CHAPTER 13

9.5K 166 2
                                    

   Mariing napapikit si Xyra. Ilang linggo na nyang iniinda and pagkahilo nya. Every morning she felt it, tapos nasusuka pa siya. Wala siyang idea kung ano ang nangyayari sa kanya.

"You look like a mess. Fix yourself, will you?" She lifted her head and stared at her brother. Napatakip siya sa kanyang ilong.

"Naligo ka ba kuya? Ang baho mo!" She pointed out. Kumunot naman ang noo ni Gabby dahil sa sinabi nya.

"What the f-ck! I already did!" Sumimangot siya at tumayo.

"Ang baho mo talaga!" Naiinis na sabi ni Xyra at tumungo sa kusina para kumuha ng pagkain. She's hungry again.

"Arg! Kuya! Wala bang stock ng mangga dito?!" Sigaw nya habang hinahalungkat ang fredge nila. Tigil na lang nya nang maamoy niya ang Kuya nya.

"You're so weird. Buntis ka ba?" Natigilan siya. Napatuwid ng tayo at dahan-dahang sinarado ang fredge.

"Lately, napapansin ko ang pabago-bago mo ng mood, tapos ngayon pinupuna mo ang mabaho kong amoy kahit na kakaligo ko lang and now you're searching for some mangoes?" Her heart skip a bit. Humarap siya sa Kuya niya.

What if she is? Anong gagawin niya? Bakit ngayon pa?

"I.. I don't know Kuya." Mahina nyang sabi. Her hands trembled. Pinagpawisan siya ng malamig.

"Dinatnan ka na ba?" She suddenly bit her lower lip. Ngayon lang niya na alala. Sobrang delayed na siya.

"Oh god!" Bulalas niya. Nag uunahang tumulo ang mga luha niya.

"W-why now?" She whispered. Mariing pinikit ang mga mata habang walang tigil na tumutulo ang mga luha mula sa mga mata niya.

"You're reckless.. You are still studying."

"Kuya..." Nag taas baba ang kanyang dibdib. Hindi pa confirm na buntis siya but there are some symptoms of being pregnant.

"You feel dizzy? Uhm..Nasusuka?" She nod.

"Every morning, nahihilo ako, pero minsan lang ako nasusuka." She explained. Tumango ang Kuya niya.

"I'll buy a pregnancy test for you. Stay her and please stop crying, nakakasama 'yan." Napailing siya. She's not pregnant!

"The baby is a blessing, Xy." Napalunok siya.

"H-hindi ako buntis." Her brother shrug.

"Stay her. Bibili lang ako. We need to make sure that you're pregnant." Tiim bagang sabi ni Gabby. Kinabahan siya bigla. Paano kung buntis siya? Ano ang sasabihin niya sa Mommy at Daddy nila? She's still at her third year in college for God's sake!

"Kuya.." Nanginginig ang boses niya. Lumapit si Gabby sa kanya at inalu siya.

"Shhh. I'll buy you a PT, I'll be back." Inakay muna siya ng Kuya niya palabas ng kusina.

"Dito ka lang. Stop crying." Matigas na sabi ng Kuya Gabby niya. Tumigil siya sa pag-iyak at pinahid ang mga luha na nasa pisnge. Nanginginig pa rin ang mga kamay siya.

"Kuyaa.." Pinigilan niya si Gabby at mahigpit na hinawakan ang braso. Her brother shake his head.

"Let go, babalik naman ako." Walang magawa si Xyra. Hinayaan na lang niya ang Kuya niya na lumabas at bumili ng PT.

Nang bumalik ito ay may dalawang PT na dala. Binigay ito sa kanya at pinapasok sa CR. Dalawang PT ang ginamit niya at parihong two lines ang lumabas.

Positive..

"You're pregnant.." Sabi ng Kuya niya. Natulala siya. Hindi makapaniwala.

"B-bakit ngayon pa?"Wala sa sariling sabi niya.

"We'll tell, Zandro about this." Malamig na sabi ng Kuya niya. Mabilis siyang umiling. Hindi pweding malaman ni Zandro na buntis siya. Hindi pwede.

"Hindi pweding ilihim natin to sa kanyan! Kailangan ka nyang panagutan!" Galit na sabi ng Kuya niya. Nanlilisik ang mga mata nito. She bit ger lower lip. She knows her brother too well, kapag sinabi nito ay gagawin niya talaga ito. Pero hindi siya papayag. Hindi dapat malaman ni Zandro na buntis siya.

"P-please, keep it a secret for now Kuya.." Paki usap nya. Tumitig sa kanya si Gabby. Nagtataka.

"M-may girlfriend s-siya kuya.." Napailing si Gabby.

"May girlfriend pero nilalandi ka niya?! Tapos ikaw? Nagpalandi ka naman!" Galit na sabi ni Gabby. Napaiyak siya.

"K-kasalanan ko bang minahal ko siya k-kuya?" Mahina niyang sabi. Napahagulhol pa siya.

"Malaki kana! You're not a teenager anymore. You should know your limitations! Pero wala na tayong magagawa! Andyan na 'yan eh"

Tama ang Kuya niya. Malaki na siya. Dapat ay alam nya ang limitasyon niya pero mahal niya eh. Mahal niya si Zandro.

Mahal na mahal.

~~~~~

Mahal bigas ngayon oy! Hahahaha. Halos lahat ata ng bilihin. Huehue.

Enjoy reading!😅😘

Best Friend With BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon