She silently put her hand on her stomach. She's pregnant. Until now ay hindi siya maka paniwala. She's been careful and Zandro also pero ito at may laman na ang tiyan niya. Hindi niya inaasahan na mabubuntis siya.
"What's your plan?" Mahinang tanong ni Zara sa kanya. Nasa loob sila ng silid niya. After the result she immediately called Zara and she told her everything. Umiiyak siya habang sinasabi niya 'yon kay Zara.
"I r-really don't know, Zar.." She honesty answered. She's so confuse right now. Hindi niya alam ang gagawin.
"We should tell Kuya about this." Mabilis siyang umiling. Hindi pwede. Hindi tatanggapin ni Zandro ang bata.
"That's the only thing we should do! That idiot should know your situation!" Matigas na sabi ni Zara. Napaiyak na lang ulit siya. Ano bang gagawin niya?
"Ako ang magsasabi sa kanya."Matigas na sabi ni Zara. There's desperation on her voice.
"N-no..baka..hindi tanggapin ni Zandro. At saka okay lang sa'kin. Kaya ko naman na palakihin sila mag-isa." Dahilan niya. Pagak na napatawa si Zara.
"Are you kidding me? Hindi tatanggapin? C'mon! Siya ang dahilan nyan! Nilalandi ka tapos hindi ka pananagutan?" Galit na saad ni Zara. Nakakuyom rin ang mga kamao nito.
"I won't tolerate him kahit na kapatid ko siya. Kaibigan kita, Xy at babae rin ako." Hinawakan niya ang kamay niya at mahigpit na hinawakan.
"Fix yourself, okay?" Napilitan siyang tumango. Nababahala siya. Ano bang sasabihin niya kay Zandro kapag nalaman niya ang kalagayan niya?
"O-oo nga pala.. Kuya wants me to stop studying.. Ayaw niyang ma stress ako." Malungkot nyang sabi sa kaibigan. Ngumiti si Zara sa kanya. Mukhang naiintindihan siya nito. Gusto pa naman niyang mag-aral.
"Tama lang ang disesyon ni Gabby, doktor siya at tama siya, baka mapano pa ang pamangkin namin kapag nagpatuloy ka sa pagpasok." Gusto nya sanang tapusin muna ang second semester pero ayaw siyang payagan ng Kuya niya kaya wala siyang magagawa.
"Xyra?" Sabay silang napalingon nang pumasok ang Kuya Gabby niya.
"Kuya! Maaga ka ata?" Pagod na ngumiti ang Kuya niya.
"May lagnat. Are you okay? May kailangan ka ba?" Ngumiti siya at umiling.
"Magpahinga ka muna, andito naman si Zara." Bumaling ito kay Zara na titig na titig sa Kuya niya. Kitang-kita niya ang paglunok ni Zara nang tumingin ang Kuya niya.
"U-uhm. Oo nga po, pahinga lang po muna kayo." Pinigilan niyang huwag tumawa dahil parihong namumula ang dalawa.
"S-sa kwarto lang ako. Iwan ko muna kayo. Masakit ang ulo ko eh." paalam nito sa kanila.
"Sige Kuya." Siya na lang ang sumagot dahil mukhang walang balak na magsalita pa si Zara.
"Namumula ka. May sakit ka rin?" Biro niya sa kaibigan. Natawa pa siya nang biglang tinampal ni Zara ang dalawa nitong pisnge.
"Gosh! Ang gwapo ng Kuya mo,Xy! Pwede bang ibahay ko na?" Napahalakhak siya sa sinabi nito.
"Pwede naman, puntahan mo kaya at tanungin kung pwede ba." Pagsasakay niya sa sinabi nito. Tumawa lang ulit si Zara. Kinikilig ata.
"Aalis ka na ba?" Tanong niya. Umiling naman si Zara. Mukhang magtatagal ito sa bahay dahil sa Kuya niya. Well, wala naman siyang problema roon.
"Paalisin mo na ako?"
"Hindi naman, sino pala pinunta mo dito? Ako o si Kuya?" Nakasimangot niyang tanong kay Zara. Wala lang, gusto niya lang asarin ang kaibigan.
"Ah..ehh..both." Sabi nito pagkatapos ay mahinang tumawa.
"Both ka diyan. Puntahan mo muna kaya 'yon? May sakit eh." Asar niya. Namula ulit si Zara at saka napakamot sa kabilang pisnge nito.
"Sige na, dalhan mo ng gamot."
"A-ayoko." Naka-kunot-noong napatingin siya kay Zara na nakayuko. Naninibago siya rito.
"May problema ba?" Mabilis na umiling si Zara sa kanya pero nakayuko pa rin. Nakita pa niyang may pinahid ito sa pisnge nito.
"Umiiyak ka ba?" Hinawakan niya ang balikat nito para tignan naman siya pero mas lalo naman itong napayuko.
"Hey.."
"W-wala to. Ano kaba." Nag angat ito ng tingin at ngumiti sa kanya.
"Ang weird mo.Buntis ka rin ba?" Napatawa siya nang hampasin siya ni Zara ng isang pillow.
"Hindi ah! Paano ako mabubuntis?" Ngumisi siya.
"Baka si Kuya..ano." Napakamot siya sa kanyang ulo, hindi masabi kong ano ang dapat sabihin. Si Zara naman ang tumawa sa pagkakataon na 'yon.
"Sabihin mo, buntis ka rin no? Kanina lang ay kinikilig ka, nakangiti pa tapos biglang nag-iba ang mood mo." Napailing si Zara at ngumiti sa kanya.
May problema talaga eh. Pero hahayaan na lang muna niya ang dalawa. Sila na ang bahala. Hindi na muna siya makikialam. May sarili siyang problema kaya ito muna ang po-problemahin niya.
~~~~
Bakit kaya may mga taong nagpaparamdam kung kailan okay na tayo?😑