"It's good to see you." Nakangiting sabi ni Zara sa kanya. She just smiled back. Nakaka-miss rin pala ang school.
"Nagtaka ang lahat dahil absent ka ng isang linggo. Are you okay?" Tumango siya.
"Medyo.." Nahina nyang sabi. Kinagat nya ang kanyang ibabang labi. Naiiyak ulit siya. Akala niya'y okay na siya. Hindi pa pala.
"Anyway, I bought you favorite food.. Here." Inabot nito ang isang tupperware na may laman na Menudo. Menudo is one of her favorite at isang linggo siyang hindi nakakain nito dahil sa drama niyang love life.
"You cook?" Tumango si Zara sa kanya.
"Well, pwede mo na sigurong pakasalan ang Kuya Gabby ko." Namula ang mukha ni Zara at napayuko sa hiya.
"Nahiya pa ang bruha. Gusto mo naman diba?" Pang aasar nya sa kaibigan.
"Syempre! Matagal ko nang gusto ang Kuya mo, kaya nag-aral talaga akong mag-luto." Proud na saad ni Zara. Napangiti siya. Makikitang in love talaga ang kaibigan nya sa Kuya nya pero may lungkot na bumabalot sa mga mata nito.
"I'll help you, don't worry." Pilya nyang sabi. Alam nyang hindi ito papayag dahil alam naman nyang alam ni Zara ang limitasyon nito. Her brother is already engaged.
"May klase pa ako, I'll go ahead. Mamaya ko na sa bahay to kakainin ah? Salamat nga pala." Tumayo siya at humalik sa pisnge ng kaibigan.
"Okay, see you!" Kumaway pa sa kanya si Zara.
Tahimik nyang nilakad ang lobby papunta sa next class nya when she feel so dizzy. Medyo nasusuka rin siya pero binaliwala lang nya 'yon.
"Shit!" Mahina nyang mura dahil hindi na nya talaga kaya ang hilo.
"Xyra!" Hindi nya maaninag kung sino ang tumawag sa kanya dahil lumalabo na ang paningin niya. Dalawa silang lalaki pero isa lang ang sumalo sa kanya.
"Ako na! Xyra? Okay ka lang ba?" Hindi na nya masyadong narinig pa ang sinabi nito dahil bigla na lang siyang nahimatay.
HINDI mapakali si Zandro. His palm are sweating and he can't even calm himself a bit.
"Nurse Rose.." Lumabas na ang nurse na naka assign sa school clinic at nilapitan nya agad ito.
"H-how is she?" Tanong nya. Ngumiti naman ang nurse sa kanya.
"She's fine. I think kulang lang siya sa pahinga, sir. We suggest na pagpahingahin muna siya." Tumango siya.
"I-is she awake?" Umiling ang nurse.
"Can I go inside?" Bahala na kong tulog pa siya. He badly want to see her .
"Pwede naman po." Nagpasalamat muna siya bago siya pumasok sa kwarto kung saan nilagay si Xyra.
Sobra talaga siyang nag-alala kanina. Nakita nya kasi itong naglalakad na hawak ang ulo kaya sinundan nya ito.
"Mabuti na lang talaga at nasundan kita." Bulong nya habang hinahaplos ang buhok ni Xyra.
After all she's still his best friend. Ayaw na ayaw nya talagang napapahamak si Xyra. He promised to her at tutuparin niya 'yon kahit na galit ito sa kanya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nagising na ito. Bigla siyang kinabahan.
Ano ang sasabihin nya?
"A-asan ako?" Akmang babangon si Xyra pero pinigilan nya ito.
"D-don't move. Please take a rest.." Bumaling ang atensyon ni Xyra sa kanya. Napalunok siya.
What the hell I am feeling this?
"Anong nangyari?" Kaswal na tanong ni Xyra.
"You fainted.." Sagot nya.
"Magpahinga ka muna. M-may masakit ba sayo?" Umiling ito sa kanya at pumikit. Napabuntong-hininga siya. Hindi man lang siya tinignan no Xyra ng matagal.
Well, what do you expect? Sinaktan mo siya eh.
"Iwan mo na lang ako. Kaya ko na ang sarili ko." Malamig na sabi ni Xyra. Huminga siya ng malalim. Ayaw nyang iwan ito na nag-iisa. Baka may mangyari habang wala siya.
"I'll stay." Matigas nyang sabi. Alam nyang galit ito sa kanya but he can't take the risk dahil baka may mangyaring masama kay Xyra.
"I am fine. Matutulog lang ako. Pagod lang to." He can feel that she's tired. Hinawakan nya ang kamay ni Xyra pero iwinaksi lamang ito.
"Don't touch me."
"Xyra naman."
"Sabi ko naman sa'yo diba? Leave me alone. Huwag kang magpapakita sa'kin. Galit ako sa'yo." Nag-iwas siya ng tingin. He don't know why he felt a pang pain on his chest.
"Hindi pweding pabayaan nalang kita, Xy." Mahina nyang sabi. Kanina, sobrang nag aalala talaga siya. Hindi siya mapakali at kinabahan pa siya ng tudo.
"I will be fine. Kaya ko naman ang sarili ko. Malaki na ako, hindi na kita kailangan pa." Babangon ulit sana si Xyra pero pinigilan nya ito. He look at her with all worries.
"Please, huwag matigas ang ulo, Xy." Pakiusap nya. Wala namang magawa si Xyra kaya mahiga na lang ulit.
"Do you want something?" Umiling si Xyra sa kanya at mariing pumikit. He stared at her while her eyes are close. He admit, he missed her. Everything about her.
Oh god! Dont confuse me!