CHAPTER 6

11.7K 187 4
                                    

    "Saan ka galing kahapon?" Nasa cafeteria sila ni Aljun at kumakain. She's not with Zara dahil may klase ito. Nabago kasi ang sched nito ay minsan nalang sila magkasama.

"U-umuwi ako ng maaga." She lied. Alangan namang sabihin nyang halos buong araw silang magkasama ni Zandro kahapon.

"Sinungaling." Sumimangot si Aljun.

"We're friends, tell me where were you yesterday." Natawa siya dahil mukhang nagtatampo ang bagong kaibigan.

"I'm with Zand." Mahina nyang sagot. Ngumisi si Aljun sa kanya.

"Akala ko ba'y lalayo kana sa kanya?" Napayuko siya.

"I'm trying, pero hindi naman ako ang lumalapit eh." Medyo naiinis nyang sabi. Totoo naman, si Zandro kaya ang laging lumalapit sa kanya. Ito naman lagi ang naghahanap sa kanya.

"Edi, lumayo ka. Hide or if you want ako na ang magtatago sa'yo, sa locker room. Ikukulong kita 'don." Napailing siya sa kalukuhan ni Aljun. Maypagka gago talaga.

"Time na pala, I'll go ahead. Kita tayo mamaya ah?" Tumayo si Aljun at saka iniwan siya nito sa cafeteria.

Bakit ba lagi na lang silang nang-iiwan sa'kin?

Napailing siya sa mga iniisip nya. Sabagay. Sanay naman siya. Tinapos na lang nya ang cake na binili at saka umalis na rin doon.

She's heading to her favorite part of the campus, but she saw Zandro and Cheska arguing. Nagdadalawang-isip siya kung pupunta ba siya o hindi.

Eh ano naman? Hindi naman siguro nila ako mapapansin.

Tuloy-tuloy lang ang paglakad niya habang naka tutok siya sa kanyang cellphone na saktong tumunog. Napailing siya dahil alam nyang naka tingin ang dalawa sa kanya. Nakuha niya ang atensyon ng mga ito.

"Hello, Kuya?" She answered the phone call.

"2 pm. No, don't fetch me. I'm fine. Kasama ko naman si Zara." Dahilan niya. Alam nyang mamaya'y kasama nito ang fiance and she doesn't like that woman.

Ayaw na ayaw nya sa babae na 'yon para sa Kuya nya. Ang God knows why .

"I'm sure. Okay." Binaba na niya ang tawag at umupo sa fave spot nya. Sa ilalim ng puno at kinuha ang earphones nya at saka sinaksak sa tainga and she close her eyes.

Ilang minuto pa ang lumipas naramdaman na lang nya na may tumabi sa kanya. She knows that it was Zandro but she remain her eyes close. Hinawi nito ang buhok na tumabon sa mukha nya. Pinakiramdaman lang nya ito habang nakikinig siya ng mga kanta.

"I'll clean this mess, Xy. I promise." Saktong tumigil ang isang kanta at narinig nya ang sinabi nito. Naguluhan naman siya.

Ano bang ibig nyang sabihin?

May narinig syang kaluskos didilat na sana siya pero naramdaman nyang may dumampi sa labi nya.

He's kissing me!

Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo nya dahil sa halik na 'yon.

Did he know that I'm awake or he just really want to kiss me?

Humalik din ito sa noo nya. She feel cared, pero naguguluhan pa rin siya.

Ipaliwanag mo sa'kin to Zandro.

Gusto nyang sabihin 'yon pero nanatili lang siyang nakapikit. Hanggang sa umalis na rin si Zandro.

              NAGTAKA si Zara dahil hindi bumaba ang Kuya Zandro nya. Gabi na at oras na para kumain.

"Nana, dumating na si Kuya di ba?" Tanong nya sa Nana Kori nila.

"Oo, dumating na kanina pa pero mukhang umalis ulit eh." Kumunot ang noo nya. Kapag nasa bahay na kasi ito pagdating galing sa skwelahan ay hindi na aalis pa ulit.

"Andito na pala siya. Hijo, halika sa hapag para makakain na." Ngumiti si Zandro at nagtungo sa kusina.

"Saan ka galing, Kuya?" Usisa nya.

"May binili lang. Birthday na ni Xyra bukas may gift kana?" Napatigil siya sa pagkain.

"Oh god! Paano ko nakalimutan 'yon?!" Ngumiti lamang ang Kuya nya sa kanya.

"Anong binili mo para sa kanya?" Tanong nya.

"Wrapper pa lang ang nabili ko, sis." Napakamot sa ulo si Zandro.

"Sira, wala ka pala eh!"

"I will buy a ring for her." Sabi ni Zandro at saka sumubo.

"You're proposing?" Biro nya. Tumawa ang Kuya niya.

"Not yet." Seryosong sagot ng Kuya niya. She pouted her lips and she stared her brother unbelievably. Bolera, tangina!

"May tanong ako, Kuya."

"Go, ask."

"Do you love her?" Tumigil sa pagsubo ang Kuya nya. Alam nyang nabigla ito sa tanong nya.

"Of course, She's my best friend." Umiling siya.

"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin, what I mean is do you love her as a woman?"

"I don't know. I'm still confuse right now, Zara." Napahigpit ang kapit ni Zara sa kubyertos.

"Kung hindi ka sigurado na mahal mo siya, please huwag mo na siyang paasahin pa. Mas masasaktan lang siya, Kuya." Zandro clinch his jaw at kitang-kita ni Zara 'yon.

"Please, she's my friend. Also their family at best friend mo pa siya, Kuya. Stop hurting her. She doesn't deserve it. Ayokong nakikita siyang masasaktan dahil sayo. Habang maaga pa, itigil mo na. Kung wala ka rin namang balak na mahalin siya." Tumayo na si Zara at hindi tinapos ang pagkain. Nawalan siya ng gana.

Gusto nya si Xyra para sa Kuya Zandro nya but it doesn't mean na hahayaan nyang saktan si Xyra. Hindi siya konsentidor na kapatid. Babae rin siya at alam niya kung gaano kasakit ang saktan ka ng taong mahal mo.

Ayaw nyang masaktan ang kaibigan nya like what Gabby did to her. She don't want Xyra to suffer like how she suffer because of her feelings for Gabriel.

Love can make you happy but at the same time it'll kill you.. Slowly.

Best Friend With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon