CHAPTER 15

9.2K 154 6
                                    

  ISANG malutong na sampal ang ginawad ni Zara sa nakakatandang kapatid. Hindi niya talaga napigilan ang galit niya. Galit na galit siya kay Zandro.

"Z-zara!" Gulat na bulalas na sabi ng Kuya Zandro niya.

"Nagtataka ka? Ask yourself! Damn you Kuya! Bakit si Xyra pa!" Dahil sa sobrang galit nanginginig ang boses niya habang nakakuyom ang dalawang kamao.

"W-what are you talking about?" Tumawa siya. A fake and sarcastic laugh.

"Stop fooling around. Alam ko na alam mo kung ano ang ibig kong sabihin." Matigas niyang sabi. Noon, hinayaan lang muna niya ang dalawa dahil nakikita niyang masaya si Xyra. She wants Xyra to be happy pero habang tumatagal ay nawawala ang Xyra na nakilala niya.

Iba..ibang-iba na si Xyra. Lagi na itong malungkot at umiiyak at hindi niya kayang makita 'yon.

"Pwede ba, sabihin mo na lang sa'kin kung ano." Pinanliitan niya ito ng mga mata. Mas lalong ikinuyom ang dalawang kamao. Pagkainis at galit ang nasa dibdib niya.

"Ganyan ba talaga kayong mga lalaki? Pagkatapos ninyong makuha ang gusto niyo at pagsawaan kaming mga babae ay iiwan n'yo nalang kami basta-basta?" May hinanakit na sabi niya.

"Na..na parang basura na itatapon na lang?" Dagdag niya.

"Zara.." Napabuntong-hinga siya. Hindi niya dapat sabihin 'to pero hindi niya kayang makitang magdusa ang kaibigan niya. Mahal niya si Xyra at parang kapatid na ang turing niya kay Xyra at masakit sa kanya na nakikitang nasasaktan ito.

"B-buntis si Xyra, Kuya." Napaawang ang labi ng Kuya Zandro niya. Mukhang hindi ito makapaniwala sa sinabi niya.

"A-are you kidding me?" Sobrang hina nang pagkasabi pero dinig niya. Natatawa siyang umiling.

"I wish I am, pero totoo Kuya. Buntis siya." Napahilamos ang dalawang kamay ng Kuya niya sa mukha nito. She can see frustration on his eyes.

"Gawin mo ang tama, Kuya. She needs you." Sa buhok naman ito napasabunot. Napailing siya. Mukhang nagulat ito sa sinabi niya.

"Zara..alam mo naman na.. Na hindi pa ako handa." Sinampal niya ulit ang Kuya niya. Namumula ang mukha niya sa galit. Nag-iinit ang ulo niya dahil sa sinabi nito.

"Hindi handa pero paulit-ulit mo siyang kina-kama? Damn you kuya! You have no balls! Ang kapal ng mukha niyong mga lalaki! Malalandi kayo!" Sigaw niya. Napaiyak siya sa inis.

"Sana naisip mo 'yan bago mo siya dinala sa kama at inangkin." Tumalikod siya. Baka masampal niya ulit ang Kuya Zandro niya.

"B-buntis ba talaga siya?" Nanginginig ang boses ni Zandro. Hinarap niya ito ulit.

"Kailan pa ako nagsinungaling sa'yo Kuya?" Namumula ang mata ng Kuya niya, sign of frustration. Napailing siya.

"Kung ayaw mo, edi 'wag. Ayaw rin naman ni Xyra na panagutan mo siya. Isa kang duwag." Natulala ang Kuya niya sa sinabi.

"A-anong sabi mo?"

"Ayaw ni Xyra kasi isa kang gag*. Manhid ka. Hindi mo ba nararamdaman na mahal ka niya? Matagal ka na niyang mahal pero ikaw, wala lang ibang ginawa kundi ang saktan at paluhain ka." Tuluyan na siyang tumalikod at umakyat sa taas. Iniwan niya ang kuya niyang natahimik.

"Ang gag* ng mga lalaki ngayon. Tss." Maingat na sinarado ang kanyang pinto at nagtungo sa kama. She feel so tired. Nanghihina ang kanyang katawan. Damapa siya at kumuha ng unan.

Mga lalaki talaga. Pari-pariho. Sila naman 'tong ginugulo ang tahimik naming buhay tapos papaiyakin kami. Nakakainis!

Napakagat siya sa kanyang unan. Naiinis talaga siya. Hanggang ngayon ay umiinit pa rin ang ulo niya.

"Arg!" She shout through her pillow. Mas lalo pa siyang napasigaw nang tumunog ang cellphone niya. She answered it without looking who's the caller.

"What?!" Inis niyang sagot.

"Chill. It's me, Gabby." Sabi sa kabilang linya. Napapikit siya. Pinagsu-suntok niya ang kanyang kama sa inis.

"Isa ka pa! Arg! What do you want?!" Galit na tanong niya.

"Ano bang nangyari sa'yo? Are you okay?" Mariin siyang napapikit dahil sa tuno ng boses nito.

"I'm fine! Ano bang kailangan mo?!"

"Chill ka lang, kanina kapa sigaw ng sigaw. Sabihin mo nga ang problema mo."

"Iwan ko sa inyong mga lalaki! Mga liliit ang bayag! Taena nyo!" Sigaw niya ulit at saka marahas na binaba ang phone sa kama.

"Mga gago! Arg! Ang sarap niyong patayin! Bwesit!"Sunod-sunod niyang mura.

~~~

Super busy po talaga. Sorry po😭

Best Friend With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon