Chapter 10

31 1 0
                                        

Nagising sya ng masaya kinabukasan. Pinindot nya ang switch ng aircon na nakita nyang pinindot ng Daddy nya kagabi para mabuksan yung aircon at nagturn off naman yun. Masaya syang umunat at inayos ang kama nya. Pumasok sya sa CR sa kwarto nya't naghilamos at nagtoothbrush. Natuwa pa sya nang makita ang cute na black and violet-colored toothbrush. Matapos maghilamos ay lumabas sya't kinuha ang itim nyang pangipit at pinuyod ang buhok. Sinuot na rin muna nya ang Black slippers pambahay nya bago bumaba.

"GOOD MORNING LOUISE!!!" bati sa kanya ng tatlong Kuya

"Good Morning din mga Kuya!" bati nya pabalik

"Tara kain, Louise!"aya ni Syd. Ngumiti sya't sumalo sa kainan ng pamilya. Hinatak nya ang upuan at umupo.

"How's your sleep, princess?" tanong ni Anthon sa kanya

"Ayos lang po! Sarap nga po ng tulog ko eh! Hehe"

"Good. Is it comfortable?" nakangiting tanong ni Scarlett

"Yes po!" sabi nya

"We'll be going on a mall later! Papakulay natin buhok ni Louise at bibili ng cellphone at iba pa, as Terrence Lee said" saad ni Anthon

Buti nalang Sunday at wala syang pasok. Naexcite naman sya agad para sa lakad na sabi ni Anthon.

"What color suits our Louise here?" tanong ni Scarlett

"Red!" "Green!" "Violet!" sabi ng tatlo

"Pink for my princess" sabi ni Anthon

"Hmm.... I'll go with White. White suits our Louise the best" sabi naman ni Scarlett

"WHITE?!" reklamo ng tatlo

"Ayos lang din po sakin ang White!" sabi nya

"Love, dadamay mo nanaman si Louise sa Frozen craze mo."

"Why? She can be as pretty as Elsa!"

"Ayos na po sakin yun!"

"O sya sya! Kain na!"

*******

Naligo si Vanessa sa banyo nya sa kwarto nya. Tuwang-tuwa pa sya sa shower, pati sa shower gel nya na amoy Roses and Cream. Pagkatapos, ginamit nya ang bathrobe at tumingin sa mga pwedeng suotin. Pinili nya ang isang maong shorts at isang simpleng Yellow Green na shirt na tinernuhan nya ng color Gray at Yellow Running shoes. Sabik na syang makabonding ang pamilya kaya't bumaba na sya at nakita nya ang dalawang kuyang nakaupo na sa sofa nila.

"Louise, iyo na lang 'to oh. Bigay ni Kuya sayo" sabi ni Sydney at nagbigay ng isang kulay pink na bracelet

"Thank You, Kuya! Sorry wala akong bibigay ha?" sabi ni Vanessa at tinanggap yung pink na bracelet.

"Andaya neto ni Kuya oh! Tsk. Di ako prepared!" sabi ni Rence

"Sorry ka, nabili ko si Louise eh" sabi ni Sydney, "Bleeeh" dagdag pa nya

"Di mo naman ako kailangan bigyan, Kuya Rence eh" sabi ni Louise at nginitian sya

"Ito nalang iyo, Louise. Bigay ko na lang sayo 'to" sabi ni Rence at inabot ang blue na bracelet

"Sorry, blue." sabi pa nya

"Ayos lang Kuya! Ganda nga eh" sabi ni Vanessa sabay ngiti. Sinuot naman nya yung dalawang bracelet

"Oh diba? Nadagdagan yung kulay black mong pangipit dyan sa kamay mo" sabi ni Sydney

Di nila namalayang paparating na si Uaine, "Malalate daw si Mommy't Daddy wait lang daw" sabi nya

What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon