Chapter 3

43 1 3
                                    

ANDREO KURT

Sinarado ko ang pintuan ng kotse ko pagkababa ko at tinignan ko ang paligid. I am in Llanasa, medyo malayo ito sa Verdanido kaya't gabi na nang makarating ako sa lugar ng mga magulang ko. This place is very soothing. Ang dami kasi kasing mga halaman at napakalinis dito. I pressed the doorbell to signal the persons inside the house that I've had arrived.

"Andreo!" my mom, Andrea Lyn Vigosa, welcomed me with a hug

"Ma!" I said as I hugged her back

"Son, come eat dinner with us! And this is Mr. Anthony Jay Marco and Mrs. Claire Scarlett Marco, together with their sons, Sydney Lawrence, Terrence Lee and Uaine (Weyn) Lyndon" my Dad, Leandro Vigosa introduced me to the persons eating with the same table as him and Mom's. Maybe they are Dad's business partners kaya andito sila. I went near them and offered handshakes then said 'Nice to meet you's'.

"So, Andrei, you just went to Verdanido this time?" Mama asked

Naglalagay ako ng pagkain sa plato ko at sinagot sya, "Yes, Ma"

Agad na sumingit si Papa, "See, Anthony? My son is very hardworking!"

"I see, Leo, nakakatuwa nga" Tito Anthony replied

"So, son, how's Verdanido?" Papa asked agaib

"So far, kumpleto pa naman ang mga supplies at maayos pa din" I answered

"Good" he said

"Pa, pwede po ba akong magpasok ng isang estudyante sa Princeton?" I asked

"Okay lang. I-S-Special Enrolle mo?"

"Opo"

He drank his glass of water and asked me again.

"Ba't naman naisipan mo magpasok ng Special Enrolle, Andrei?"

"Nameet ko sya sa Verdanido, Pa. She is kind and hardworking and pretty! Nakita ko sya sa palengke helping Nanay Nining tapos when I visit their house, she is... she is simple but beautiful!"

"Oh really?"

"Yes Pa. Besides, di pa sya nagaaral ng College"

"Anong kukunin nya daw na course?"

"Business Administration daw po Pa"

"What's her name?" Mama asked

"Vanessa... She's Vanessa Montalban"

Sa di malamang dahilan, biglang napainom ng tubig si Tito Anthony, nasamid si Tita Claire at parang nanigas sa kinauupuan sina Kuya Sydney, Terrence at Uaine.

******

VANESSA

"Oh anak! Dahan-dahan ka naman sa paginom mo! Nasasamid ka eh!" saway ni Nanay

"Naku Ate Van! May nakaalala ata sayo ah!" sabi din ni Peter

"Ikaw talaga, Pepito! Sino namang makakaalala sa akin?"

"Si Sir Deo! Uuuiiiii~" tukso ni Peter

"Hay naku Pepito Anak! Wag mo nang tuksuhin ang ate Vanessa mo at baka mapikon yan. Ito, ilagay mo to sa kainan ni James" suway ni Nanay Nining

*****

"A-Ano, we just--"

"Come on, Anthony. We're bestfriends, business partners. Di naman pwedeng coincidence na nanigasang mga anak mo't nasamid si Claire"

"Okay. I-I'll be explaining it--" Tita Claire suddenly said

"--Vanessa Montalban is our long lost youngest daughter. N-Nung m-minsang kailangan naming magtrabaho at medyo di namin matustusan sila kaya't pinaalagaan ko si V-Vanessa sa Tita nya, Jennilyn Montalban na k-kapatid ko. Nung umangat ang buhay namin at kukunin na namin si Vanessa, ayaw ng ibalik ni J-Jennilyn si Vanessa"

"So, that Vanessa is your daughter?" tanong ni Mama

"Yes. W-We'll be going, thanks for the dinner"

*********************

THE NEXT DAY | 5PM | OMNICIENT

(Vanessa)

"Ate! Ate! Ito, hiramin mo muna itong damit kong malaki na binili ni Nanay. Parang dress ko na nga yan eh. Namali ng lagay si Nanay" sabi ni Peter habang dala ang isang kulay Navy Blue na T-shirt papalapit kay Vanessa na nakaupo sa tapat ng salamin.

"Pahiram muna, Pepits ha? Wala akong maayos na damit eh, may mga mantsa tapos yung iba labahin pa"

"Naku wala yun Ate! Sige, laro muna kami ni James, Ate ha?" paalam ni Peter

"Sige, salamat ulit Pep!"

Tinignan nya ang medyo malaking T-shiry na inabot sa kanya ni Peter.

Malaki nga ah. Bakit parang malayo sa size ni Pepito 'tong T-shirt na ito?

Nang suotin ni Vanessa ay medyo malaki ang T-shirt kaya tiniklop nya ang manggas nito. Inipitan nya ang buhok ng isang bun at nagayos sya ng kaunti. Dinala nya ang mga maaaring hingiin sa kaniya sa pagpapaenroll nya na inasikaso nya na lahat kagabi. Nilagay nya lahat yun sa bag na hiniram kay Nanay Nining.

"Ate Van!!! Nandito na si Sir Deo!"

Nagmistulang may mga hangin at ilaw na nagsalubong sa pagpasok ng binata sa maliit na pintuan. Nagmistulang nag'slow motion' ang pagngiti ng binata sa kaniya kaya't napatulala sya sa binata.

"Ready?"

Bigla syang napapikit at napadilat ulit nang mabalik sya sa realidad.

"A-Ah oo, teka lang. Magsasabi lang ako kay Nanay ha?"

"Sige"

Pumunta si Vanessa sa kwarto nila Nanay Nining at nagsabing, "Nay! Una na po ako ha?"

Sumagot naman agad si Nanay Nining, "Sige anak, magiingat ka ha?"

"Opo!"

Pumunta naman siya kina Peter at James, "Alis na ako, Pepits"

"Ingat ka po ate!"

Maging si James, hinaplos nya din ang ulo nito saka sila umalis ni Deo.

-----

"Ayan, enrolled ka na. Papasok ka na dito bukas ha?"

"Salamat, Deo"

Ngumiti ito sa kaniya at nagsabing, "Tara, libot kita sa Princeton"

"Dito sa Princeton, ang mga uniforms ay gawa ng imahinasyon ni Mama. Violet na Pants, Polong puti na may logo ng Princeton, at Tie na Violet sa mga lalaki pagkatapos, Violet na palda na Two inches above the knee, Blouse na puti, Tapos Violet Challeco/Coat na may logo ng Princeton. Mahilig sa Violet si Mama, eh tapos under pa si Papa dahil mahal na mahal si Mama kaya't nasunod ang uniform sa gusto ni Mama---" kwento ni Deo sa kaniya, habang naglilibot sila

______________________________

TO BE CONTINUED :)

©brigitte//

What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon