.
"Ron, nabakla kana?!" biro ni Anthon
"hindi po, tito!"
_____________________
P.S. Pictures of character are coming up! Ilalagay ko yung iba sa previous chapters. :">
©brigitte//
