Chapter 11

21 1 1
                                        

Months had passed at masasabi na nating, Vanessa is very comfortable to the life she is living at. Napalitan na ng Vanessa Louise Montalban Marco yung pangalan nya sa Princeton pati Regular Student na din sya. Every Sunday, may family bonding sila. At ngayon.... It's Sunday and they'll go to there Resthouse in Taguig. Everybody was excited. Masaya silang naghahanda ng mga gamit nila.

"Kids... Magdadala ba si Mommy ng Nachos?"

"Yes mom!" sabi nilang tatlo

Matapos maghanda ni Scarlett ng Nachos ay pinuntahan nya si Vanessa sa kwarto nya at nadatnan nyang nakahanda na ang damit nya at naghahanap nalang ng susuotin.

"Nahihirapan mamili?" sabi nya at lapit kay Vanessa

"Opo eh..."

"Hmm..." sabi nya at pumunta sa walk-in closet ni Vanessa.

Kumuha sya ng isang Yellow dress na de-tali sa batok tapos isang Sandals na color Black.

"Here. Eto ibihis mo, Louise" sabi nya sabay abot ng damit.

"Salamat po" sabi nya at umalis para magbihis. Nang makatapos sya ay pinaupo sya ni Scarlett sa tapat ng salamin para ayusan ng buhok. Inayos nya ang buhok ng dalaga ng paFishtail.

Bumagay naman sa Puting buhok ng dalaga ang fishtail.

"Don't forget this" sabi pa nya't inabot ang isang shades.

"Thanks, Mom"

********

"Wow! Ang ganda naman!" sabi ni Vanessa

"Louise, tara, doon tayo sa loob. I'll show you something."

Nagpunta sila sa kitchen, at nagsimula ng magturo si Scarlett.

"Yes... Lagay mo na yung veggies"

"Pati yung Cream cheese..."

Nang matapos sila ay nagdesisyon silang lahat na maligo sa dagat, ang apat, Sydney, Terrence, Uaine at Vanessa, ay nagswimming na. Natirang nakaupo ang magasawa at magkayakap.

"Love.... I'm really satisfied with the life we have now. There's nothing I could ask for..." sabi ni Scarlett

"You're right, my love. I have my life complete today" sagot ni Anthon sa asawa.

6:03. May bonfire sila sa labas at kasalukuyanp kumakain. Makikita ang saya sa mga mata nila.

"Wait lang... I need to pack my things pa" sabi ni Scarlett.

Yes, uuwi din sila pagtapos nila. Kaya naman naghahanda na sila.

*********

"Everybody, ready? Wala na bang naiwan?" tanong ni Anthon

"Yes!"

"Okay then, let's go!"

Nang makauwi sila ay saka nila naramdaman ang pagod. Isa-isa silang pumasok sa bahay nila bitbit ang bagahe nila.

"Let's go, Love" aya ni Anthon sa asawa

"In a minute, Love. I need to make a call" sagot nya rito

"As you say so. Take your time, I'll be in" sagot nya rin sabay pumasok sa bahay nila

Di naman napansin ni Scarlett ang isang motor dahil sa pagiging abala sa pagtawag.

...Isang putok ng baril ang nagbigay sa kanila ng matinding takot. Napamulat ang inaantok na mata ni Sydney, Napamulat din ang natutulog na sina Terrence at Uaine, napatigil sa paghilamos si Vanessa, at nabitawan ng kamay ni Anthon ang dala nyang maleta. Hindi pa sana sya kakabahan nang maulit pa ang tunog ng putok ng baril.

Sa kaba ay napatakbo sa labas si Anthon at nakita ang asawang nakahilata.

Animo'y ayaw maniwala ng isip nya sa nakikita ng mata....

"SCARLETT!!!"

Agad na napatayo ang magkakapatid at saka bumaba. Nagulat sila sa nangyari. Agad na kumilos ang apat at naghanda. Ang isa'y kumuha ng lahat ng cellphone, ang isa'y kumuha ng pera, ang isa'y kumuha ng susi at naglock ng pinto, at ang isa'y tumulong magbuhat ng walang malay na ina.

Nadala nila sa Scarlett sa hospital. Halos mabaliw sila dahil sa nangyari. Wala pa ring lumalabas mula sa Operating Room na pinasukan ng mga nurse kay Scarlett.

"M-Magaling ang mga doktor... Pagagalingin nila si Mom" sabi ni Vanessa

Ilang sandali pa'y may lumabas ng lalaking doktor sa Operating Room.

At ang mga salitang nagpaguho ng mga mundo nila ay, "Mrs. Scarlett was shot---"

"---In the head and in the heart area... And that cause her death..."

_____________________

©brigitte//

What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon