Pagkapasok namin sa Resort dito, walang tao. As in walang tao bukod sa mga staffs. Hininto ni Dad ang kotse sa Parking lot sa medyo loob ng Resort at doon sa Parking lot, madaming kotse.
Naglakad kami sa loob at doon, napakaraming tao. May naliligo sa pool na malinaw, may kumakanta sa Videoke, may nag Bibilliards, may nagiihaw.
"Tito Anthon!" sigaw ng isang babae
"Hi, Lea" sabi ni Dad
At doon nagsimulang mapunta ang atensyon ng lahat sa amin.
"Wow! You must be Louise? You're so pretty!" sabi ng isang ginang na may kulay dilaw na buhok.
Tama nga sila Kuya, wala atang Marco na itim ang buhok! Nakakatuwa naman hahaha!
"Salamat po"
"I'm your Tita Ivy. I am your Dad's eldest sister"
"Nice to meet you po, Tita Ivy."
"Tita Ivy! Is she Tito Anthon's daughter? Oh she's so pretty!" sabi ng isang babaeng medyo matangkad at Kulay Violet ang buhok
"Yes, Den. She is Louise" sabi ni Tita Ivy
"Ohmy! Hi, Louise! I am your Ate Den, your cousin. Anak ako ni Eve Marco, second eldest sa mga Marco" pagpapakilala nya
Nginitian ko sya at sinabihang, "Nice to meet you, Ate Den!"
"Sige. Teka lang ha, papatikim ko sayo yung Chocolate Cake na binake ko, wait lang ha?" sabi nya
"Sure, Ate Den"
"Okay, Kuya Drew, this is Louise. Louise, si Kuya Drew. Kapatid sya ni Ate Den" pagpapakilala ni Kuya Uaine sa akin
"Nice to meet you, Louise. Ako nga pala si Kuya Drew mo, ang pinakapogi sa lahat ng Marco" sabi nya, kulay Blue and Gray ang buhok nya
"Pinakapogi?! Ha! Ako kaya! Hi Louise, ako si Kuya Mon mo. Anak ako ni Raphael Marco, pang-apat sya sa mga Marco" sabi ng isang kulay Orange yung buhok
Tumawa ako sa kanila at sinabing, "Nice meeting you, Kuya Drew at Kuya Mon"
"Ate Louise! Hi, ako po si Jack with K. Anak po ako ni Joe Marco, na bunso sa mga Marco" sabi ng isang tantya ko ay 13 years old na kulay Blue and white ang buhok
Matapos ang mga pakilala, kumain kami at nagsaya nun.
********
After a day having fun with our cousins, umuwi na kami. Nasa byahe palang kami pauwi ng makarecieve ako ng message galing kay Deo.
(Van, kailan tayo pwedeng magkita?)
Sa simpleng message nya napangiti ako. Ang tagal na nga pala namin last na nagkita!
(Anytime, Deo. Musta! :))) Tagal na natin di nagkikita ah!)
Mayamaya pa'y naka receive ako ulit ng text.
(Ongaeh. Sige, Van. Pakitanong naman kay Tito anthon kung pwede ako pumunta sa inyo bukas. Naku, Van! Ang dami kong ikukwento. Pero uunahin ko muna ito, kaya tayo di nagkikita kasi training na ako sa pagmanage ng company namin sa Australia. Dun ako nagtraining. Pakisabi nga pala kay Tita Scarlett kung gusto nya isama ko si mom)
Nagulat ako sa haba ng text nya. Di lang yun, nagulat din akong nasa Australia pala sya. Nagulat din ako ng di nya pa ata alam ang kay Mommy.
(Siguro nga kailangap natin magusap, Deo. See you tomorrow!)