Chapter 7

29 3 0
                                    

AUTHOR ||

"MOM! DAD! ASDFGHJKKLDSAGJEHW ,MVCXKJDFSUIYEJERNVIGYFDS!!!" hindi talaga ganyan ang pagkakasabi ng tatlo pero magulo sila dahil sabay-sabay kaya parang ganyan ang dinadakdak nila. Ang tatlong lalaki ng sabay-sabay na nagreklamo sa kanilang magulang, para silang mga batang naguunahan sa pagkwento ng nangyari sa school pero iba ngayon, kasi may inis.

"Wait, wait, wait!!! Ang gugulo niyo, we can't understand what you three want to say!" sabi ng kanilang amang si Anthon.

Nauna nang magreklamo si Sydney, "Mom! Dad! She is a Marco! Why is she living in that place! Special Enrollee sya na dapat Regular kasi Marco sya! Bakit di nyo pa sya kunin?! Wala nanaman yung magaling mong kapatid na ayaw sya ibalik sa atin diba?!"

"TAMA! Nagcocommute lang din sya paguwi at pagpasok! Think of it, it is so tiring! She's a Marco! She must not live in that! Baka uncomfortable na pala sya dun! Baka yung mga kinakain nya dun nakakasama na sa kanya! MOOOOM!!! DAAAAAD!!!" sang-ayon ni Rence

"But you know what Mom and Dad, she's a grown-up already! Our baby sister is a grown-up! Oh Good Lord, I can't wait to be with my sister again! Curse that sister of yours Mom!" singit ni Uaine.

"Wait, boys! Di ko kayo maintindihan─"

"NAKASAMA PO NAMIN SI VANESSA KANINA" they said in chorus

Nanlaki ang mata ni Scarlett at Anthon, di na talaga nila alam ang gagawin, gusto nilang makuha ni si Vanessa pero wala talaga silang laban kay Jennilyn Montalban dahil ayaw ibigay.

"Tsaka, Mom, Dad, mukhang hindi naman na sya nakatira sa magaling mong kapatid eh, hindi mo naman iniwan si Vanessa sa Verdanido diba? Sa Bicol mo sya iniwan!" sabi ni Sydney

"Kaya nakakatiyak kami na hindi na sya nakatira sa magaling mong kapatid!" dugtong ni Rence at Uaine

"Scarlett.... I think I want to be with my only daughter again? I missed her. I wonder what she looked like now. Siguro kamukha ko sya" ani Anthon

"I'll think about it" sabi ni Scarlett

Makaraan ang ilang sandali ay nagsalita si Scarlett, "Invite her to have a dinner with us, boys. I want her to know the truth" Nagngisian naman sina Anthon, Sydney, Rence at Uaine.

*****************

Tapos na lahat ng klase ni Vanessa (parati naman), kaya't uuwi na sya. Joke lang, dumaan muna sya ng library para basahin yung English book na paborito nya. Nagbabasa na sya ng maramdaman nyang may umupo sa tabi nya. Paglingon nya, si Hue.

"Not just because a Princeton Senior make ligtas you from me means I'll make stop you na. I hate Special Enrollees pa naman, because mga poor kayo. Ang checheap nyo. Ohwell, let me make hula, your damit is bili on the bangketas right?"

Nilingon nya si Hue. Ganito ba talaga magsalita to?

"Hue.... ayaw ko ng gulo. Ano ba kailangan mo?" mahinahong sabi nya

"Hmm, wala. Special Enrollee ka kasi and you're nakakairita"

"If I am 'nakakairita', why are you making sayang your golden oras on me?"

Naku ayan! Napagaya tuloy ako! Nakow, bad influence ka ateng.

"What?!" she said

"Hue, sabi mo, nakakairita ako, cheap, bakit mo pa ako kinakausap? I'm cheap diba?"

"Oh, oo nga pala. Hahaha! Buti nalang gumana ang utak ko, alright then. goodbye cheap!" sabi sa kaniya ni Hue sabay labas ng Library. Sumunod nga sa sinabi ko? di makapaniwalang naisip ni Vanessa.

What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon